**sa mga magbabasa nito kung meron man. XD please take time to read it til the ending. maikli lang naman eh. XD Salamaaat!**
"Ayan, ang ganda ganda mo talaga." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Lina. Kapatid ko.
"Salamat ate." Maikling sagot ko. Naka-ayos na ang buhok ko, nagpa-make up naren ako kay ate Lina. Magaling yun eh. Nagbihis na ko. Isang blue dress ang sinuot ko. Sinuot ko rin ang relo na niregalo niya sakin nung birthday ko. Sinuot ko rin yung necklace na binigay niya sakin. Ang cute nga nung pendant na yun eh, Infinity.
Napaka-espesyal ng araw na ito. Para sa akin. Para sa amin.
"Oh, Clara saan ka pupunta anak?" tanong ni mama.
"Kay Kevin po ma, Anniversary na po namin ngayon diba?" nakangiting sabi ko. Napakasaya ko talaga. Isang taon na kami. Nagkatinginan si Mama at Papa.
"A-anak, Saan ba kayo magkikita ni Kevin?" tanong sakin ni Papa na may halong pangamba sa mukha niya.
"Jan po sa may--" naputol ang sasabihin ko nang makarinig ako ng katok sa pinto.
"Ma! I have to go, nanjan na yata si Kevin!" Sabi ko sa kanila. Tumakbo ako papuntang pinto. Agad kong binuksan ito.
paglabas ko. Nginitian ako agad ni Kevin. Nakaputi na naman siya. Puting polo at puting slax. Gwapo paren naman siya kahit anung suot niya. Pero ewan ko ba kung bakit nakaputi siya lagi. Hilig niya yata. Ayos lang naman kasi maputi rin ang kutis niya.
"Ma! Pa! Mauuna na po kami ni Kevin." Sabi ko sa parents ko. Lumabas naman sila at tinignan ako.
"Pwede bang kami nalang muna ang maghatid sayo anak?" Tanong ni mama. Bakit naman kaya?
"Yun eh kung ayos lang naman kay Kevin." Sabi ni papa.
Tinignan ko naman si kevin, at nginitian niya ko at tumango bilang sagot.
"Okay ma. Pero pwede bang sumabay nalang satin si Kevin?" Tanong ko kay papa, wala kasing dalang sasakyan si Kevin. Alangan naman paglakarin ko si Kevin, edi napagod yan.
"Ah, eh. Anak kasi ano..." Nag aalangang sagot ni papa. Masyado naman yata silang protective.
Naramdaman ko ang paghawak sakin ni Kevin. Tinignan ko siya, Umiling siya sakin. Bakit naman ayaw niyang sumabay samin?
"Maglalakad ka na lang ba?" Tanong ko. Tumango na lang siya bilang sagot.
"Okay. :( Kita tayo dun." Sabi ko. Hinalikan naman niya ko sa noo, kaya naman napangiti ako.
Sumakay na ko sa kotse. Alam naman na nila mama kung saan kami magkikita ni Kevin. Kasi tuwing linggo pagtapos namin magsimba. Dinadala nila ako sa garden, doon ung tambayan namin ni Kevin.
Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami doon.
Nakita ko siyang nakatayo kaya naman tumakbo agad ako papunta sa kanya at niyakap siya.
"Happy Anniversary, Kevin." Ngumiti siya sakin. Hinalikan niya ang pisngi ko at hinawakan ang kamay ko.
Palakad na sana kami ni Kevin para sana mag ikot ikot. Napatigil kami nang may biglang humila sakin.
"Miss Clara, sumama ka na muna samin." Sabi nung lalaking naka-puti rin na suot. may dalawa pang ganun din ang suot. Si mama at papa naman ay nasa likod nila.
"Ano ba?! Saan niyo ba ko dadalhin?! Kevin tulungan mo ko! Mama, papa sino po ba sila?" Nagpupumiglas ako sa hawak nung isang lalaki. Tumulong naman yung dalawa pa. Si mama aat papa wala paring ginagawa. Nakatayo lang sila at pinanunuod ako.
"Mama! Papa! San po ba nila ako dadalhin?!" Umiiyak si Mama, Si papa naman halatang nagpipigil.
"Kevin, Tulungan mo ko." Sabi ko. Nakahawak pren ang kamay ko sa kamay niya. Pero unti-unti niya itong pinakakawalan. Tumulo ang luha ko.
"Kevin!" Nilalayo na ko nung mga lalaking humihila sakin sa kanya.
"Kevin!" Tawag ko sa kanya. Tiningnan lang niya ko. Isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya sakin.
Hanggang sa tuluyan na kong isinakay ng mga lalaki sa isang van. Nagpupumiglas parin ako. "Ibaba niyo ko! Kailangan ako ni Kevin!"
Sumakay din sa Van sina mama at papa.
"Mama, Papa! Sino ba sila? Bakit nila ko kinukuha? Bakit nila ko inilayo kay Kevin?!" tanong ko.
hinaplos lang ni Mama ang buhok ko.
"Hayaan mo anak, aalagaan namin si Kevin. Wag kang mag alala." sabi ni Mama. May luha pa rin sa mga mata niya.
magsasalita sana ako. Nang marinig kong may kausap si Papa sa telepono. Hindi ko ito gaanong naintindihan pero...
"Oo, nasa van na kami.Papunta na kami ng St. Jude Hospital. Sumunod kana lang rito Lina
.
.
Dumaan ka muna ng Garden of Peace, pakisabi sa caretaker na...
.
Pakilinisan nalang ang puntod ni Kevin. Bumili kana rin ng bulaklak.
.
.
.
Salamat."
**Creepy ba? Hehe. Sorry dudess. Na-inspired lang sa The Master's Sun. Sa mga hindi naka gets, may pagkabaliw si Clara, patay na kasi si Kevin pero hindi niya matanggap so Yeah, nabaliw siya. Thanks for reading guys! ©ItsCalvin
BINABASA MO ANG
For Eternity [One-Shot]
RomanceGaano katagal nga ba ang pag-ibig? Tunay nga bang Love makes us crazy?