Sabi nila lalaki dapat ang nanliligaw sa babae. Pero sabi ko naman sa panahon ngayon?! Di na uso yun no!
Kung tutunganga ka lang dyan at hihintayin ang lalaking manliligaw sayo.
NGA-NGA ang mapapala mo!
Oo, ako ang babae at PROUD akong sabihin sainyo na OO! Ako ang NANLIGAW sakanya.
You may call me desperate but I just love Jonas, that’s it.
Ang tagal ko rin kayang itinago to. Hanggang sa nagkalakas ako ng loob. At sobrang saya ko kasi nagbunga yung paghihirap ko na yun dahil naging kami rin.
Naaalala ko yung mga sinasabi ng mga kaibigan ko noon.
“Hoy Alesa! Hindi kami nagkulang ng PAALALA sayo hah. Nako! Alam mo naman yang lalaking yan e BOYFRIEND ng BAYAN, in short hindi marunong magseryoso! Lolokohin ka lang nyan”
Yes you’ve read it right. Tinawag s’yang boyfriend ng bayan because he’s a PLAYER!
Pero wala akong pakialam dun! Basta ang alam ko lang I love him! End of conversation!
“Hon, I missed you”
Sabi ko nung nakita ko si Jonas sabay yakap. Sya?? Ayun wala lang pero at least niyakap nya ko pabalik. Okay na sakin yun!
Hindi naman sya dating ganyan e. Sobrang sweet nya noon. Lalo na nung first 2 months namin. Pero ewan ko ba. Ngayon kasi iba na sya pero ok lang yun at least hindi nya ko iniiwan.
Saming dalawa?? Alam ko naman e ako yung mas nagmamahal. Ako yung mas nag-e-effort. At ako? Mukhang ako na lang yung nagpupumilit na mag work to. Kasi sya? Ayun cold na.
-
It’s our monthsary and he promised that we will go on a date.
I decided to text him. Excited na kasi ako e. Well, lagi naman akong excited!
To Hon <3:
Hon, 3PM hah? Sa may starbucks. Ingat! I love you so much. Happy Monthsary! :)
15 minutes before 3PM ay nandito na ko sa meeting place namin. Sobrang excited na ko sa mga gagawin namin ngayon. Kulang na nga lang gumawa ako ng listahan ng mga gagawin namin.
I never expect that we’ll go this far. Masayang masaya ako. Alam ko mahal din ako ni Jonas. Hindi nga lang talaga sya showy pero ramdam ko naman mahal nya ko.
4:30 na pero wala parin si Jonas. Hindi ko mapigilang magisip ng mga kung anu-anong bagay, katulad ng baka may nangyaring masama sakanya, pero patuloy ko paring ipinipilit sa isip ko yang think positive na yan! Baka naman kasi na traffic lang sya o kaya may emergency.
That’s why I’ve decided to txt him.
To hon <3:
Hon, san ka na? May emergency ba? Ok ka lang ba? Nag-aalala na ko. Bat di ka pa nakakarating dito? Pupunta ka pa ba?? Text me hon, as soon as you read this, okay? I’m so worried. I love you.
Yung pag-aalala ko napaalitan na ng lungkot. Paulit-ulit yung maliit na boses sa utak ko na nagsasabing:
“Oh ano? Umasa ka na naman kasi, yan hindi ka na naman nya sinipot pilit ka kasi ng pilit sa alam mong wala na! Wake up, Alesa! Wake up!”
Pero masama bang umasa na dadating sya ngayon? He promised! Kaya eto ako nag-iintay parin… pero, wala e! Nag-uunahan nalang sa pagtulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigil kasi…
Hindi na naman sya dumating! For the nth time, umasa na naman ako sa wala!
-
Kinabukasan sa school. Hinanap ko agad si Jonas.
BINABASA MO ANG
A Frail Tale
Teen Fiction"Love is about truth, telling the truth can hurt but in the end it pleases. A lie can please but in the end it hurt." Will the characters continue to live a life that is full of lies? Or will she be able to risk it all to find the truth behind every...