Update •24• Partners(moment)part 2

11 2 0
                                    

Nianism Note:

PLEASE PAKI BASA PO :)

Anyways, gusto ko lang pong mag THANKYOU sa lahat ng nag aaksaya ng oras para basahin to. Kahit sa mga silent readers nagpapasalamat po ako :) Hindi na ako magiging demanding na author sa story ko na to kasi first of all, gusto ko lang ishare yung imaginations ko. Lunod sa typos and wrong grammars itong story na ito dahil bukod sa ito ang first story ko, I'm just writing this for fun at para marelease yung nararamdaman ko. Pero pag may time, ieedit ko talaga to. Siguro kapag natapos ko na yung Mission Impossible:Forget Him na story ko. By the way,

Here's the update! :)) Vote and comment IF you LIKE. Hehehehe ;)

----•----•----•----•----•----•----•----

Previous update.....

Dito na kami sa part na parang slow romantic dance. Yung nakalagay yung left hand ng babae sa shoulder ng partner niyang babae tapos yung right hand naman ng lalaki, nasa bewang na babae, then yung free hand magkahawak.. Nagulat ako sa ginawa ni Daniel sa magkahawak naming kamay..

"OH MY GOSH! I'm so kilig!!" Sigaw ni Jane.

Continuation....

Ria's POV:

Hinalikan ni Daniel yung kamay ko habang hawak hawak niya ito. Whaaaaaa!! Sasabog na ako xD Nginitian ko na lang siya. Hay, sana wala ng magbago.. Ok na ang lahat :)

One week lang itong practice namin para sa event. Pang apat na araw na ngayon.. Simula nung first day, super sweet na nitong kapartner ko sa akin. Di mo alam kung nanliligaw ba to o ano eh. Hahaha! Wag assuming Ria sabi ni author xD

May moment pa nga na pinunasan niya yung pawis ko gamit yung scarf niya eh. Tapos kag alam niyang ubos na yung tubig ko eh binibilihan niya ako sa canteen ng maiinom. Haruuu josko. Ganda ko po. XD Boom Panes!! Hahaha.

"Ok students, let's have a twist. Kailangan niyong mag shuffle ng partners." Sabi nitong teacher namin.

"Hala ma'am comfortable na po kami sa partners namin eh. Mahihirapan kami mag adjust."pag susumamo ko sa teacher naming KJ. Pero wala naman kaming magawa. Ngayon, partner ko na si Javeson tapos partner ni Daniel si Amanda. Huhuhu. Alam ko pa naman na gusto ni Amanda tong si Daniel. To be honest, nalungkot talaga ako.

Wala yung concentration ko sa katawan habang nagsasayaw kami ni Javeson.. I knew he understands naman. Nagpapadala na lang ako sa mga galaw niya kasi somehow, I'm still affected. Lalo na nung sumulyap ako kila Daniel and Amanda? You'll see in Amanda's precious eyes how she looks happy na feeling ko nararamdaman ko rin nung ako yung partner ni Daniel.

"Hey, magtatampo na ako sa'yo niyan bestfriend. Ako kapartner mo pero sa iba ka nakatingin." Sabi ni Javeson. Ano ba yan! Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Aiytt! Daniel kasi eh.

"Ow sorry. Ok fine." Yan na lang yung nasabi ko sa kanya tapos nagpatuloy na kami sa pag sayaw. I'm not in the mood pa rin kasi.

Javeson's POV:

Tuwang tuwa ako na ako yung naka partner ni Ria ngayon. I still have my feelings for him silently. Basta sa panahong kailangan niya ng sasalo sa kanya at wala si Daniel, nandoon ako para saluhin siya.

"Hey, magtatampo na ako sa'yo niyan bestfriend. Ako kapartner mo pero sa iba ka nakatingin." Sabi ko kay Ria na nakatingin kila Daniel. Selos. Siya at ako. Ok forget about the 'ako' ones.

"Ow sorry. Ok fine." Sagot niya sa akin. She's still my bestfriend kaya I'm still doing such things. Pinisil ko uung ilong niya. Hahaha!

"Epic muka mo Ria. Hahaha!" Pang aasar ko kay Ria na nakabusangot tapos namumula pa yung ilong. Natapos na yung tugtog kaya naman inakbayan ko na siya. Sanay na sila sa ganitong set up samin. Kasi nga bestfriends kami. That hit me.

Daniel's POV:

Nakakabadtrip naman. Nag palit palit pa kami ng partners. I forced a smile dito kay Amanda para di niya mahalata na napipilitan lang ako. Babae pa rin to. Sensitive.

Kung kailan naman dumidiskarte ako kay Ria oh. Wrong timing. Pero ayos lang... Bestfriend naman niya yung partner niya eh.

"Ikaw pa rin ang partner ko. *wink*" sabi ko lay Ria nung dumaan sila sa part namin. Nakita kong sumimangot si Amanda but I don't mind it. Na locked ako sa ngiti na pinakita ni Ria a while ago. Damn. How I like this girl. Nakakapangsisi na ngayon ko lang nagagawa to sa kanya. Sana pala hindi na lang ako lumapit nun kay Zharm. Enough of regrets na nga.

----•----•----•----•----•----•----•----•

Read my other stories :)

UNI (oneshot) , i love you sir :) <one shot> , Mission Impossible:Forget Him[KN] , Quotes .

ikaw ba?(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon