Oh Sehun's Past

16 1 0
                                    

Oh Sehun:

*Tahimik

*Snob

*Laging nakapokerface

*ehem*gwapo*ehem*

*Wala sa vocabulary nya ang salitang smile

Pero ang lahat ba ng nabanggit ay totoo? (yung salitang gwapo totoo yun!! Promise!! Honesto!!xD)

SeHun's POV:

"Ok,it's Telekinesis." Pagkasabing pagkasabi nya nun ay agad naman akong napatingin sa kanila. Hindi,hindi maari…

flashback

"Lulu hyung, bilisan mo na malelate na tayo!" sigaw ko sa kanya mula sa ibaba.

"Wait lang bababa na ko!" sagot nya at mga ilang minuto lang ay bumaba na sya.

"So,ok na?" tanong ko.

"Yup."

Naglalakad na kami ng school ng bigla syang nagsalita.

"Sehunie,bakit ang tahimik mo sa school?" tanong nya. Halos araw-araw nyang tinatanong sakin yan. Nakukulili na nga ako eh,at isa pa trip ko lang naman ayoko kasi sa kanila except kay lulu hyung.

"Wala lang." tipid kong sagot.

"Bakit ayaw mong makipagkaibigan sa kanila?" pagkasabi na pagkasabi nya non ay napatigil ako. Kaibigan? Wala naman sa kanila ang tinuring akong kaibigan lahat sila. Nung mga oras na kailangan ko sila walang nagtangkang tulungan ako at sa lahat ng naging kaibigan ko sya lang ang tumulong nung mga oras na yon. Nung pinalayas ako sa amin dahil sa powers ko. Oo,meron akong powers at ang nakakaalam lang nun ay ang mga dati kong magulang. Maski si Lulu hyung hindi pa alam dahil natatakot ako na baka layuan niya ako o kaya matakot siya sa akin.

"Ayoko sa kanila." yun lang ang tanging nasagot ko sa kanya.

He just sighed and we continue on our way to school.

Ou nga pala,magkaklase kami ni lulu hyung kahit na mas matanda sya sakin ng 4 na taon dahil daw late na sya nagaral. Magkatabi rin kami sa upuan at teka nakalimutan ko ulit sabihin na nakatira na ako sa kanila dahil pinalayas nga ako sa amin diba?

"Hyung..."

"Bakit?"

"Peram nga ko ng Math book,nakalimutan ko kasi yung akin eh."

"ok." at binigay nya na sakin yung libro. Nandito na kasi kami sa class room at lagi kami ang nauuna dahil sa tamad ang iba naming kaklase na pumasok ng maaga. Panu ba naman kasi 7:30 ng umaga kami pumupunta sa school eh 8:30 pa ang pasukan,galing noh?

-------------x

Natapos na ang klase at ngayon ay nagaayos na kami ng gamit namin para makauwi na kami ni Lulu hyung.

"Sehunie,una ka ng umuwi. Mamaya pa kasi ako eh,may inutos pa kasi si Prof." sabi niya habang nakapout. Ang cute nya kapag nagpopout. *u* Teka nasabi ko na bang Crush na crush ko si Lulu hyung? Kung hindi,edi alam mo na.xD

"Hindi na hyung,iintayin na lang kita alam mo naman na ayaw kong umuuwi ng magisa diba?" sabi ko habang nakangiti. Ang ngiting pinapakita ko lang sakanya at totoo itong ngiti kong to,hindi peke na pinapakita sakin ng iba.

"Sigurado ka? Baka mainip ka."

"Hindi hyung,basta ikaw ang hihintayin ko."

"awtsu,ikaw talaga. Ang cheesy mo!" sabi nya habang pinipisil ang pisngi ko.

Love and Sacrifice [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now