Tunay na Mahal
Created: December 24, 2017 (5:45AM)
Finished: XX-XX-XX
Prologue
Sa dinamirami ng tao sa buong mundo, hindi mo pa rin maipagkakaila kung sino ang tunay na mahal mo.
Kahit sino man ang iharap sayo alam mo sa sarili mo kung sino ang paulit ulit na pipiliin mo. Kahit pa, alam mong huli na ang lahat. Mapapatanong ka nalang bigla kung bakit ngayon lang siya dumating? Kung bakit kung kalian kumpleto ka na, saka mo pa mare-realize na may kulang pala at yung kulang na yon ay siya...
Sabi nga ng mga kaibigan ko, isa na yata ako sa napaka swerteng nilalang na ipinanganak sa mundo.
Para sa kanila, pinapangarap nilang maging buhay ang buhay na tinatamasa ko ngayon.
Hindi kumpleto ang pamilya ko, pero masasabi kong masaya naman kami.
May mabuting kapatid.
Magandang trabaho.
Sariling business.
Sariling bahay.
Sariling kotse.
Hindi ko na rin mabilang ang mga lugar na napuntahan ko, kung saan marami ang naiinggit sa mga blog ko tungkol sa mga travel goals na pinapangarap ng ilan.
Gwapong nobyo, mayaman, mabait at sobrang mapagmahal.
Pero, akala ko lang pala yun. Maaari ngang totoo ang kasabihang maraming namamatay sa maling akala. Dahil pakiramdam ko mamamatay na ang puso ko sa sakit.
Masuwerte nga ba akong talaga? O malas na maituturing? Sino ba ang Tunay na mahal?
***
BINABASA MO ANG
Tunay na Mahal
RomanceSa pagmamahal dapat isa lang. Pero paano kung madagdagan sila? Posible ba na habang may minamahal ka, biglang may ibang papasok sa puso mo? O mapapasabi ka nalang na siya ang talagang tunay na mahal mo. Pero sino ang pipiliin mo? Kung sakaling pareh...