Chapter 4: The Confrontation

245 4 3
                                    

A/N: Dedicated to the first person to comment. Thank you!! Dedicated 'tong chappie na 'to sa'yo. :)

-------------------------------------------------------------------------

Yves POV

Napapailing ako dahil sa nangyari encounter kanina. Nagmamadali akong lumakad.

"Yves, wait up!" sigaw ni Vince.

Nakakunot noong nilingon ko siya. Anong ginagawa nito rito? "Vince, bakit umalis ka na kina Miss Sarrosa?" I asked bitterly.

"Wala lang, dude. Gusto lang kitang makausap,"

Nakakainis 'to. Di ba nakakahalatang di ko siya gustong makausap? Hays. Ano pa nga bang magagawa, eh di kausapin?

"Bakit? Ano ba yun?" I asked impatiently.

"Type mo din ba si Myrtle?" diretsahan niyang tanong.

Sinasabi ko na nga ba eh. "Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi," I answered truthfully.

"Dude, balato mo na sa'ken. May Kim ka na naman eh," pakiusap nito.

"Sira. Bestfriend ko lang yun!"

"Ganon na rin yun,"

"Magkaiba yun," iritado kong sabi.

"Oo na. Naniniwala na. So ano, pre?"

"Bakit ba ako pinagdidiskitahan mo? Di lang ako dapat kausapin mo, gusto din kaya ni Tom at Ryan si Miss Sarrosa,"

"Alam ko. Nakita ko kaya kung pano nila tingnan si Myrt kanina. Pero hindi sila kasing tinik mo sa babae. Sila, okay pang kacompete, kapag ikaw, di ko alam kung magkakachance ako sa laban. So ano? Deal?"

"Hindi ako makakapangako, dre," I said, iniwasan ko siyang tingnan. "Nakakainis naman kasi ang babaeng yun! Ang cute niya tapos ang suplada naman. Ang amo amo ng mukha kapag ngumingiti, ang taray taray naman magsalita. Sarap turuan ng lesson. Ewan ko lang kung hindi siya bumait sa Romeo na 'to," I pointed at myself confidently.

"Baka hindi ka lang talaga type? Kilala ko 'yon. Di talaga 'yun lumalapit sa guys, medyo takot ata. Kaya don't push it, pare. Paubaya mo na sa'ken, mas at ease naman siya sa'ken. Tsaka minsan lang ako tamaan ng ganito eh,"

Ang yabang din naman pala nitong si Vince eh. Pero wala, mas mayabang ako.

"Ako? Hindi niya type? Imposible ata yun Vince. Type kaya ako na lahat," I said.

"Haha. There's always a first time for everything di ba?" Vince laughilngly asked.

Aba, nakakainis na talaga 'to ah. Chinachallenge ang ability ko to handle women.

"Ganito nalang, kung sino unang makakatame sa wild tigress na yun, hahayaan na siya ng ibang dumiskarte. So ano, may the best man win?" I offered.

"You're on," buong pagmamalakign sagot ni Vince.

Kakainin mo lahat ng sinabi mo Vince kasi sisiguraduhin kong ako ang mananalo. Kakainin mo yang kayabangan mo. Hah! Ewan ko nalang kung may mukha ka pang maihaharap sa'ken.

------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Short chappie lang. Mas mahaba yung sunod, promise. HAHA. mukhang galit na galit si Yro kay Vince ah. Abangan ang kanyang antics to win our princess' heart. :)

My Otaku Fangirl: A MyrVes fanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon