Kathleen's POV
"Ma! Im home." sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay.
Last day of classes na kasi ngayon. And guess what? Summer nanaman. Welcome province, Bye hell. *sigh*
Hinanap ko si mama at nakita siya sa kitchen na nagbe-bake. Napangiti nalang ako dahil favorite niya talaga itong gawin. :)
"Hi ma." Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi. Ngumiti lang siya at binaling ulit ang atensyon sa ginagawa niya.
"Nak, magbihis ka na. Nakaluto na ko ng paborito mong ulam." sinabi niya ito habang suot ang kanyang napaka gandang ngiti.
"Sige ma. Sure akong masarap yung luto mo ng adobo." tuwang tuwa kong sabi sabay yakap ko sa kanya.
"Haynako. Etong bata talaga na to haha. Sige na, umakyat ka na at magbihis." sabi nito
Umakyat na ko papunta sa aking kwarto para magbihis. Naghalf bath na rin ako dahil kanina pa ko nanlalagkit. Anyway, Im Kathleen Ann Mendoza. 15 years of age. My mom's name is Maryann Mendoza. Kaming dalawa lang ni mama dito sa bahay dahil nasa California si papa. Nagtatrabaho bilang Engineer. At balak ata niya magbakasyon dito ngayong month.... uhh.
Kinuha ko na ang pajama ko saka ako nagbihis. Tinali ko na rin ang buhok ko saka ako bumaba. Pagbaba ko ay nakahanda na ang pagkain.
"Ang tagal mo naman, nak." bungad ni mama.
"Naligo pa ko, ma eh." sagot ko sa kanya habang nakangiti.
Ngumiti lang siya at pinaupo na ko sa tabi niya. Tahimik lang kaming kumain. Hindi awkward kasi napaka-peaceful naman. Napatingin ako kay mama ng bigla siyang magsalita.
"Nak. Uuwi tayo bukas sa probinsya. Pinapapunta na kasi tayo don ng lola mo. Mahina na siya at di na rin kayang alagaan ni yaya Rosing." sabi niya
"Pero ma, pano si papa? Di ba uuwi siya ngayong month? Sino kasama niya dito?" tanong ko naman
Biglang nalungkot ang mukha niya nang mabanggit ko ang pag-uwi ni papa.
"May problema ba, ma?" tanong ko sa kanya
"Wala naman, nak. Kasi kesa ngayong summer uuwi ang papa mo, eh na-move ito at baka next pa siya maka-uwi." sagot niya
"Ha? ahh.. ok po." tanging yan ang nasagot ko
"Pagkatapos mo jan nak, umakyat ka na at aalis pa tayo ng maaga bukas."
Tumahimik na ko pagkatapos niya sabihin ito.
**
"Akyat na ko ma."
"Sige nak."
Tumayo na ko at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Dumiretsi na rin ako sa kwarto para ayusin ang gamit ko. *sigh*
'Boring sa probinsya. Anong gag awin ko don?' tanong na nasa isip ko.
Natapos na kong mag-ayos ng gamit. Konti lang naman ang dinala ko. Syempre, dinala ko din ang laptop at phone ko. Baka mamatay ako sa boredom kapag di ko dinala tong mga to. Tsk.
Humiga na ko at pinatay ang lamp shade sa tabi ng kama ko. Goodnight Kath.. Mahaba habang byahe pa ang mararanasan mo bukas.. zZzZzz
**
Im done with this chapter. First ever chapter of Summer Love. Thanks for reading xoxo -Eym
BINABASA MO ANG
Summer Love (SOON)
RomanceWhat if you find the person you'll love on a very hot summer? Will you love him endlessly? Or will you leave for the best of the two of you?