RECLUSION PERPETUA - Metamorphosis

133 3 0
  • Dedicated kay ilovemyteachers.... salamat po sa inyo!
                                    

Halosanim na taon, 72 na buwan, 2, 160 na araw, sandali hindi pa kasama ang leap year diyan ha, 51, 840 na oras, 3, 110,400 na minuto, at 186, 624, 000 na segundo na ang naigugol ko sa pag-aaral ng  elementarya, ganun din, iyan ang haba ng oras na gumamit ako ng papel at pluma para sa pagkatuto at ikakaunlad ng aking sarili, wala nga akong oras para bilangin kung gaano na katagal, nagmamadali kasi ako. Marami pa nga akong dapat gawen... hectic schedule q..

Odiba, parang hinatulan ka lang ng reclusion perpetua o mahabang panahon ng pagkakabilanggo ng mga husgado dito sa Pilipinas at nakakulong ka lang sa Bilibid Prison na kapag nagtangka kang  tumakas ay biglang tutunog ang mga security alarm na nagkalat sa kung saan-saan. Convicted tayong lahat...

Sa haba na ng panahong naigugol ko, ibat-ibang mga pangyayari na ang aking naranasan sa loob at labas ng pangalawang tahanan…..ang paaralan. Ibat-ibang pangyayari, kalokohan, kabalastugan, na ang nagawa sa akin, aba, magpapatalo ba naman ako? Syempre, kasama rin diyan ang mga kalokohan at kabalastugan na nagawa ko sa kanila. Bawian lang yan!

Kumabaga, sabi nga, It’s survival of the fittest and the elimination of the unfit. Kaya todo exercise ako, baka kasi maya-maya ako ang maeliminate . Sayang naman yung mga pinagpaguran at pinaghirapan ko kung ganun nga ang mangyayari. Ang hirap tanggapin kung sakaling ganun ang mangyayari. Kailangang matuto kang makibagay at lalong higit ang matutong tumayo sa tuwing nadarapa ka.

Isa sa mga pinakabuhay na pangyayari sa aking ala-ala ay ang mahabang panahon ng aking pag-aaral. Samut-saring pangyayaring hindi ko kailanman malilimutan, parang isang kayamanan na kaysarap ibaon sa kailaliman ng mundo, hanggang sa core ng Earth at hanggang sa maabot ang lava, approximately 864, 985, 891, 390, 040, 443. 116 na ruler, hula ko lang yan, hindi ko sigurado kung tama ang round-off  ko, eh sino ba namang tao ang gugustuhing mag sukat ng mundo gamit ang ruler? Baka si Sisa kakayanin, pero ako, no way!

Balik tayo sa series ng pag-aaral ko. Simulan natin nung Grade-1 ako, tanda ko, Grade-1C ako noon, na ang section ko ay may codename na Grade-1-Camia, ang gandang pakinggan ano?, parang nasa isa kang hardin na kung sisinghot ka ay maaamoy mo ang halimuyak ng bulaklak na camia,  pero........................

nagkakamali ka, maamoy mo ang halimuyak ng nasa kaliwang public comfort room na para sa lahat ng estudyante at sa likod naman ng room ay ang compost pit na tapunan ng basura. Akalain mo yun, parang narating ko na ang impyerno dahil sa room na yun. Hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvive noong grade-1 ako.

 Basta tanda ko lang gawin noon ay ubusin ang amoy ng CR at ng di maubos-ubos na basura sa compost pit. Daig pa nun ang seatwork na pinagagawa sa amin sa math. Kung maamoy mo lang ang lintik na amoy na yun, mas gugustuhin mo pang maging kulani ka na lang sana. Lakas ng tama, daig mo pa ang nakasinghot ng 67 na bote ng rugby sa tuwing maaamoy mo ang baho ng basurang naroroon. Talagang umiiyak ako kapag umuuwi, sapagkat kabag ang tiyan ko sa maghapong pag-amoy doon. Parang masusuka nga ako. Iyon ata ang dahilan kung bakit lumakas ang sensori ko pagdating sa pang-amoy.

Minsan pa ay hindi nililinis ng nakatokang section ang public comfort room, isipin mo na lang noong nililinis pa ay singkadan na ng baho, paano pa kaya kapag hindi yun nalinis. Karimarimarim na singhutan na naman. Talagang kulang na lang eh, tumirik na ang mga mata namin sa baho. Lagi ngang wala kaming guro noon, siguro dahil sa baho, o maaari ring dahil sa kaingayan at kakulitan ng section namin.

Ang baho talaga, maikukumpara ko ito sa isang utot, di basta-basta utot na pangkaraniwan lang, utot na hindi nakalabas ng 17 taon. Yun bang parang utot na prineserve na katulad ng atsara at strawberry jam na bulok. O ano?…kaya mo yun? Daig mo pa ang nakadrugs. Ang swerte nga ng mga kaklase kong may sipon, di nagkakakabag. Nagtataka nga ako noon kung bakit hindi ako magkasipon-sipon. Siguro, God’s will yun, kaya tinanggap ko na rin. Biyaya ng Diyos yun. singhot lng ng singhot...

RECLUSION PERPETUA - MetamorphosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon