One of a kind (OneShot)

32 3 0
                                    

One Direction is coming to Manila!! March 21, 2015 (8pm)

Sino bang di magugulat sa balitang to? Bigla kong nadulas yung basong hawak hawak ko ng narinig ko yung kapatid ko na nagsisigawan sa tuwa. Lalake yung kapatid ko, Oo lalake siya. But it doesn't mean na he's gay, supportive lang siya saakin sa pagmamahal ko para sa 1D. :')

"Omg Kent!! Saan tayo pwede bumili ng ticket?"

"Ate bukas, kailangan nating pumila sa labas ng MOA Arena. May discount kasi yun tickets bukas, first 15k customers lang then after nun sa internet na ibebenta. Pero ate, mauubusan tayo agad ng ticket. Dapat pumunta na tayo ngayon."

Naputol kasi yung internet namin at ngayon lang bumalik. Konti pa lang yung naiipon ko, wrong timing naman oh. Hanggang Gold na lang siguro kame ni Kent. :(

Ako nga pala si Iris Garcia. Sagad na isang directioner! :-)

"Pero Kent madilim na, tska di tayo papayagan nina mommy. Bukas na lang, pupunta ako ng maaga baka sakaling makabili tayo."

"Sige ate, wala ka namang klase eh. Ako meron, 8am hanggang 2pm lang yon ha."

Nako etong kapatid ko, mahal na mahal ko to. <3

"Sige na baby boy. Go to sleep na, ako na ang bahala."

"Sige Ate ganda, night!"

Sus. Nambola pa si brother hahahaha :( Okay ano ba ang pwede kong gawin.

"Mga fans ng One Direction sa labas ng MOA Arena matutulog ngayon dahil natatakot na maubusan ng ticket bukas."

Nagulat ako nung biglang pinalabas yan sa news. Paano na yan T___T Wala sina mommy at daddy dito, walang credit card kung sa net kame bibili. Dapat pumunta ako ng maaga bukas.

Next Day >>

Gumising ako ng maaga ngayon, 6am umalis na ako ng bahay. Di ko na rin ginising si Kent tutal andon naman si Yaya para mag asikaso sakanya.

Ang haba ng traffic, dumating ako ng 10am.

Ang haba ng pila. First time ko pumila ng ganitong kahaba :( 15K lang ang ibebentang tickets ngayon tapos ang nandito eh 23K na tao na. Di pwede to, dapat makabili ako. Asdfghjkl

"LAST TEN TICKETS. LAST TEN TICKETS."

Nung narinig kong sinisigaw to, umalis na ako sa pila. Last ten tickets tapos feeling ko ika-100 pa ako. Nawawalan na ako ng pag-asa :(

Pumasok na lang ako ng mall, umupo at kumain sa krispy kreme.

Sa sobrang badtrip ko, andami kong inorder na doughnut. Pang sampung tao yata to eh =((

"Miss? May problema ka ba? Nakita kita kanina sa pila bigla kang umalis. By the way I'm Ryan! :)"

Bigla namang may kumausap saakin habang nagmumukmok ako at pinipilit ubusin yung inorder ko.

"Ah Oo, last ten tickets na kasi eh so wala na rin akong pag-asa ang haba pa ng pila. Pumila ka din ba?"

"Oo eh, napag utusan lang kasi ako ng Ate ko. Number one fan kasi hahaha you know, fangirls. Tss."

Ang cute naman neto kung tumawa, napapagaan tuloy loob ko.

"Hahahahaha. So nakabili ka?"

"Oo eh, papatayin siguro ako non kung di ako nakabili."

"Ang swerte mo!! Buti nakaabot ka. Ay kanina ka pa nakatayo dyan, maupo ka muna. Tulungan mo na rin akong ubusin tong inorder ko."

"Ang dami mo namang binili tapos mag isa ka lang. Oh eto, gusto mo makita?"

Inabot saakin ni Ryan yung ticket. Bigla akong napaluha nung nakita ko yung sign na "VIP DIAMOND"

"Oh, ba't ka naluluha?"

"Ikaw kaya. Buti ka pa, tapos VIP pa. Nakakainggit. Buti pa kayo makakapunta, eh kame ng kapatid ko wala ng pag-asa."

"Gusto mo bigyan kita? Nung nakita kasi kita kanina dinagdagan ko ng isa pang ticket."

"Bakit naman?"

"Halata kasing di ka na aabot at naiiyak ka na."

Is this l-o-v-e? Hahahaha. Harot iris harot!! Pero kinikilig ako. :")

"Are you sure?! Kukunin ko talaga yan. Walang atrasan. :)"

"Yeah, pero isang condition, ispespend mo ang buong araw mo na kasama ako. I really wanna get close to you. :)"

Inabot niya saakin yung tickets..

"Oh ba't dalawa na to?"

"Sama mo na rin yung kapatid mo :)"

Kahit ngayon ko lang to nakilala, pinapagaan na ang loob ko. I like him. hahaha Harot harot :((

This guy is the sweetest.

"I owe you my life! Thank you Ryan, thank you so much! Omg!!"

"You don't owe me anything. By the way kanina pa tayo magkausap di ka pa rin nagpapakilala."

"Iris. Iris Garcia. :)"

"Nice to meet you Iris. You're so beautiful."

"Nice to meet you too Ryan. You're one of a kind."

Author's note:

Thank you for reading! Yes, I'm a directioner. Hahahaha and I'm not sure if makakapunta ng concert cos I'm a graduating student. Huhu. So sa mga makakapunta, Have fuuuun! Thank you for reading! Kindly vote! Thanks! :*

- yashanalukman

May 22, 2014

lukmanshanaya@gmail.com

@yanamlk - twitter

@yanareez - instagram

therealshanayalukman.tumblrcom - tumblr

facebook.com/shanayaloves - facebook

yashanalukman - wattpad

Copyright 2014.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One of a kind (OneShot)Where stories live. Discover now