My Best Friend: The Last Gift (Book 1)

48 0 0
                                    

Bestfriend ko sya mula pa noong bata kami...

We met noon sa isang park she was alone, she was then a drooly kid.. looking at her feet by the park.

MAC: Bata.. bakit ka malungkot...

LYN: Ha? ahmm.. Birthday ko kasi ngayon..

MAC: E birthday mo naman pala bakit ka malungkot..

LYN: birthday ko kasi.. hindi man lang ako binati ng Mama at Papa ko

MAC: bka isusurprise ka nila

LYN: taon taon na lang tuwing birthday ko, hindi nila ako binabati, hindi nila ako pinaghahandaan

MAC: ganun ba??

dahil ayaw ko ng malungkot noon, dali dali akong nagpunta sa likod kumuha ako ng mga bulaklak, pinitas sa

garden saka ko binigay sa kanya.

MAC: Oh heto..

LYN: ano yan??

MAC: Regalo ko sayo,, Happy Birthday!!!

LYN: salamat!! alam mo ba mahilig ako sa surprises...

doon nagsimula ang friendship namin ni Lyn. Na hanggang sa lumaki na kami.. Naging magbestfriends kami,, hindi ako nakakalimot sa birthday nya, lagi ko syang sinusurprise, kahit alam ko namang alam na nya na may surprise birthday gift ako sa kanya.

LYN: may magbibirthday na next week..

MAC: yan ka nanaman eh.. alam ko na yan..

LYN: para surprising..

yan si Lyn, heto ako, lagi ko syang pinapasaya sa kanyang malungkot na mundo laging maraming nagtatanong kung girlfriend ko daw si Lyn, Bestfriend ko po si Lyn, lagi ko namang tugon. Minsan nga para kaming mga batang bitbit ang sarili naming katuwaan pag magkasama, minsan napagkakamalang mga aning-aning, nagtatawanan, naghahabulan sa kalsada.

................

23rd birthday ni Lyn yun na ata yung pinaka special day na binigyan ko sya ng special gift, 3 months ata ang ginugol ko para maibigay ang special gift na yon sa kanya, talgang pinaghandaan ko ng todo. Mangyayari yon sa isang vacant room sa apartment na paupahan ng tita ko. Bago ko pinaghandaan yun. Huling gabi, binisita ko si Lyn sa kanila. Nandoon ang mga magulang nya, kinausap ko sila at pagkatapos tinungo ko ang kanyang kwarto.

May Diary din pala si Lyn. huling sulat nya...

"Dear Diary, malimit ko na makita si Mac ngayon, minsan naman sinasamahan nya ako sa opisina. Minsan naman wala talga sya. Minsan naman tinutulugan na lang nya ako sa mga kwento ko kung nagkakasama kami. Sana di nya nakalimutan na malapit na birthday ko. Mhmm actually lagi naman nya ako sinuspresa. Malamang pinaghahandaan na nya yon."

Matapos ko mabasa ang Diary ni Lyn, umalis na ako, at sa aking paglingon nakita ko ang namumugtong mga mata na may bahid ng luha sa mga mata ng ina ni Lyn, habang isang malungkot na mukha ang sa kanyang ama.

...............

Bago ang kaarawan ni Lyn, pinadalhan ko sya ng liham.

MAILMAN: Tao po.

LYN: Bakit po??

MAILMAN: May sulat po para kay Lyn Roque

LYN: Ako po yon.

MAILMAN: Ito po.

----------------------

LYN: Galing ito kay Mac.

Dear Lyn,

Pumunta ka bukas sa Apartment, Room 523.

Nakalakim sa liham na ito ang susi sa kwarto.

Mac

LYN: Excited na ako, birthday ko bukas.

Sa araw ng kaarawan ni Lyn. Pinuntahan nya ang apartment na aking ibinanggit. Nasa tapat na sya ng Room 523, dahan dahan nyang pinasok ang susi sa trangkahan ng pinto. At dahan dahang ipinihit yon. Sa kanyang pagpasok, namangha sya sa napakaraming regalo na nakapalibot sa kama. Ang silid ay napapalibutan ng maraming ilaw na may ibat ibang kulay. Napakabango sa silid, inaasahan nya ako sa loob ng silid na iyon, ngunit ang nakita nya ay ibat ibang hugis ng mga kahong may ibat ibang kulay, may malaki, may maliit. May mga teddybear, mga accessories. Tuwang tuwa si Lyn sa inihanda ko sa kanyang kaarawan. Naglaro syang parang batang sabik na sabik sa mga regalo. Siguro nga ay hindi sapat ang buong araw na iyon para mabuksan nya ang lahat ng regalong nandoon. Pinagmasdan ni Lyn ang lahat ng regalo at inikot ang tingin sa buong silid, hanggang makita nya ang isang kwaderno sa ibabaw ng isang lamesa. Iyon ang aking Diary.

-------------------------------

Binasa ni Lyn ang ilan sa mga notes ko sa aking Diary, at sa huli'y dinako nya ang huling mga notes na sinulat ko sa aking Diary.

Dear Diary, (February 9)

Hindi ko inaasahan ang aking nalaman, hindi pa ako handa marami pa akong gustong mangyari. Naaalala ko pa ang masasayang oras na kasa kasama ko si Lyn, ang mga panahong parang kami lang ang may-ari ng mundo.

Biglang kumunot ang noo ni Lyn.

LYN: Anong ibig nyang sabihin? Anong nalaman nya? Alam na ba nya na may gusto ako sa kanya?

Si Lyn na aking bestfriend, mula noon hanggang ngayon. Isang buwan na paghahanda para sa kanyang kaarawan kakayanin ko ba? Aabot ba ako sa tamang oras? Gusto kong maging special ang Last Gift ko kay Lyn.

LYN: Last?

Dear Diary, (March 7)

Natakot ako, akala ko hindi ako aabot sa deadline, pero lumampas pa nga ako. May idinagdag pang dalawang buwang palugit, ibig sabihin. Mabibili ko pa lahat ng regalo para kay Lyn, hindi pa sapat ang nabibili ko, gusto ko pa ng mas madami. At yun ang gugugulin ko sa dalawang bwan. Kahit maging dahilan ng minsang pagliban ko sa mga date namin ni Lyn.

Dear Diary, (April 30)

Limang araw mula ngayon ay kaarawan na ni Lyn. Excited ako sana makita ko ang magiging reaction nya sa regalo ko. Ngayong araw tinungo ko ang bahay ni Lyn. Gusto ko sana syang makausap at makasama sa mga nalalabing araw. Ngunit wala sya doon, lumabas daw sya. Naroon ang mga magulang ni Lyn, pinapasok nila ako, sa kakulitan ko noon tinungo ko ang silid ni Lyn at nabasa ang kanyang Diary. Nabasa ko sa huling notes sa Diary nya ang mga katagang "MAHAL NA MAHAL KITA MAC SANA MAHAL MO RIN AKO." naiyak ako sa nalaman ko, bakit ngayon ko pa nalaman. Maling mali ako, dahil mahal ko rin si Lyn higit pa sa pagiging bestfriends.

Nadatnan ako ng mama ni lyn sa kwarto nya, na umiiyak. Tinanong nya ako, at sinabi ko ang lahat. Pati na rin ang balitang nalaman ko na may sakit ako. May Brain Tumor ako, at tinaningan ako ng isang bwan, dahil sa nalaman ko, pinag igihan ko ang paghahanda sa kanyang kaarawan, gusto ko maging espesyal ang kaarawan ni Lyn. 

God is good, inextend pa nya ng dalawang bwan ang buhay ko, at  sa nakalipas na mga Linggo, iba na ang nararamdaman ko, bigla na lang akong nakakatulog tuwing magkasama kami ni Lyn, minsan nakakalimutan ko na ang mga lakad namin. Dahil sa narinig pag alis ko sa bahay nila Lyn, nakita ko na umiiyak ang ina ni Lyn sa tabi ng malungkot naman nyang ama.

Lyn marahil, binabasa mo ngayon ang last entry ko na ito sa aking Diary. Sorry hindi ko nasabi agad, ayaw kong maging malungkot ka, at miski ngayon na wala na ako, ayaw kong maging malungkot ka. Sana dahan dahanin mo ang pagbukas sa mga regalong ibinigay ko sayo, at muli mong alalahanin ang mga araw na tayo'y magkasama. Lyn mahal na mahal din kita, sana hindi tayo naging bulag at pipi noong una pa. Marahil masaya nating pinagsasaluhan ang pagmamahal natin sa isat isa. Paalam.

Lubos na nagmamahal sayo,

MAC

My Best Friend: The Last Gift (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon