HOLDING BACK (One Shot)

11 0 0
                                    

Ayokong masaktan, kaso ayoko ring makasakit...

I hate rejecting someone. But I dont have a f*ckin' choice...

Sana ang dali dali lang pumili... Sana...

" I love you Rain Monteza..."

Ito ang text na bumugad sa akin. Hindi ako naka-imik. Nakatitig lang ako sa text nya ng ilang sigundo. Napangiti nalang ako sa text nya pero hindi ko namalayan na unti-unti na palang pumapatak ang aking mga luha...

"Vince, I'm sorry.."  Ayokong lokohin ang sarili ko na hindi ko sya mahal kasi alam ko na nahulog na ang loob ko kay Vince.

Si VinceLorente , ang lalaking nagpapatibok ng puso ko ngayon. Eh, sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Gwapo, matalino at mabait. Napakabait nya.. Kaklase ko sya since first year college at mag dadalawang taon narin kaming magkakilala. Kahit ang cold ko sa kanya, nakikita ko talaga na ang taas ng pasensya nya para pasayahin ako.

"Bakit ?" may isang boses na parang pamiliar mula sa likod ko. Andito ako sa park ngayon, nag iisa. Madalas ako dito dahil walking distance lang naman sa bahay namin. Lumingon ako..

"Vince ?" Oo, si vince na kanina ay katext ko lang na ngayon ay kaharap ko na. Nabigla ako kasi ang sabi nya sa text, may pupuntahan daw syang importante. Ako pala yon...

Lumapit sya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. Ngumiti sya at hinawakan ang pisngi ko..

"Ayos hah, basted na naman ako sayo. hehe, biro lang. Hindi, ok lang yon. Sanay naman ako eh.."

"Vince, I'm not deserving for you. You're too nice to me at ako, ako ang babaeng nagbubulagbulagan, nagtatanga-tangahan sa pagmamahal mo.. Vince, I'm starting to fall in love with you pero ---" hindi nya ako pinatapos sa pagsasalita ko at niyakap nya ako ng mahigpit.

" I already know your reasons. You dont want to get hurt at aalis na kayo dito sa pinas... Sinabi sakin ng bestfriend mo eh, matagal na. It's okay, as long as youre happy & fine . Wag kang umiyak, kasi mas lalo akong naiinlove sayo.." Yung mga mata nya. Umiiyak ba sya ? Oo nga.. Ngayon ko lang sya nakitang umiyak at parang nadurog ang puso ko.

"I'm leaving.. Bukas na yung flight ko. I dont know know kung kelan ako makakabalik dito kasi sabi ni mommy, doon nadaw nila ako pag-aaralin nila sa London." doon kasi ang hometown ng daddy ko, pero mas pinili ni mommy na dito ako palakihin para daw di ako masyadong liberated. Hindi parin nya ako binibitiwan sa kanyang yakap.

"I will miss you Rain.. Ma-mimiss ko yung pagka-suplada mo sakin kahit alam ko namang fake lang yon. Ma mimiss ko yung isang kilay mong tumataas pag binibiro kita ng corning jokes.. Ma mimiss ko yung mga reply mo sa akin na *haha* *k* at *oo*, pati narin smileys mo at mga sarcastic replies mo pag wala kang samood. Uhhhm, can I have a favor for one last time ? Lets just stay like this for a while. Ayoko kasing makita mo kong umiyak, kasi ang pangit ko raw umiyak.." hinigpitan pa nya ang mga yakap nya sa akin habang nararamdaman ko ang mga tumutulong luha nya sa balikat ko.

Magka hawak kamay kaming pinagmamasdan ang bilog na buwan at nag aasaran katulad ng nakasanayan naming gawin. Maya-maya ay tumunog ang phone ko at tumawag si mommy. Pinauuwi nadaw nya ako para mag impake. I dont want to let him go. Sana tumigil sa pagtakbo ang oras para dito lang ako sa tabi nya forever...

"V-vince.. uhmmm... I have to go. Late nadaw sabi ni mommy eh."

"Sige, hatid na kita." hinatid ako ni Vince sa tapat ng aming bahay.

"I will miss you Vince.." 

"Eh pano bayan, goodbye na ?" namumula ang mga mata ni Vince na para bang pinipigilan nyang ma-luha.

"No... See you soon." hindi ko na napigilan sarili ko and I kissed him. Hindi man naging kami, atleast, First kiss ko sya.

I gave him a smack at pagkatapos non ay sabay tumulo ang mga luha naming dalawa. He hug me for the last time at tumalikod na at umalis.

Tiningnan ko lang sya habang papalayo sya sa akin, at nag flashback sakin lahat ng memories namin na magkasama..

Sometimes, kailangan mong pumili...

Ikaw ang masasaktan o ang taong mahal mong ang sasaktan mo

Choosing yourself is not being selfish, its chosing the best not just for you but for the both of you.

Holding back your feelings for someone is not easy. It will breaks your heart na para bang ang selfish mo, lalong lalo na na alam mong mahal nyo ang isat-isa. Rejecting someone is not always wrong especially when you don't even have any choice..

Nagmahal ako, nasaktan at natuto sa mga pagkakamali ko...

If you hold back how you feel because you're afraid of getting hurt, you end up hurt anyway.. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOLDING BACK (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon