Chapter 24:Reconciliation

337 7 0
                                    


Chapter 24: Reconciliation
Daniel's POV

Papauwi na sana ako, pero naalala ko yung wallet ko na nilagay ko sa may sidetable ni Kath.

Nung pagbalik ko nakita kong bukas yung pintuan ng kwarto.

"Teka, sinara ko naman 'to kanina ah?" sabi ko sa sarili ko.

May tao kaya dito?

Nakabalik na kay yung parents ni Kath?

Hm. Siguro nga.

Pagpasok ko may nakita akong tao sa may bed side ni Kath, nakahoody siya kaya di ko nakilala kung sino siya.

Pagharap niya.


"Daniel???????"Sabi niya.


"Ikaw?????? Anong ginagawa mo dito????"


"Ah. Eh. Dinadalaw ko lang si Kath. Sige mauna na ako."-sabi niya ulit tapos naglakad na papunta sa pinto.


"Julia." sabi ko naman at pinigilan siyang umalis.

**********
Julia's POV

Nabalitaan kong may nangyaring masama kay Kath kaya naman nag-alala ako ng mabuti at naisipang umuwi sa Pilipinas.

I'm with my friend Sofia nung tumawag si Khalil.


Flashback

I'm at the mall here in States with my friend.

I chose to be here kasi alam ko na kapag nagstay pa ako sa Pinas mahihirapan lang ako.


Buti nga napapayag ko si Mom and Dad na dito na kami magstay eh.

Kahit alam ko nung una na mahirap dahil for the first time mahihiwalay ako kay Kath.


Nung una mahirap dahil wala akong kaibigan dito pero for the past 2 months nakapag-adjust na din naman ako.

Alam ko na nahuhulog na si Kath at Daniel sa isat'sa at ayaw ko namang maging hadlang sa kasiyahan ng best friend ko.


Although sinaktan ako ni Daniel alam ko namang matatag si Kath at kakayanin ang lahat ng pagsubok.


Yung tungkol naman sa nakaraan namin ni Daniel, mananatili lang itong lihim para na rin sa kapakanan ng kung anong relasyon meron sila ni Kath.

Alam kong nabigo si Kath sa plano niyang saktan ang playboy na si Daniel, dahil sa ginawa niya, siya pa 'tong nainlove sa kanya.

Ang totoo niyan nung sinabi sa akin ni Kath noon yung plano niya about sa pagpapaibig kay Daniel, ako mismo ay nagdalawang isip kasi alam kong madaling mahalin si Daniel.


Anyways, nandito na kami sa Starbucks ng mga friends ko.


"Hey! Juls, did Niel call you already???" Sofia said.


She's one of my friend here,PhilAm yan kaya medyo nakakaintindi ng tagalog.

Manhater meets Mr. Playboy (KathNiel)Where stories live. Discover now