APRIL
"Anak! Gising na! May pasok ka ngayon!" Sigaw ni Mama sa baba. Oo nga pala. May pasok ngayon. Argh! Katamad.
"Opo, Ma... Wag na po kayong sumigaw! Umagang umaga!" Sabi ko. Ang gara no? Ganyan kasi kami ng Mama ko. Parang barkada ang turingan pero nirerepesto ko siya bilang nanay ko.
"Bilisan mo, nandito na yung bestfriend mong si Jimjim! Lagi mo na lang tong pinag aantay. Gwapo pa naman. Ikaw talaga April!" Sabi ni Mama. Ayan na naman si Mama.
"Oo na, Ma! Hindi naman yan gwapo eh. Hahaha." Sabi ko kay Mama...
Kinuha ko na yung tuwalya ko at nag punta ng CR. Para maligo. Naligo ako for 15 minutes, tumingin ako sa orasan, 6:55 AM na, 7:30 ang bell namin. Nag ayos na ako, isinuot ko ang uniform ko at ang medyas ko, inayos ko na rin ang buhok ko.
Wait... Hindi pa ako nagpapakilala.. Ako nga pala si April Cajayon, 16 years old. 4th year high school. Simpleng tao lang naman ako, simpleng babae na nagka gusto sa bestfriend ko. Ang saklap dba? Hahaha. Iba talaga kapag tinamaan ka ng sakit na PAG IBIG. Lol.
"April! Bumaba ka na, inabot ka na ng siyam siyam dyan!" Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.
"Opo, eto na po. Pababa na po ako! Chill ka lang, Ma." Sabi ko kay Mama at kinuha ko ang bag ko sabay labas ng pinto.
Hay nako. Anong oras na ba? 7:10 na pala. Ayos lang naman sa akin ma late. Kaso Etong bespren ko ayaw na ayaw ma late. Hmp! Kaartehan eh no? Hehe joke. Mahal ko yan. :P
"Hay salamat! Akal ko wala ka ng balak bumaba bespren eh. Ang tagal mo, sa gwapo kong to, lagi mo akong pinag aantay..." Sabi ni Owy at nag pout pa.
Si nga pala si Owy, Owy Posadas. Ang guy bestfriend ko. At oo, siya ang crush ko. Wag kayong maingay ah?
"Tss. Umagang umaga ah! Tara na nga. Ma, alis na po kami!" Sabi ko kay Mama at humalik sa pisngi nya..
"Teka nga lang, April. May suklay ka na naman sa buhok mo, alisin mo nga! Para ka namang taga bundok!" Sabi ni ni Mama at kumunot ang noo niya.
"Kaya nga no, Tita? Tigas ng ulo eh." Sabat pa ni Owy at nag smirk pa.
"Pinag tutulungan nyo na naman ako! Hay nako, hayaan nyo na! Maganda pa rin ako. Haha! Tara na."
******
"Grabe, bespren! Wala talagang makakatalo sayo pagdating sa kabagalan, tignan mo oh muntik na tayong ma late!" Sabi ni Owy habang kumakamot sa ulo niya. Nako, sermon to the max na naman ako dito!
"Munik lang naman no!" Sabi ko sa kanya at nag peace sign pa ako. Umirap lang naman sya ng pabiro, yung totoo. Bakla ba tong bespren ko? HAHAHAHA. Joke lang. Ang bad ko.
BINABASA MO ANG
I Like You (One shot) Ft. Owy Posadas
Fanfiction"I like you." -Owy | one shot story about Owy Posadas ;)