Chapter 1

27 0 0
                                    

'Dalawang buwan! Huling pagkakataon mo Ms. Brandella para makatapos ng isang manuskrito para sa ating kompanya kung hindi tanggal ka na!!' Anang ni Mr. Samaniego

'Opo. pasensya na po. DI na po mauulit.' Malungkot kong turan.

Ako nga pala si Peggy Brandella. Isa akong manunulat sa isang sikat na publishing house, ang PRISAA Publishing House. 22 taong gulang, Isang Journalism Graduate sa isang Unibersidad sa Davao City at isang Ulilang lubos. Namatay na kasi ang mga magulang ko sa isang car accident sa Maynila. Sa ngayon nakatira ako sa aming tahan dito sa Davao City. Ipinamana na kasi ito sa akin ng mga magulang ko bago sila namatay. 

Nagiisip ako ng malalim nang biglang tumunog ang aking cellphone.

'Besh! Bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko? Kumusta na ang meeting mo dun sa Matandang Kalbo Madaling Magalit na yun?' 

'Ayun, galit nanaman. di nanaman kasi ako nakasubmit ng Manuscript sa kanya, magdadalawang linggo narin kasi eh.'

Siya si Aya, ang bestfriend ko since High School. Siya ang palaging nagtatanggol sa akin kapag sinasaktan o binubully ako sa aming paaralan. Nang mamatay ang mga magulang ko, Ang pamilya nila ang tumulong sa akin na makapagaral ulit. Bestfriend din kasi ng nanay ko ang Nanay niya.

'Hay nako! bakit ba kasi spaced out ka lagi. Wag mo nang alalahanin na baka mahirapan ka. Nakakalimutan mo na atang magpahinga eh! Chillax Sis! Have a break! Kelan ka ba huling nakapagliwaliw simula nung namata--'

'Oo na, intindi ko na. Wag mo nang ipaalala.' putol ko sa sinasabi niya.

Hindi ko pa kasi tanggap na nawala na sila sa buhay ko. Kapag nasa bahay ako, palagi kong nararamdaman na nandyan lang sila sa tabi ko at di sila nanalayo sa akin. Pero katagalan, tsaka ko pa nararamdaman na MAGISA nalang pala talaga ako.

'Basta! This time hindi mo na ako mapipigilan na papuntahin ka dito sa Maynila! Matagal-tagal narin eh mula nung huli tayong magkita.'

Nakatira kasi sina Aya sa Maynil, Magdadalawang taon narin simula nung pinuntahan nila ang Papa ni Aya, Galing kasi si Aya sa isang broken family at nung magkita ulit ang Nanay at Tatay ni Aya sa maynila nagkagustuhan ulit sila-- And the rest is History.

 'O siya, Sige payag na ko. basta pag dating ko diyan Ikaw ang susundo sa akin ha! Wala akong alam sa maga ganyan eh!'

'Yes!' Masayang anang ni Aya.

Napailing nalang ako. Tama rin si Aya, Dapat ko rin sigurong subukan magsaya paminsan-minsan. Wala namang mawawala diba? 

Napatingin ako sa bintana habang nagiisisp ng malalim.

'Ano kaya ang mangyayari sakin sa Maynila no? Nay?, Tay?' Turan ko habang nakatingin sa nakangitong litrato ng aking mga magulang sa aking lamesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ManuskritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon