Chapter 2

5 2 0
                                    

"Dito"

Tawag sakin ng classmate ko. Dito kami sa farmers, Cubao. Sa may fast food restaurant kami nagkita kasama ng iba naming ka-grupo. Ang dami naming kasama pati ang dami ding tao na aakyat ng ibang bundok. Naging meeting place na ito lalo't maraming terminal ng sasakyan dito.

Tama nga hinala ko si college friend lang ang kilala ko dahil most ay no all of them ay hindi ko kilala. Masaklap pa ako lang ata ang newbie sa grupo nila kasi halos magkakakilala na sila. Loner nga ang peg ko rito pero ok lang mukha naman mabait sila at madaling pakisamahan. Ready naman ako may dala akong tubig, pagkain, extrang damit at lakas ng loob. Kaya na siguro na yun.

"Ria" tawag sakin.

Lumapit ako. Kasama ni college friend yung ibang organizer 3 sila. Pinakilala ako ni college friend sa isa pang organizer pero yung isa parating pa lang, pinakilala ako para matandaan kasama ako in case mapahiwalay ako sa grupo.

"Labas na tayo at magbabyahe na tayo. Tatlong van ang sasakyan natin. Kung sinong organizer kayo under dun kayo sa van na yun" sabi ni college friend.

Susundan ko na lang siya kasi sa kanya naman ako. Nasa labas kami ng May lumapit sa grupo namin. Ito na siguro yung isang organizer.

"Jace, you're late" sabi ni college friend.

"Sorry, nandito na ba lahat. Ako na lang ba ang hinihintay?" Tanong ng Jace.

"Oo, Jace si Ria pala. Newbie sa grupo natin" sabi ni college friend sabay turo sakin.

"Hi, I'm Jace and you?" Sabi ni Jace sabay lahad ng kamay sakin.

"Ria, nabanggit na niya" sabay tingin kay college friend tas ngumiti sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko ewan siguro naasar sa sagot ko. Minsan kasi may tama yung sagot ko. Baka akalain niya feeling close na ako sa kanya.

"Jace baguhan to baka mahiwalay tandaan mo yung mukha" sabi college friend.

"Sure, I'll keep my eye on you" sagot niya sabay kindat sakin.

Akala naman niya kinikilig ako excuse me marami ng kumindat sakin. Immune na ako diyan buti mukha kang matino kung hindi may middle finger na nakaharap sayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHEN I MET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon