Fifth piece.

36 3 0
                                    

"Always think twice or thrice or a thousand times before you speak. Words could be forgiven, but the moment you curse, will always be remembered."

-

Mali nga ako dun, pucha. Pero okay na yon para isang derechahan lang diba?

May kakaiba sakin ngayong araw. Hindi ako kumain, at bumili ng juice kay Aling Cita, at hindi rin ako nagkaron ng pagkakataong pangalanan ang ulam naming bangus. Ilang beses nagrereplay yung mga nangyari sa utak ko. Tuwing titingin ako sa bangus na nasa kusina, eh kabanas. Mukha ni Jella na umiiyak yung nakikita ko. Sinong gaganahan, diba?

Nandito ako sa kwarto ngayon: Nakatulala padin sa dingding ng kwarto ko.

Nagguiguilty ako. Ang hirap pala makatulog pag ganun. Ilang beses naman na ko nambasted at ilang beses na din ako nang-friendzoned. Minsan nga, strangerzoned pa. Pero ngayon lang ako naguilty. Shetbols diba?

Hindi ko talaga gusto si Jella at wala namang kung anong espesyal na feelings ang meron ako para sa kanya. Una sa lahat, HINDI KAMI CLOSE. Pangalawa sa lahat, HINDI KO TALAGA SIYA GUSTO. AT WALA DIN AKONG IDEA PANO NYA KO NAGUSTUHAN, EH HALOS IPAGTABUYAN KO SIYA SA DAAN. Pangatlo sa lahat, NAKAKAINIS YUNG NGITI NYA. Pang-apat sa lahat, HINDI KO ALAM ANG FULL NAME NYA. Pang-lima sa lahat, PARA SYANG BALAHURA KUMAIN NG ICE CREAM.

Hindi rin sa hindi ko sya gusto, pero ayoko talaga sakanya. At wala kong balak na mag-girlfriend dahil ayokong gumastos ng pera na pang-date sakanya na galing sa bulsa nila mama. At oras na magkagirlfriend ako, gusto ko siya na.

Inantok ako bigla nung narinig ko sa imagination ko, yung pagsabi ni Jella ng, "Kerv.. Kerv.."

Wala pang ilang minuto, nag-alarm na naman ang phone ko.

I hit snooze.

Nag-alarm ulit.

At I hit snooze.

Hindi ko na maalala kung ilang beses nag-alarm at ilang beses ko tinap ang snooze button. Pero inaantok talaga ako.

Naknampuchaa!!!!!!!!!

6:45 na at 7:00 ang pasok ko, pero dahil may flag ceremony, ay 6:40 ang pasok! Pucha! Pucha talaga!

Kasalanan mo to Jella! Fok!

**

"Manong guard, sige na. Inspirasyon ako ng mga kaklase kong pumasok."

Hindi na ko makaisip ng dahilan. 7:45 na at patapos na ang first period namin, pero kailangan ko talaga humabol sa Trigo dahil may new topic kami.

"Intayin mo na matapos ang first period.."

"Pero kuya, malelate talaga ko sa Trigo. Ayaw ni Sir Hilario ng ganon. Gusto nya dapat nandun kagad. Sige naaaa. Please kuyaaaaaa."

"Hindi talaga pwede."

Pucha talaga.

Nawalan ako ng pag-asa kaya sumalampak na ko ulit sa may waiting shed.

"Hi Kuya Guard! Good morning ulit!"

Pucha. Si Jella!

"J-Jella!"

Nilingon ako. Tapos parang tumingin ng "ginagawa mo jan?"

Tinignan ko sya na parang, "tulungan mo ko!"

Lumapit sya sakin tapos nagtanong.

"Late ka din?" sabi ko sakanya.

"Hindi. Naiwanan ko kasi yung report natin sa English. Nagpaalam ako sa office kung pwedeng umuwi."

"Damay mo naman ako oh."

Puzzle.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon