chapter 13

15 0 0
                                    

Chapter 13

Mas kailangan ka niya

Andito kami ni Ian ngayon sa pagawaan ng cp napaayos na niya yung cp niya

~kring kring~

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya?

[Y-yuan s-si s-site...]

"Ano meron?" Walang gana kong tanong

[Naglasing...]

"Ano?!"

[Seryoso tapos umuwi siya dito ng bugbog sarado]

"Teka nga bryan asan siya?!"

[Andito sa bahay ko]

"Naku! Bryan kapag ako niloloko mo!"

[Mukha bang niloloko kita?!]

In-end ko na yung tawag, nakakainis ano ba kasing ginawa niya?

"Mun!"

"Ano?"

"Si Site kasi umuwi daw ng bugbog sarado saka lasing pupuntahan ko lang... Saglit lang naman"

"Ahh ganun sige nag text din sakin si Lai, alis daw kami treat niya"

"Ha?" Nagtext? Ano yun alam ni Lai na may cp na siya?

"Mas kailangan ka niya"

Mas kailangan niya ako?? Ano?

"Sakay na, punta kana dun." Sabi niya tapos ngumiti sakin. Ewan ko ba kung bakit ako sumakay sa jip siguro dahil nadin sa ngiti niya

Hayaan na pupunta nalang ako kay Site

"Bayad po, paabot po"

--

Andito narin ako sa tapat ng bahay ni Bryan... Kaibigan ni Ian si Bryan tapos nung dati nagpupunta kami dito

*tok*tok*

"Andito ka na pala, pasok ka" aya sakin ni Bryan... Tumuloy naman ako

Nakita ko si Site naka-upo at punong-puno ng galos.. Nung napalingon si Site sa direksyon ko lumapit siya agad tapos niyakap niya ko

"Yuan. Sorry"

"Bakit ka naglasing?"

"Para makalimutan ka..."

"Hindi mo naman ako magagawang kalimutan ehh"

"Hindi"

"Papaanong hindi?"

"Kasi kapag uminom ako makakatulog ako agad makakalimutan kita kahit sandali"

"Oh eh! Bakit ka naman nabugbog"

"Ewan ko din ehh basta may sinabi silang hindi maganda tungkol sa'yo kaya pinatulan ko

" tss datap hindi mo ginawa yun"

Humiwalay na si Site sa pagkakayakap namin

"Halika gagamutin ko 'yang sugat mo"

-----

Bryan's POV

Sa totoo lang plano ni Site ang lahat ng ito...

Plano niyang masaktan si Ian

Kanina habang magkayakap sila ni Yuan. Pinicturan ko sila tapos sinend ko kay Ian

-FLASHBACK-

"Nakakainis!" Bulalas ni Site sakin

SAN & MUN STORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon