1-Transferee

7 1 0
                                    

Mika's pov

Sa buhay ng tao, maraming problema ang nararanasan ng isang tao.

Maraming sumusuko.

Maraming lumalaban.

Maraming tumatakas.



At isa na ako sa mga tumakas.

Nakakatakot.

Nakakatakot na karanasan ang nangyari.

Hindi ako masisisi ng kahit na sino kung bakit ko ito tinakasan.

Napatigil ako sa malalim na pag-iisip ng makarating na ang kotseng sinasakyan ko sa tapat ng isang napakalaking school.

Ang Hirashi High. O mas kilala sa tawag na HH.




Bumaba ako ng sasakyan at natanaw ang naglalakihang building sa loob ng school.

May malawak na quadrangle sa gitna na napapalibutan ng malalaking building.

Pumasok ako sa loob.

Inilibot ko ang aking mata.

Isang ordinaryong paaralan lamang.

Pero ng sumimoy ang malakas na hangin ay nagtaasan ang balahibo ko.

Ang lamig.




Napapikit ako ng maalala ko ang gabing-- Baka malate pala ako.

Mumulat ako at naglakad nang muli.

Napadaan ako sa isang open theater.


Teatrong wala sa isang malaking room kumbaga.

Bukas ito na parang mga venue sa mga mall tour. May mga upuan din sa harap ng stage.

Mabuti at may bubong ito dahil baka pag umulan ay mabasa ang manonood.

Pero nakaagaw ng aking pansin ang malaking pulang kurtina ng entablado. Na puro mantsa. May bahid ng..










Parang.. puro dugo.

Nagtaasan na naman ang balahibo ko kaya naglakad na muli ako papunta sa room assignment ko.


Room 117.


Nasa corridor pa lang rinig ko na ang napakalakas na ingay sa loob ng kwartong iyon.

Nang nasa harap na ako ng room na ito ay pinihit ko ang malamig na doorknob.

Natahimik ang classroom na halos tunog lang ng aircon ang naririnig.



Nanatiling nakataas ang kamay ng mga lalaking nagbabatuhan ng papel at nakatingin lamang sa akin.


Pati na rin ang mga babaeng nagkumpulan.

Kahit ang babaeng may hawak na make-up.

Pati na rin ang nakaupo sa teacher's table ay nakatingin sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas at nilapitan ako ng ilang lalaki.

"Pasok ka miss" Nakangiting sabi ng isang lalaki habang tinuturo ang classroom.

"Dito ka sa tabi ko, ate!"

"Hinde miss. Dito ka na."

"Ako ang makakatabi ni ateng ganda!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Red CurtainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon