PART 2

32 1 6
                                    

XXXXX------XXXXX

(PROM NIGHT)

Umattend pa rin ako kahit wala akong Prom date. Yun nga lang, naglagay sila ng red carpet, tapos dun kelangan talagang dumaan para makapasok ng venue. Psh, may nalalaman pang red carpet. Ano 'to, Kugou Music Award? 

Halatang-halata tuloy na wala kong date.

Makapasok na nga! Baka bigla nilang ligpitin pag di pa ko pumasok. 

Palakad na sana ko dun nang biglang may tumawag sa kin.

"Yah! ELF!!"  

Lingon naman ako sa pinanggalingan ng boses.

Nandun sya, nakasakay sa Bentley (Still You MV) nyang sasakyan nang tawagin nya ko. Ang gwapo ng sasakyan. Ang gwapo din nagda-drive. San ka pa?

Tinignan ko agad yung passenger's seat para makita kung nakasakay dun yung ka-date nya. Pero wala, sya lang mag-isa.

Pinark nya yung sasakyan saka nagmamadali syang bumaba. 

Binilisan nya yung lakad nya pero sa paningin ko, para syang nags-slow motion. Ang gwapo nya... I mean, gwapo naman talaga sya. Pero kasi, ngayon ko lang sya nakitang mag-formal. Nagmukha lalo syang Prince.

Naka-black syang coat at pants pero yung polo nya sa loob kulay blue. Pareho pa ng pagka-blue ng long gown ko. Sapphire blue.

Soulmate kami!!! XD

"Good evening ELF! You're so gorgeous!"  Pambobola nya nang makalapit sya.

"Nambola ka pa. Date mo nasan?" Mataray ko namang tanong sa kanya.

Tagong-tago yung kilig ko sa expression ng mukha ko. Pinapakita ko pa ring yamot ako sa kanya.

"Sinundo ko sa kanila. Unfortunately, nakaalis na daw."  Sagot nya.

Ano daw? Unfortunately? San nya napulot yun?

"Ah."

"Tara na!"  Yaya nya sa kin.

"Sabay tayong papasok?"  Pagtataka ko.

"Oo." Tipid nyang sagot.

"Yoko nga! Di naman ako ka-date mo e." Tanggi ko.

"Okay lang yan."  Sabay hinila nya kong maglakad sa red carpet.

Pasaway! 

Nang makapasok kami sa venue, una naming nakita sina Super Classmate. Magkakasama silang lahat. Parang mga wala silang kadate.

Join kaya ko dun? 

Feeling close lang. ^^

"O, san ka pupunta?"  -Donghae

"Sa kanila. Ikaw? Puntahan mo na ka-date mo. Makita pa tayong magkasama nun, magtampo pa yon~"

"Don't cheat."

"Eh? Anung don't cheat?"

"Dito ka lang.... sa tabi ko."

Ba-dump

Ba-dump

Ba-dump

Nag-assume naman agad ako ng something sa sinabi nya. 

Pano kung magpapasama lang pala syang hanapin ang ka-date nya? 

Ganon na nga siguro.

"Osige, hanapin na nating yang ka-date mo. Pasalamat ka tutulungan kita kahit nabubwisit ako sayo, wala kong ka-date!"

My ELFISH LOVE (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon