*Tenen-tenen*
Narinig kong tumunog yung cellphone ko..
“Anak, asan ka na?
:Message received – 6:34 pm”
Nilagay ko ulit sa bulsa ko yung cellphone at hindi pinansin ang text ng mama ko. Nagtuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko.
Chloe! Shot pa! Pag-aaya sakin ng kaibigan ko. Kinuha ko naman ang nakatunggang Emperador Lights sa shot glass at ininum ito.
Grabe ka girl! Tanggera ng Quezon City! Pagbibirong sabi pa ng iba pa naming kasamahan. Natawa nalang ako dahil sa mga sinasabi nila.
Nga pala, ako si Chloe. Estudyante, mahilig gumimik, mahilig pumorma, pero hindi jejemon. Lagi akong may curfew pero di ko sinusunod, BATAS EH! Di rin naman nila ako pinapagalitan.
Laging ganito ang scenario pagkatapos ng klase. Tambay sa bahay ng kaibigan, inuman, PARTY-PARTY! Ang lagi naming paalam ay ‘May gagawing project’ o kaya “May practice ng play” o kahit anong school works. Nagtataka nga sila mama kung bakit, ang sipag sipag ko naman daw gumawa ng projects, lagi naman daw akong bagsak. Syempre! Di naman kami talagang gumagawa eh! Nagtaka pa sila! Pero dahil naman hindi nila alam na kalokohan lang ang ginagawa ko, kaya ayun.
*tenen-tenen* tumunog nanaman yung cellphone ko, si mama nanaman ‘to for sure! Hays!
“Nak asan ka na ba? Kailangan ka na dito sa bahay
:Message received – 8:50pm”
Hays, ang kulit! Nasabi ko sa isip ko at pinatay ang cellphone ko. Boom panes!
I know that we are upside down
So hold your tongue and hear me out
I know that we were made to break
So what? I don't mind.. Nakita kong nilakasan ni Jonna yung volume.
You kill the lights, I'll draw the blinds
Don't dull the sparkle in your eyes
I know that we were made to break
So what? I don't mind.. Eto na yung paborito naming kanta kapag nagsasama-sama.
Are you gonna stay the night?..
Are you gonna stay the night?
Oh oh oh, are you gonna stay the night? Sabay sabay naming kinanta. Si Rick nga ay sumasayaw sayaw pa. Ang tigas pa naman ng katawan neto. Parang sumasayaw na puno ng mangga. Hahahaha!
Natapos ang gabi namin na mga bangag na itong mga kasama ko. Ako naman, di masyadong tinamaan dahil sanay ako sa inuman. Tanggera nga daw ng QC di ba?
Hala, 11 na pala! Sigaw ni Nancy.
G*go. Di pa ba nasanay yung magulang mo sayo. Lagi naman tayong ginagabi. Sabi ko at nagtawanan sila.
Naghiwa-hiwalay na kami ng landas at nagsi-uwian na. Habang naglalakad ako, nakakita ako ng isang nanay, tatay at anak na natutulog sa kariton. Sh*t! sabi ko. Ayaw kong nakakakita ng mga ganun. Nandidiri ako. Nakakirita naman kasi no! Ang dudumi nila! Binilisan ko nalang yung lakad ko.