Erica's Point of View
Naniniwala ba kayo sa Destiny?
Kung ako ang tatanungin niyo,ang sagot ko ay 'Oo.'Bata pa lamang ako naniniwala na ako sa Destiny.Madalas ikwento sakin ng lola ko kung paano sila nagkakilala ng unang lalaking minahal niya.Dahil daw iyon sa tadhana.
Tadhanang mapaglaro.
Madalas kong itanong sa aking sarili,ano ba ang Destiny?
Totoo ba iyon?
Ngunit gaya ng inaasahan ko,wala akong nakuhang kasagutan sa mga tanong ko.Basta't ang alam ko bawat tao ay may kaniya-kaniyang tadhana sa buhay nila.
At mayroon ring nakatadhana para sakanila.
Nakasilip ako sa windshield nitong van na sinasakyan namin.Nasa biyahe kami ngayon.Pupunta kasi kami sa probinsiya nila tita para umattend ng kasal.7 hours ang biyahe.Gano'n katagal.Pero dapat matuto tayong maghintay.
Ayy nako.Puro hugot nasa isip ko.San ko ba napupulot 'yon?Tsk.
Tumingin ako sa wrist watch ko.
It's already 2:30 in the morning.Mga bandang 6:00 siguro kami makakarating.Kanina pa kami nasa biyahe.Mas maganda raw kasing bumiyahe kapag madaling araw,hindi traffic.
Inilibot ang tingin ko sa buong van.Ang himbing ng tulog nila.Si Erin at Arianne humihilik pa.Ako lang yata ang gising eh.
Napabuntong hininga na lang ako.Nakasalampak ang headset ko sa tenga ko habang tumutugtog yung kantang 'Tadhana.'
Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa bintana nung van.Bahagya ko itong binuksan.Patay naman yung aircon eh kaya pwede kong buksan yung bintana.
Sumilip ako rito at pinagmasdan ko ang kalangitan habang patuloy na umaandar ang van na aming sinasakyan.
Ang laaaaamig!
Sobrang lamig ng simoy ng hangin.December na kasi.Malapit na mag-Christmas.Birthday na ni Jesus.
Halos tangayin ang buhok ko kahit nakasilip lang ako.Ang ganda pagmasdan nung paligid habang umaandar yung van.
That's why i love road trips.
Isinarado ko na ulit yung bintana.
Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako ngunit habang mahimbing ang tulog ko may isang lalaking sumulpot sa panaginip ko.
Matangkad,matangos ang ilong,maganda at mahaba ang pilikmata niya,singkit siya at maputi.Parang koreano.
Mapayat siya pero hindi yung sobrang payat.Tama lang.Bumabagay ang height niya sa pangangatawan niya.
Tahimik lang ako habang lihim akong sumusulyap sa kaniya.Ngunit halos magulantang ang mundo ko nung nilingon niya ako.
Oh my gosh!
Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero huli na dahil nahuli na niya akong nakatingin sakaniya.
Patay na.Lagot.
Hindi ko alam ang gagawin ko at parang gusto ko nang magpalamon ngayon sa lupa.Nakakahiya.
Nahuli niya kasi akong nakatingin sakaniya.Baka isipin niyang crush ko siya o di kaya naman baka isipin niyang naga-gwapuhan ako sakanya.
Aminado naman talaga ako,gwapo naman talaga siya.
Pero crush?
Oo----i mean...hindi.
Hindi ko siya crush ah.
Slight lang!
"Miss?"
Nabalik ako sa realidad dahil bigla siyang nagsalita.Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.
Anong gagawin ko?
Jusko po!Help me.
"H-ha?A-ano?M-may kailangan k-ka ba?"uutal-utal na tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya sakin at feeling ko nag-islow motion yung paligid nung ngumiti siya.
At yung puso ko...sobrang bilis kung tumibok.Hindi naging normal.
Sobrang gwapo niya lalo na nung ngumiti siya.
"Pwede ba kitang isayaw?"
Naputol ang panaginip ko dahil biglang bumusina ng malakas yung van.Pesteng 'yan.Panira.
Nagising ako dahil sa ingay nung pagbusina.Nilingon ko ang paligid.Gising na silang lahat.Tsaka maliwanag na rin yung langit.
Haysst!Umaga na pala.
*BEEP!BEEP!BEEP!BEEP!*
"NANDITO NA TAYOOOO!!!"malakas na sigaw ni Erin at Arianne.Partner in crime talaga 'tong dalawang 'to sa kaingayan.Lakas ng bibig.
Isa-isa na silang nagsibaba.Pinauna ko muna sila.Nag-stretching muna ako bago tumayo pero pababa na dapat ako sa van nung biglang tumunog ang cellphone ko.
"Aaaaaaahhh!!!"sigaw ko dahil mahuhulog ako.Namali kasi ako ng step dahil nagulat ako.Namali ako ng apak.
Akala ko mahuhulog ako pero may sumalo.
YOU ARE READING
When Destiny Plays
Teen FictionWhen she first laid her eyes on him and the moment their eyes met, she had this weird and unfamiliar feeling that she have never felt before. She never expected to fall, and when they parted ways, she promised to herself that she will wait. She will...