LEILA POVNagising ako sa Ingay ng pinto,
pero hnd ko iyon pinansin dahil sobrang pagod at sakit ng katawan ko."ANO BA LEILA!! Buksan mo tong pinto!!" napabalikwas ako ng bangon ng malamang si Lefier ang kumakatok! Yari na naman ako.
"S-sandali." nauutal na sigaw ko at saka Ko binuksan ang pinto.
"Pasensya na-" naputol ng bigla nya akong sampalin. Napatulala nalang ako saka mabilis na nagbagsakan ang mga luha ko.
"Napakatagal mo namang buksan! kanina pa ako katok ng katok dito! "Napaiyak na ako sa sakit ng sampal nya, pigil na hikbi ang ginawa ko habang naka yuko.
"Sorry.Kase napuyat ako kagabi-"
"WALA AKONG PAKE KUNG NAPUYAT KA O MAPAGOD KA!" bigla nya akong hinawakan sa pisnge ng mahigpit.
"Kapag nangyari pa ito ulit, Sisiguraduhin kong hindi lang sampal ang aabutin mo Naiintindihan mo ba?! ha!" tumango na lang ako at saka nya ako binitawan.
*BOOOOOGGGSSSSH*
Bigla syang umalis at iniwan akong dumudugo ang labi, naramdaman ko ding sumakit ang pisnge ko dahil sa mahigpit na pag kakahawak nya, buti nalang at hindi nya ako sinakal kagaya nung mga nakaraang araw. Akala ko nga'y katapusan ko na.
----------
Naglilinis ako ng bahay ng nag doorbell, lumabas ako ng pinto at tinanaw ang taong nasa gate. Sino naman kaya ang lalaking ito?
"Ahh.Hello po! sulat po." napakunot ako bakit at kanino naman ang sulat na yun??
Tiningnan ko ang pangalan pero hindi naman saakin o kay Lefier ito.
"Celine Dela Cruz? hindi nmn ako ito ah??" lumingon ako para sana ibalik ang package na may lamang letter kaso bigla na itong umalis at mukhang hindi na ako narinig.
Binasa ko ang nasa sulat pag tingin ko To: Celine Dela Cruz From: Lefier Glocher? Bakit pinadala ito saakin? at ang nakakapag taka, Galing sa asawa ko? Sino naman kaya tong Celine na to?
Pumasok ako agad sa bahay upang mag asikaso ng kakainin ko, tinanghali na rin ako dahil na rin sa pagod ng pag lilinis noong madaling araw, nag laba kase ako at nag linis ng lababo. Pero habang kumakain ako, hindi parin mawala sa isip ko yung sulat, tingnan ko kaya? Pero baka mabugbog na naman ako nito. Saka hindi sakin para daw kay Celine? Sino sya?
Hindi ko nalang pinansin ang mga nasa isip ko wala naman na akong karapatan pa mag isip ng kung ano kay Lefier dahil matagal na syang nawala sakin hindi physically pero emotionally at ang feelings nya para sakin mukhang wala na e, natatawa nalang ako sa sarili ko sa sobrang tanga ko alam at aware ako pero di ko magawang iwan si Lefier dahil kumakapit pa ako sa sinabi nya nung wedding vow nya before saakin na kahot na anong mangyari walang makakasira sa pagsasama naming dalawa, pero heto kami ngayon heto ako ngayon sa sitwasyong nanlilimos nalang ng kaunting pagmamahal nya na hindi nya na naibibigay simula ng trahedya.
EDITED/REVISED
BINABASA MO ANG
BROKEN MARRIAGE
RomanceKASAL NA PARANG HINDI KASAL yan ang stado ni Leila at Lefier. Patuloy paring minamahal ni Leila si Lefier kahit nasasaktan na sya. Kahit may iba ng nagugustuhan si Lefier,alam ni Leila na may pag asa pang maayos ang relasyon nila sa kasalanang AKALA...