X

1.2K 6 0
                                    

Magpapasko na
By Kairiella

Magpapasko na pero wala pa rin siya.
Magpapasko na pero inaasahan ko pagbalik niya.
Magpapasko na, ang sakit na ito'y lumalala.
Magpapasko na, ako'y namamanhid na.

Magpapasko na, iiyak na lang ba ulit?
Magpapasko na, kailan ba mawawala ang sakit?
Magpapasko na, maaari ba siyang bumalik kahit saglit?
Magpapasko na, nais ko siyang makita ulit.

Magpapasko na, hindi pa rin ako nagsasawa.
Magpapasko na, bumalik na sana, parang awa.
Magpapasko na, puso ko'y siya pa rin ang nginangawa.
Magpapasko na, ang luha ko'y lawa.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon