poetry:3

5 0 0
                                    

                   Pasko Nanaman

Nadarama ko mula sa saking balat ang ang lamig ng hangin na saakin humahagkan,dinig na rin ang mga batang nangangaroling  sa harapan ng mga tahanan.kung saan ang gabi ay nagmimistulang umaga dahil sa mga kumukutitap Na ilaw sa mga bahay nila.nagpapahiwatig na malapit nanaman ang kapaskuhan.

nagumpisa ng tumunog ang mga kampana mula sa mga simbahan dahil simbang gabi nanaman nyan.nung bata ako sabi ng mga magulang ko pagnakumpleto ko daw ang syam(9) na araw nito humiling ako at magkakatotoo
Pero naniniwala ba kayo sa diwa ng pasko?kase ako oo naniniwala ako
Naniniwala ako kung pano ito nag bibigay saya sa mga tao. Bukod sa regalo meron rin mga pagkain na masasarap gaya ng bibingka at puto

Puro regalo nanaman ang ating matatanggap pero alam mo ba talaga ang tunay na diwa ng pasko?
Ito ay ang araw ng pagsilang ng ating tagapagligtas na si hesu cristo.ito rin ang panahon ng  pagbibigayan,pagmamahalan at pagpapasalamat sa panginoon sa mga natanggap nating biyaya sa buong taon. Naway lagi tayong magbigayan
At patawarin ang lahat ng may nakagawa saatin ng  kasalanan

Kayo handa na ba kayo sa pasko?
Naway wag mong kalimutan ang tunay na diwa nito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

world of poetryWhere stories live. Discover now