Chapter 9

133 5 3
                                    

Tinuloy ko na lang yung sasabihin ko kasi mukhang hindi siya sasagot.

"Tapos tuwing tinatawag mo ko may sasabihin ka na pangalan tapos sasabihin mo JD instead."

Yan tapos na. Pero tulala pa rin si mommy.

"Bakit mommy? Hindi ko alam yung past ko? May ngyari ba sakin, sabihin mo na mommy, please po"

Ayaw parin sagutin ni mommy yung mga tanong ko.

"Gutom ka na ba? Kain ka na."

Aba iniiba yung subject. Maybe this is not the right time to ask these questions. Tsaka na nga lang.

"Maya na lang po. Sige po akyat na ko sa kwarto ko."

Nakakainis palagi na lang niya inaavoid yung mga questions kong ganun. Gusto ko lang talaga malaman kung may sakit ba ako, o may nangyari sa akin.

(Bahay)
Pagkapasok ko sa bahay. Si kuya naghihintay sa sala.

"Ba't ngayon ka lang?"

Nilalamig pa rin ako. Gusto ko nang magpalit ng damit.

"m-may meeting p-pa kasi kami"

"Ba't hindi ka nagsabi--"

Tumigil siya nung makita niyang basang basa ako.

"nagpaulan ka ba?"

"k-konti l-lang"

Tapos umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit. Nung magpapalit na ko, naalala ko na suot ko pala yung jacket ni JD. Inamoy ko, ang bango ng pabango niya katulad ng pabango ni who-must-not-be-named. Hoy Hazel nasisiraan ka na, remember you hate him! Nagpalit na ako ng damit tapos nagpatuyo ng buhok.

"ah-ah-ahching!"

ay naku bumalik na naman.

kailangan ko lang siguro ng mainit na gatas.

"ah-ah-ahching!"

Nagpagawa ako kay manang ng mainit na gatas, tapos inunom ko sa kusina. Parang nahihilo ako. Tapos dumating si Kuya.

"ok ka lang? mukhang nahihilo ka ha"

"ako? oo ok lang ako."

Doble ata si kuya, may kasama pala siya; kamukha pa niya. O baka naman nahihilo talaga ako.

"sure ka? mukha kang lasing"

"oo sure ako dapat nga ikaw yung tanungin ko kasi may twin kang kasama."

Tapos hinawakan niya yung noo ko.

"ang taas ng lagnat mo!"

ano ba yan ang lakas naman nito.

"ok lang ako, pakilala mo naman sakin yung kasama mo."

"anong ok, ang taas ng lagnat mo tsaka anong pinagsasasabi mo?"

"ako magkakalagnat!"

Tapos umikot ikot yung paningin ko until everything went black.

(Kinabukasan)

Pagkagising ko, sobrang sakit ng ulo ko. Parang hindi ako makatayo sa higaan ko. Yung parang pagod na ewan. Malalate ako nito pag hindi pa ako gumalaw. Bumangon na din ako. Tapos may nagbukas ng pinto.

"ano ginagawa mo?"

Nagulat naman ako dun. Ang sakit na nga ng ulo ko pinapasakit pa.

"maliligo. bakit masama ba?"

"alam kong mabaho ka na pero bawal kang maligo"

ang sama sama talaga ng mokong na to.

"ba't naman bawal ha?"

"kasi po may sakit ka."

Ako magkakasakit... Oh... naaalala ko na, nahimatay ata ako kagabi dahil na hilo ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My First and Last ❤️Where stories live. Discover now