Uwian na!

43 1 0
                                    

Back to reality. walang something sayo ang best friend mo.  :I

lumunok naman ako ng konting reyalidad. 

sinubukan ko.

kaya ko to.

natapos ang isang araw ng parang karanimwan lang...

habang todo layo muna ako sa best friend ko.

para iwas issue. mukhang nakahalata si chelsea sa pagpigil ko ng kilig.

pero anong alam nun sa lovelife ? e NBSB un :( 

on the other hand. and lakas ko namang makapagsalita e halos wala rin naman akong alam sa love love na yan.

hanggang flirtation stage lang naman ang inaabot ko pag dating sa pakikipag usap sa mga babae. 

di makaporma kasi nga ang daming insecurities. kaya siguro pinagmamalaki ko nalang na marami akong talents na kayang gawin. pambawi kung baga.

umalis agad ako ng classroom. para makaiwas sa bestfriend ko, PERO pati na rin sa pagiging cleaner.

syempre medyo masid masid muna hanggang wala talagang makapansin.

nung nakakuha na 'ko ng tiempo. G na! 

nakakailang hakbang pala ako pababa ng hagdan. nakaramdam ako ng isang malaking bagay na binato sakin.

"AAH! " sigaw ko. (alangang binulong)

and guess what. bag ni Chelsea ituuuu. -___-

"Tatakas ka nang 'di mo ko kasabay?" sabi ni Chelsea.

"Kailan kasabay? meron bang mga preso na nagsabay tumakas? di ba isa-isa lang para di halata ?" Biro ko, to make palusot.

"Tara na! baka may makahuli pa e!" anyaya niya.

"CLEANER KA AH!?" pangbara ko.

"Nagsalita ang hindi!"

OKAY. Hands up talaga sa barahan T____________T

so in the end. ung iniwas iwas ko sa kanya buong... no hindi pala buo kasi since chemistry class nga lang pala. so kung gano man katagal un, nabaliwala lang pala.

kasabay ko nga pala sya umuwi at tumakas pag ganitong araw.

isiiiiip. isiiiiip nang palusot makahiwalay lang.

"ahmm.. Chelsea may bibilhin nga pala ako sa ricarea's(school supplies store). una ka." aniya ko.

"THAAAAAAANK YOOOOOUUUUUU! " sabi niya sakin.

loko to ? gusto rin atang umalis sa tabi ko.

"May report nga pala ako ! buti pinaalala mo! <3" sabi niya sakin with her smile sabay hug.

WHAAAAT TO DOOOOO ?! 

dug dug dug dug dug. 

di ko namalayan na nayapos na rin ang dalawa kong kamay sa likod niya.

"ahmmm. Carl ? medyo mahigpit?" sabi ni Chelsea

WHHHHHHHHHHHHHHHHAT are you doing MR. Mallari >_< 

palusot palusot... come up with any palusot pls.

"hmmm...." habang nag iisip.

"Tara na!" sabi niya.

pwede talaga tong best friend ko sa mga school play e. galing sumalo.

sumunod naman ako na parang aso :( 

after bumili, hindi na ko nag patagal pa at niyaya na siyang umuwi.

"BILI MUNA TAYO NG PROVEN" sabi ni chelsea with puppy eyes.

"nanaman ? magiging milyonaryo na ata si manong sa atin e" sabi ko.

"Bili na please ? pagbumili tayo meron akong aaminin sayo." 

"Na ano ? na crush mo ko ? sus! matagal ko nang alam....... JOKE" sabi ko.

"Aray ang sakit. di pa ko nagtatapat na busted agad ako. sabi ni Chel

"Heart beats... fast.... colors and promises.~~~~~~"saktong daan ng isang nagmomotor na medyo may kalakasan ang music. ASAR

"Hahaha. sige na please. di mo matitiis tong sasabihin ko." sabi ni Chelsea.

she wins. bumili nga kami. 

"Ahmmm Carl, di ako nagbibiro sa sinabi ko kanina." 

"Huh ? "

biglang may nang hablot kay Chelsea. Isa sa mga ka org niya.

"Girl! tara bilis! " sabi nung babae.

naiwan ako sa kinatatayuan kong naka nganga. anong nangyare ? 

anong tinutukoy niya sa sinabi niya?

ano? ano?????

"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What does joke really means?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon