Unang kabanata
Magkatitigan kami ng lalaking na sa kwarto ko.Hindi ko alam kung rapist siya o kaya magnanakaw pero makikita mo sa mata niya yung kislap na nagmamakaawa.
“Modus niyo ba toh??” Sarcasm kong sigaw.
Nakatitig lang siya sakin at take note Topless siya pero wala akong pakialam sanay na ako araw araw ba namang nakahubad yung kapatid ko samin eh.
“Hoy ano ba ginagawa mo sa kwarto ko ? pwede bang lumayas ka na bago ko ihambalos tong Closet !”
“Binabantayan ka..” may saltek yata tong lalaking to.
“Ah..Alis na wala akong pambayad sa guard”
“Libre to basta magpakabait ka lang”
“Mabait na ako”
“Hindi kaya “
“Hoy baliw kana ba? trespassing ka nga!,kwarto ko to at wala kang karapatan tumuntong dito”
“Sabi ko sayo bad ka “parang nangaasar ang mokong -__-
“Hoy lalaking mukhang anghel tumahimik ka baka makutusan kita.”
“Hindi ako mukhang anghel”
“Ah oo nga erase that muka kang pusa !”
“Hindi ako pusa anghel talaga ako Haylin”
“Hoy!hoy,San mo naman lupalop narinig ang pangalan ko?”
“Narinig ko kanina sa baba ng tinawag ka ng matandang babae”
“Haha yung matandang sinasabi mo mama ko yun !! iiyak yun pag sinabihan siyang matanda”
Sa lahat ng salita ang ayaw ni mama ang “MATANDA” kaya pag nalaman niya to lagot tong kumag nato.
“Mama??”seriously di ba niya alam ang salitang yon?
“Oo sila yang umiri sa atin!!Saang school kaba nag-aral? ,ako kahit sa public lang tinuro din yan tssk..”
“Sinasanay kami ng mga tagabantay”
“Guard ka ba o Ano?”
BINABASA MO ANG
♫Angel:Into your World♬ (ON-HOLD)
FanficTacles how to appreciate the World and how to love an Angel in 88 days... "This story is On-hold" SaiPark <3