Chapter 1: It's All About Us Babe

153 0 7
                                    

Hi mga TROPAPIPS ako nga pala si JAMES. DOTA TAYO! BAYAD PC! - James

16 years old na ako at nasa 4th year High School na. Mahilig akong mag DOTA, ikaw ba naglalaro nun? Laban tayo! Magaling ata akong mag DOTA. Magdamagan ba naman akong maglaro, ewan ko nalang kung hindi pa mahasa skills ko. Bukod sa DOTA ay adik narin ako sa tumblr. Marami kasing mga chix dun lalo na pag thursday. TTH!!!!! 

Napadpad ako sa tumblr hindi lang sa mga magagandang babae kundi mahilig din kasi ako magblog. Oo bihira man sa lalaki ang ganito pero ganun ako eh. Pero kahit busy ako sa mga yan may girlfriend ako, si YVETTE. 

Teka gusto mo bang malaman love story namin ni YVETTE? Magtatatlong taon na kami mga 5months from now. Maganda yan siyempre! Mas ahead lang ako sa kanya ng isang taon kasi senior na ako at junior palang siya. Ok lang yun lalaki naman mas matanda diba. Ikukwento ko nalang sa inyo kung paano nabuo ang mala teleserye naming kwento.

 .

.

Second year ako noon sa high school. And guess what, hindi sapat ang mga daliri mo sa kamay at paa para mabilang ang mga naging syota ko. Dati naging hindi lang two, kundi three timer pa ako. Well gwapo ako wala kang magagawa dun. Kasi mga ilang salita ko palang sa mga babae kilig na agad sila. Gusto mo bang malaman yung pang pick up ko?

Eto yun oh....,

"Hi miss, naniniwala kaba sa love? Ako kasi hindi, pero magaling ako mag DOUGIE. So kung interested ka i can teach you how to dougie and in return you will teach me how to love. "

- James

Well sabi ng mga tropa ko corny daw, pero sabihin ko lang ang mga linyang yan sabay kindat, laglag panty nila. Pero nagiba ang ihip ng hangin ng makilala ko si Yvette

.

Nangangampanya kasi sila para sa mga magiging officer ng STUDENT BODY ORG.

"Hi everyone ako nga pala si Yvette Salvador nangangandidato para sa pagiging first year councilor ng partidong Ledaer's Generation." - Yvette

"Wow pare ang sexy neto kahit 1st year palang, ano pare kaya mo bang pasagutin yan in one week?" - Mark (Bestfreind ni James)

 Ay syet ang ganda nitong babaeng to. Ang sexy pa! First year lang ba talaga to? 

"Wow pare ako pa ang hinamon mo? Nakakalimutan mo nabang may napasagot nga ako ng isang araw ko palang niligawan. Tapos yan 1 week, sus kahit 5 days." - James

 Haha nakipagpustahan sa akin si Mark, 100 pesos!! Aba pandagdag narin yun ng allowance ko. Ako ba naman ang hamunin eh sa gwapo kong to ewan ko nalang kung kahit artista ay maging girlfriend ko.

.

.

Labasan, sa may gate ng eskwelahan,

 Agad kong nakita si Yvette, kaya pinuntahan namin siya ni Mark bago pa siya makalabas ng gate.

"Hi miss, naniniwala kaba sa love? Ako kasi hindi, pero magaling ako mag DOUGIE. So kung interested ka i can teach you how to dougie and in return you will teach me how to love. "

- James

"Ay sino ka po? Kilala po ba kita? - Yvette

"Well sa ngayon hindi pero bukas o makalwa malay mo ako na ang boyfriend mo." - James

"Sorry but i don't talk to strangers." - Yvette

"Pero kinakausap mo na ako, by the way I'm James Estrada. Ayan alam mo na name ko hindi na ako stranger." - James

MY ONLINE ROLLERCOSTER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon