Prologue

7 1 0
                                    

A/N: Merry Christmas sa inyo!


_________

Sanasay

Alam niyo yung maging alalay ka ng demonyo? Hindi masaya. Bakit? Eh kasi lagi niya akong pinapahirapan araw-araw. Imbis na siya magdala ng bag niya sa school ay ako ang ipinapadala nun. Parang may gold ata sa bag eh. 18371737 kg ata. Char. Abot milyon?





Back to the topic....




Lagi niya akong pinapatawag sa kwarto niya----Uy! H'wag kayong green! Yaya nila---este niya ako. Sa bahay nila----este niya ako nakatira. Mahirap manirahan dun. Puro kasamaan ang pinagagawa sakin eh. Kumpleto naman ang mga gamit ko sa bahay---este mansyon netong kolokoy na'to. Kaso.... mga luma nga lang------






"Hoy, Quira! Kunin mo nga yung gamit ko sa kotse!" Inis na sigaw ni BOSS sakin.





"Andito na pala ang hari." Bulong ko at bumuntong hininga.





Bumaba na ako. Pero syempre dala-dala ko ang aking cellphone. Incase lang naman. Kainis 'tong bad boy na'to. Lagi niya akong pinabuhat ng mabibigat. Hindi ba ako magkakaroon ng muscles nyan sa braso? Sana magkaroon ng para masuntok ko ng todo ang mukha nung gag0.





Nang makalapit na ako sa sasakyan ay agad niyang binigay sakin yung susi niya. Sa sasakyan syempre.





"Aba'y  ako pa ang----"





"Nagrereklamo ka ba?" Lingon niya. Nakatalikod ang lokong 'to at halatang tinatawanan ako. Bad boy. Sarap murahin. Pasalamat siya, nag-aaral ako. Hmp! Lumayas lang ako sa amin.






"Hindi ba obvious?" Bulong ko. Hindi yan naririnig. Paki niya ba sakin.





"Anong sabi mo?" See? Hindi nga narinig.







"Wala."




Dumeritso na ako sa sasakyan niya. Ngayon ko pa ba realize na maraming susi ang binigay niya sakin. Eh! Ang tanga-tanga ko naman kasi eh! Huhuhu.




After 30 minutes.




Aba'y asan na yung susi neto?! Halos lahat na ata ng susi ay nagamit ko na para mabuksan, pero hindi eh.





"Tapos ka na ba dyan?" Inis na tanong nitong NOOB na'to. Charr. Nakakaadik pala ang dota 'no? Hahaha.




Oh? Tapos nagawa mo pang magjoke at tumawa habang pinagtitripan ka ng walang hiyang boss mo?





Alam kong nagmumukha na akong baliw! (Tingan mo? Uso na pala ang usapan SARILI?) Baliw na nga ako.





Eh! Kasi naman nakakabaliw ang langyang boss ko eh. Pinapahirapan ako. Pero kasi....okay? Ang daldal ko. Tama na!






"Huy! Tanga!" Sigaw niya bigla sakin.





Tinawag akong tanga? Aba?! Sarap sabihang 'Ako tanga, ikaw gag0!' Kaso h'wag na baka masesanti ako neto.




"Asan PO ba yung susi, SIR?" Halos diinin ko na lahat ng salita. Inis na ako!





"Ay! Hahaha! Sorry, Kuhegong plus Tangbo! Ito palang susi. Palibhasa kasi. Alam namang hindi yung ang susing binibigay ko palagi. Pinapahalata mong tanga ka at bobo." Nagpaparinig ba'to? Gusto ko ng magresign. Pero h'wag nalang! Tiisin ang kabalatsugan ng baboying boss mo!






Hinagis niya yung susi ng kotse....totoong susi na talaga. At hinagis ko naman pabalik yung maramig susi kaya nataranta siya.





"Ano ba?! Nanadya ka ba?" Pikon niyang sabi. Eh? One move palang pikon agad samantalang ako eh halos 100 above na yung pagpahirap sakin at sa isang buwan lang yan.




Hindi ko siya pinansin. Hindi rin siya umaalis sa pwesto niya na para bang titingnan ang galaw ko.






Nakuha ko na ang limang bag niya at yung basketball. Naku! Mahihirapan ako neto eh.





Ah~~~! Ganun pala ang gusto mo ah? Yung aso't pusa mode? Ge ba! Ikaw nagumpisa neto. *Evil grin*




Nilagay ko yung mga gamit niya sa sahig. Naramdaman ko na agad na unti-unting nagaalab ang mainit at nanlilisik na mata. Bwahahaha! Sadyaan pala ha?!






Malakas kong sinarado ang pintuan ng kotse niya.





"Hoy! Ano ba?! Hinay-hinay ka nga!" Bulyaw niya. Pero dahil matigas ang ulo. Tinapon ko sa kanya ang susi niya. Hindi hinagis. Tsaka sinunod ang paghagis ng bola sakanya.






"Oops! Sorry! Hindi ko sinasadya."






Kinuha ko na ang mga gamit niya tsaka nagmamadaling umalis. Baka kasi maabutan kong umaapoy na ang buong paligid.





"LETSE KA, QUIRA!"





Eh sa ikaw ang nagumpisa eh.





_____




A/N



Idedelete ko po soon ang happier.

Being The Bad Boy's ALALAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon