TNM: Kabanata 2

2.7K 102 14
                                    


Kabanata 2

Matama kong pinagmamasdan ang singsing na binigay sa akin ni Genesis ngayong nandirito kami sa bar para mag celebrate ng engagement namin. Naalala ko pa noon nung unang beses ko pa lamang siyang nakilala.

"Tammie, meet Genesis Abrego. Gen, si Tammie Rei Santos!" Lasing na lasing si Jewel nang ipakilala ako nito sa isang lalaking matangkad at moreno ang kulay. Gwapo ang isang ito, lalo na ngayong ngiting ngiti siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw non. "Bakit ngayon mo lang sinabing may ganito ka palang kagandang kaibigan, Jewel?" Pilyong sabi niya na siyang nagpapula sa pisngi ko.

"Parang ako lang. Maganda." Natatawa tawang bulong ni Jewel sa tabi naming dalawa pero mukhang hindi na iyon pinansin pa ni Genesis.

Doon na nagsimula ang lahat sa aming dalawa. Naging matiyaga siya na ihatid at sundo ako. Isang taon ang lumipas bago ko siya tuluyang sagutin, bago ko nasabing may nararamdaman na talaga ako para sa kanya.

--

"Bes! Nakikita mo ba ang nakikita ko?!" Hiyaw ni Jewel sa tabi ko na siyang nagpagising sa akin mula sa pagde-day dream ko tungkol sa amin ni Genesis. Dumako ang tingin ko doon kay Genesis na may kasunod na tatlong lalaki. Kala mo bida sila sa isang palabas dahil nasa kanila ang atensyon ng buong kababaihan dito sa bar.

Kaagad ipinulupot ni Genesis ang braso niya sa bewang ko at magiliw niyang ipinakilala sa akin ang tatlong nilalang na ito. "Babe, I'd like you to meet my brothers." Ganadong pakilala niya na nagpa-buntong hininga sa kanya. Si Jheila naman ay mukhang walang pakialam sa itsura ng mga ito dahil patuloy lang siya sa iniinom niya.

Unang naglahad ng kamay ang lalaking kanina pa nakatuon ang pansin kay Jheila, pero magiliw siyang bumaling sa akin at nakangiting nagpakilala. "Nice to finally meet you, I'm Gregory." Sabi niya at kaagad ko namang tinanggap ang kamay niya.

"Bunsong kapatid namin, kung naririnig mo sa mga news sa TV na isang Abrego ang may ka-date na iba't ibang babae that would be Greg." Natatawang bulong sa akin ni Genesis na siyang naging dahilan para sikuhin ko siya.

"I heard a lot about you at mukhang tama nga si Kuya Genesis, napakaganda mo. I'm Gian, ako ang sumunod kay Kuya Genesis." Agaw pansin naman nitong isang katabi ni Greg.

"Oh, hi..." Tinitigan ko si Genesis ng buong pagtataka dahil sa sinabi ni Gian.

"Well, ipinagmamalaki ko lang naman kung gaano ka kaganda." Natatawang sagot niya sa akin, inirapan ko siya pero nanatili akong nakangiti pero nawala ang ngiti ko nang dumako ang tingin ko sa isa pang lalaki.

Mas lamang ang tangkad niya sa kanilang lahat, moreno din ito at malalim tumitig ang mga mata niya na para bang binabasa niya ang buong pagkatao ko. Maganda rin ang hubog ng katawan niya katulad ni Genesis at dalawang kapatid pa niya, pero masasabi kong parang mas kapansin pansin ang katawan niya lalo na ang braso niya na medyo labas ang kaunting ugat patungo sa kamay. Naka-ponytail ang kalahati ng kanyang makintab na buhok at medyo may kaunting hibla ang nakalaglag sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Naalala ko sa buhok niya si Piolo Pascual doon sa palabas na Don't Give Up On Us, dahil isa yon sa paborito kong pelikula na paulit ulit kong pinanood. Medyo makapal ng kaunti ang labi niya, matangos ang kanyang ilong at halos magkaparehas sila ni Genesis ng jaw line. May mapilantik at makapal na pilik mata rin siya na katulad doon kay Gregory.

"Gabriel." Matipid na sambit niya ngunit buo at medyo malaki ang kanyang boses.

Naglahad ako ng kamay pero sandali niyang tinitigan iyon, pinilit kong ngumiti dahil medyo naiilang na ako sa tagal ng pagkakalahad ng kamay ko sa harap niya. Babawiin ko na sana yon pero marahan niyang tinanggap iyon at napaangat ang tingin ko sa kanya nang pisilin niya iyon.

Tunay na MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon