Chapter 2

35 1 1
                                    

Janah's POV

"Nandito na yung manliligaw mooooo!!" Sigaw ni ate. What?!

"Aeris, nag toothbrush kaba? Onting blush on? Uhm nagsuklay kaba?" Sabi ni mame habang inaayos ang buhok ko. "Who said na manliligaw ko yun?! Im nbsb!" Sabi ko sakanila. "Edi ung manliligaw mo." Sabi ni mame. WHAT?!

"Ikaw Aeris ha. Sabi naba nandon palang tayo i smell something fishy na eh." Huwahhhhhttttt?! Bigla akong lumabas ng bahay.

"Sino nagsabing manliligaw kita--"

Napatigil ako sa sasabihin ko ng makita ko si Carlo. "CARLLLOOOOOOO?!!!!" Sigaw ko at niyakap sya. "Baliw ka, bat sinabi mo kila ate na manliligaw kita. Alam mo naman yun. Sobrang excited akong mag ka boyfriend." Sabi ko sakanya at tumawa lang sya. "Di parin nagbabago ate mo. Hahaha that's why i like her." Sabi nya...

"Ikaw ha!"

"Kamusta ka? Tara bike tayo?" Sabi nya at tinanguan ko lang sya. Kinuha ko ang bike ko sa loob. "Heppphep!"

"Hooray -_-" Sabi ko. "What?" Dagdag ko pa. "Aano ka?"

"Mag bibike malamang."

"San ka pupunta?"

"Sa labas malamang."

"Okay, eto pera pang date nyo." Sabi nya. "Ate. He's just my bestfriend.--- oh! Si reina. Please tell her that ive gotta go." Sabi ko at nagmadaling lumabas.

"Tara?"

"Tara..." sabi ko at nag bike na kami.

Habang lumampas na kami sa street 2. Nasa street 3 na kami nagbabakasakali akong makita si Christian.

"Sino bang hinahanap mo? Baka mabangga ka nyan. Angkas nalang kita?" Sabi nya. "A-ano, hindi na..."

"Siguraduhin mo lang ha? Malalagot ako kay tita kapag nasugatan ka." Why being so overprotective?

"Hindi yan." Sabi ko at lumingon ulit sa kaliwa---

"A-aray...huhu..."

"Sabi ko sayo eh, halika nga dito." Sabi nya at inalalayan ako. "Akina padlock ng bike mo, daanan ko nalang mamaya." Sabi nya at binigay ko na sakanya. "Sakay ka na sa harap." Sabi nya at sinakay nya ako. Kinakabahan ako baka maramdaman ko yung ano nya omyyy.

At sinimulan nya nang pumadyak. Napalunok ako sa kaba. Pumunta kami sa malapit na tindahan para mamili ng band aid. "Carlo.. okay lang talaga ako promise..." sabi ko at sumeryoso naman sya.

"Sige na nga..." sabi ko at ngumiti naman sya.

Matapos nyang lagyan ng bandaid ang sugat ko ay nagpunta kami sa park. "Lagot ako kay tita nyan.." sabi nya. "Hindi yan. Atsaka ako naman may kasalanan." Sabi ko. "Gusto mo ba, mag sabihan tayo ng nararamdaman? 1 minute?" Sabi nya.

"Ohsige ba."

"Ikaw mauna ha," dagdag ko pa at huminga sya ng malalim.

"Bestfriend kita,. Naging crush., nagustuhan., minahal... kaso nalaman ko may iba kang gusto minahal parin kita kahit hanggang kaybigan lang. Nandito ako lagi para sayo. Pinagkatiwalaan kong babae. Una kong naging bestfriend na babae. Swerte ako sayo...lagi kitang dadamayan..........kahit masakit okay lang masaya ka naman.....basta bestfriend kita at akala ko nga nung nakilala kita ikaw na ang perfect na babae para saakin. Siguro pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana.... pero wag mong kalilimutan na lagi akong nandito sayo.. iloveyou..." sabi nya at kinuha nya ang kamay ko at hinalikan. Naiiyak ako. Tas ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. First time kong may lalaking nag confess sa personal.

Kaya lang naman madami akong nabubusted. Nanliligaw sa chat. Like WHAT THE HELL?.

"Ikaw na..." sabi nya at nginitian ako. Nginitian ko din sya. "Bestfriend kita, bessy, beshyyy, kahit ano pang tawag. Hinangaan kita o sa ibang tawag nagkacrush ako sayo. Umabot din ako sa point na nafall na ako sayo.. natakot akong ma reject atsaka ang sagwa pag babae ang unang aamin. Itinigil ko kahit masakit. Pero masaya ako kasi hanggang ngayon mag bestfriend parin tayo...  sana walang magbago ah, kahit man magkalayo tayong dalawa. Wag mo kong kakalimutan na nadito din ako palagi para sayo... basta dapat ako lang bestfriend mong babae kundi magseselos ako sakanila sige ka! Atsaka kung akala mo eh ako ang perfect girl para sayo.. isipin mo nalang na siguro nga pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana. Isipin mo nalang na mas may better pa saakin. Yun lang. Iloveyoutoo.." as a friend...sabi ko at niyakap sya.

"Hwag mong sabihin na may iba pang mas better. Kasi ikaw ang the best."

"Nako! Nambola pa sya." Sabi ko at tumawa kami ng sabay. "Oy, hindi yun bola ha. Tunay un." Sabi nya. "Wushuuuu nako nako." Sabi ko. "Kung ayaw mong maniwala. Edi hwag." Sabi nya.

"Joke lang. Hahaha." Sabi ko at ngumiti nanaman sya. Bakit ayaw bumalik ng feelings ko?

"Aeris?"

"Mmm?"

"Bakit... hindi nalang natin ituloy yung nararamdaman natin sa isa't isa?"

Ano daw?

"H-ha?"

"Kung ayaw mo naman okay lang... basta nandito ako lagi sayo..."

"Ah, ano,.. kasi hindi naman sa ayaw... masyado lang akong nabigla.. uhmm.... ano, hi-hindi ko pa alam.." sabi ko ng makaba kaba.

"Okay lang.. kaya kong maghintay." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya.

"S-sorry.. ano, hindi lang ako sanay."

"Naiintindihan kita... hayaan mo lang akong mahalin ka. Ayos na."

"E kasi Carlo hindi ba pagiging unfair yun? I mean. May iba akong minamahal tapos ako naman minamahal mo. Pano kung di ko masuklian yung pagmamahal mo... mas mabuti pa itigil mo nalang yung nararamdaman mo saakin... we can still be friends." Sabi ko.

"Alam ko, hayaan mo lang ako..." sabi nya at nginitian ko lang sya. "Hatid na kita? Baka gutom kana eh? Nagtanghalian kaba?"

"Diba nga magkasama tayo pano ako makakapagtanghalian?"

"Kahit kaylan talaga napaka pilosopo mo." Sabi nya at kinurot ang pisngi ko.

"Atleast maganda"

...

"Ahahahhahahahahahahah" tawa naming dalawa.

"Pilosopo kana nga mapagbiro pa ahhahahahaha" banat nya. Hmmmm. Did he said that im kidding?

"Legit to. Maganda to. Super." Sabi ko.

"Aeris?" Biglang may lalaking nagsalita sa likuran naming dalawa.

Crush Kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon