Chapter 1: Hi ! I'm Ara !

34 2 4
                                    

Kiarra's POV

"Jacob, ang ganda dito noh" nakangiti kong sabi sa kanya. Siya yung dati ko pang crush na crush simula elementary ^___^ Di nga ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon dito sa gilid ng MoA habang pinapanood ang napakagandang view. Pinapanood namin ngayon ang paglubog ng araw at ang sarap pa ng simoy ng hangin.

"Oo nga pero alam mo may mas maganda pa jan." Jacob

"Ha? Eh ano naman?" sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Uhmm.. Wala namang mas gaganda pa sa paningin ko kundi IKAW eh." Sabi ni Jacob habang nakatingin sa mga mata ko.

Waaahhh Jacob bakit ka ba ganyan !!! Kinikilig akooo !!!!!  Nararamdaman ko na yung pag iinit ng pisngi ko. Waaahhhh makikita niyang namumula akoo!!! Kaya tumingin na ko sa ibang direksyon.

"Ara.." Jacob

"Uhhmm bakit??" shemss wag mo sabihing papakiligin mo na naman ako !!! Kyaaaaaaaah !!! Baka di ko na kayanin !!! Oxygen !!! Pengeng oxygen !!!

"Gising na ..." Jacob

"Eh?" ako. Gising na ? Di naman ako natutulog ahh? Anong pinagsasabi nito ?

"Gising na Ara..." Jacob. Teka parang nag-iiba yung boses ni Jacob ? Tsaka parang kaboses ni....

"ARAAAAA GISING NAAAAAA !!!!!" Hala ?!?! Boses ni kuya Kiann yun ah (o.O) Pano naman siya mapupunta dito ?????

"WAAAAAAAAHHHH !!!!!!!! KUYA ANO BA !!!!!!!!!!! " sigaw ko. Bigla ba naman akong binuhusan ng malamig na tubig ! Grrrr ang lameeeeg !

"Eh kasi naman kanina pa kita ginigising, tapos pangiti ngiti ka pa jan ! Siguro pinagpapantasyahan mo na naman si Jacob noh !!! " sigaw ni kuya -___- Kahit kelan talaga to ang KJ. Panaginip lang pala yun. Hayyy sayang akala ko naman totoo na >.< May kilig kilig pa tuloy akong nalalaman.

"Di naman masamang maniginip aahhhh !!!! " ako. Eh hindi naman talaga diba ?!

"Nakooo ikaw tigil tigilan mo na nga yan ! Dalian mo na!!!! Bahala ka jan IIWAN NA KITA !!!!" kuya. Pssshhh lagi mo naman ako iniiwan ehhh.

"Oo na po kuya boss." Tsss. Yan yung gusto niyang itawag sa kanya pag nag gagalit galitan siya. :3

Lumabas na si kuya Kiann sa kwarto ko. Haayyy salamat. Ang epal talaga nun lagi samin ni Jacob ko <3 Pumunta na ko sa cr at naligo na. Wooh 10 minutes lang ako naligo at nagbihis. Si kuya Kiann kasi nagmamadali. If I know excited lang siya makita yung crush niya for 5 years. Ang torpe talaga nun -___-  Yan tuloy love life ko lagi yung napapagdiskitahan.

Pagkababa ko sa dining room, kumakain na si mama, kuya at Nay Lina, yung yaya namin simula pagkabata. 

"Good morning everyone ^______^". Bati ko sa kanilang lahat. Mukha naman silang nakakita ng multo pagkatingin sakin. Yung totoo po di ba kayo sanay na masaya ako -_____-

"Good morning baby girl, ang ganda ng gising mo ah". sabi ni mommy sabay kiss sa cheeks ko. Hehe habit niya na yan eii.

"Oo nga Ara. Sana lagi ka na lang ganyan." sabi naman ni Nay Lina.

"Sus! Ganyan lang naman yan kasi napanaginipan niya na naman si Jacob." Sabi naman ng KJ kong kuya habang kumakain ng bacon niya. Bacon na naman di na to nagsawa.

"Bakit di naman masamang managinip ahh." ako

"Sige sasabihin ko kay Jacob mamaya na crush na crush mo siya. Di pala masamang managinip eh."  yan na bino-blockmail na naman ako ni kuya.

"Hala !!!! Oo na masamang managinip lalo na kung hindi magkakatotoo -_______- Wag mo nga sabihin kay Jacob !!!! Baka iwasan niya kooo :'("  ako

"HAHAHHAHAHAHAHHA OO NA !!!! PATAY NA PATAY KA TALAGA DUN NOH !!! HAHAHAHHAAA...." Hayy nakuuu kuya ikaw na talaga.

Time To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon