His Blue Tie

257 15 6
                                    

"Magbihis na nga kayo!! Malapit nang magsimula ang program!"..

"May oras pa KC! Alas dos pa yun noh! Hindi pa nga tayo nakakapractice sa BROADWAY!"

"Tss, ewan ko sa inyo, wag nyo ako sisisihin kung mapagalitan tayo hah?"

Kung tinatanong niyo kung para san yung sinasabi nila, ngayon na kasi ang Practical Exams namin sa MAPEH.. Siyempre, ayaw namin sa written exams kaya ginawa siyang program na dances around the world.. At yung amin, Broadway at Modern Salsa.. Yung sa broadway, alam niyo yung kantang New York, New York? Basta yun na yun. Nakakatamad ngang magpractice eh, sobrang bagal. Madali lang naman ang steps at fast learner naman ako kaya 'di na ako nag-abalang magpractice.. Hehehe.. Tamad eh.

"Rica, anong oras na ba?" tanong ko dun sa katabi ko na walang ibang inatupag kundi magmukmok sa sulok ng classroom. Mahiyain kasi..

"1:46 na. Ewan ko nga sa kanila kung bakit hindi pa naghahanda.."

"Tss, kaya nakakainit ng ulo minsan eh. Sige, pagsasabihan ko muna sila." dapat ko silang pagsabihan kasi ako yung Class President eh.. Nakakahiya kung hindi ko sila maayos..

"HOY! ALAS DOS NA! Pambihira naman kayo! Pagagalitan na tayo ni Ma'am kapag hindi pa kayo kumilos dyan!"

"Ay palakang hinalikan ng prinsesa!! Ano ka ba naman Nans! Bigla ka na lang nanggugulat!"

"Pasensya na po ah? Magpepresent pa kasi tayo ng sayaw natin kaya pwede ba? MAGHANDA NA KAYO! Mge leche to!"

"Grabe ka naman Nancy! Ginulat mo kami! Opo, eto na po, magbibihis na kami!"

-After 15 minutes-

"Nans, marunong ka bang mag-ayos nitong necktie?"

"Bakit pa kasi yan yung naisip nyong i-costume? Hindi naman pala kayo marunong! Pasalamat kayo, tinuruan ako ni mama na mag-ayos nito, kundi, NAKU!" at sinimulan ko nang ayusin ang mga necktie nilang LAHAT!

"Salamat Nans!"

"Thank you!"

"Salamat."

"Ano ba naman kayo! Ang dami nyo! Nakakapagod na kaya mag-ayos ng necktie.. Di ko pa nga naayos yung akin eh.."

"Okay lang yan Nans, chicken lang sa'yo yan!"

Tss, masakit kaya sa kamay noh! Maayos na nga yung akin.

Habang inaayos yung necktie ko, may biglang sumigaw galing sa labas ng room..

"Sino ba marunong mag-ayos ng necktie dito?" tanong nung isang fourth year na ang presentation ay ballroom.. Kailangan pa ba ng tie nun?

"Oo, nandito si Nancy! Marunong yan!"

"Hah? Eh, oo.." sabay kamot ng batok. Tatlo sila kaya nag-aalangan ako. ex-CRUSH ko pa naman yung isa.

"Paayos naman oh. Hehe.."

"Tss, sige na nga.."

After 123456789 years, natapos ko nang ayusin yung ties nung tatlo.

"Nans! Pahabol! Ako rin oh! Magpapaayos rin ako.." sabi nung isa pang fourth year student..

"Next time may bayad na toh ah!"

"Hahahaha.. Salamat Nans.."

Pagkatapos kong ayusin lahat, bigla akong kinalabit nung classmate ko.

"Nans, punta muna tayo sa baba.. Manalamin muna tayo.." naku, itong babaeng to, conscious talaga sa hitsura nya. Kakambal nya yata yung salamin. Hindi sila mapaghiwalay eh. -_-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Blue Tie (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon