Chapter 11-Loved you for a long time

118 3 0
                                    


Dedicated to:@Angeliqueaguilar


KRISTOFF's POV


Mataman kong tinitingnan ang babaing nakahiga sa kama.Masuyo kong hinahagod ang kanyang mga kamay habang paulit-ulit kong kinakabisa ang maganda niyang mukha.Kahit ata nakapikit ako ay kayang kaya kong i-drawing ang mukha niya.Nahahabag ang kalooban ko na nasa ganito siyang sitwasyon.Namumutla ang kanyang mukha pero hindi parin naitago ang kanyang ganda.Napakarami rin aparato ang nasa kanyang katawan dahil sa maselan niyang kalagayan.
"Bakit ba hindi ko mapigilan ang puso kong mahalin ka?Bakit sa loob ng napakahabang panahon ikaw parin ang tinitibok nito?Bakit sa kabila ng lahat siya parin ang pinili mo?Anu pa ba ang kailangan kong gawin para ako nalang ang piliiin mo?",masama ang loob kong  sabi sa babaing nasa harapan ko.
Bigla kong naalala ang childhood days namin.


Flashback 15 years ago

Sa mansion nina Don Arnulfo Alarcon at Donya Mercedes Alarcon ay abala ang lahat para sa 4Oth wedding anniversary ng mag-asawa.Malaking handaan ang magaganap sapagkat maraming mahahalagang tao ang dadalo sa party kasama na ang mga kilalang politiko at mga business tycoon.Dating Gobernador ng bayan ng Pangasinan si Don Arnulfo at pagmamay-ari niya ang pinakamalaking fruit farm ng nasabing bayan samantala katuwang rin siya ng kanyang asawang si Donya Mercedes sa pamamahala ng real state company nito na kilala sa buong pilipinas.Nasa maynila na ang anak nilang si Jessica kasama ang asawa nitong si Manuel at ang mga apo nitong sina krissah at krizha.Dumating na rin sila sa mansion para makisaya sa nasabing party.Maya maya ay nakita ni Mercedes ang apong si krissah na may dala dalang kung ano patungo sa kusina.Labindalawang taong gulang na ito at ang  kambal nito na si krizha.
"Krissah Baby,Be careful baka madapa ka.",sigaw ko habang hinahabol ng tingin ang nakakaaliw na bata.

"Yes Lola.I'll be fine,Talk to you later Im doing something.",sigaw ko kay lola mercedes habang nakangiti.
Dala-dala ko ang mga kasangkapan gagamitin para sa mga ibi-bake kong cookies na paborito nina Lolo at Lola na kapares kapag nagkakape ang mga ito.Bata palang ako ay nahilig na ako sa pagluluto kaya naman at a young age ay nagpa-enroll na kaagad ako kina Mom and Dad sa Cooking school.At si krizha ang palaging nakakatikim ng mga pagkain bago kong natutunan lutuin sapagkat busy naman sina Mom and Dad sa mga businesses namin at bihira lang naman kami kung makadalaw kina lolo.Kaya naman nasanay na si krizha sa mga pagkaing niluluto ko at palagi niyang hinahanap ang mga ito buti nalang talaga hindi tabain ang kakambal kong iyon.Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nabitawan ang tray na hawak ko,palabas rin kasi ang isang batang lalaki kaya nagkabanggaan kami.

"oH my...what have you done?!Bakit di ka nagdahan-dahan natapon tuloy ang mga dala ko.",irita kong sabi.Unti unti kong inangat ang ulo ko para salubungin ng tingin ang batang lalaki.Nabawasan ang iritasyon ko dahil sa nakakaaliw na mga ngiti ng lalaking kaharap ko.Mukhang amuse na amuse siya sa messed up situation ko.

"I'm sorry pretty Girl.Nagmamadali kasi ako at baka hinahanap na ako ni Mommy.Pero di ko naman sinasadya na banggain ka.Come on,let me help you carry that.",sabi  niya.

"Fine.Sorry if medyo nairita ako kanina.Nagmamadali rin kasi ako at kailangan kong ma-bake ang mga cookies bago magsimula ang party.Kakarating lang rin kasi namin ng Manila.",sabi ko sa kaharap.

"Gusto mo tulungan na kitang mag-bake para mas marami kang time na masave?",sabi niya.

"Talaga?Okay lang sayo?",balik kong sabi.

My Impostor BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon