|Skye|
"Ma~ alis na po ako" paalam ko kay Mama na tinatahi yung gagamitin kong dress para sa ball night mamaya.
may butas kasi, nagrenta lang si Mama, di naman kasi kami mayaman, nabiyayaan ako ng scholarship sa isang 'prestige school' .... di ko na babanggitin yung school ko, basta pang-elite lang ang school na 'yun.
nakarating na ako sa school at may nabangga pa akong mga students na nagmamadaling tumakbo papunta dun sa tumpok ng mga tao.
"ano kayang pinagkakaguluhan ng mga 'to" sabi ko sa sarili ko.
"excuse me, anong meron dun?" tanong ko sa isang babaeng estudyante dito, maganda siya.
hindi niya ako pinansin at iniwasan niya ako.
"ano bang problema nun?" pinuntahan ko na lang yung pinagkakaguluhan ng mga estudyante.
"excuse me po, excuse me, pasensya na makikiraan lang" sabi ko habang nakikipagsiksikan.
"kawawa naman siya" sabi nung isang lalake.
pagkakita ko dun sa pinagkakaguluhan nila ay nakaramdam ako ng takot.
siya yung babaeng tinanong ko kanina.
"a-anong nangyare sa kanya?" tanong ko.
"ginahasa daw siya nung isang estudyante dito, kaya ayan, tumalon siya mula doon" sabi ng lalakeng kausap ko at tinuro ang rooftop ng school namin.
nakita ko yung babae, andun siya sa rooftop nakatayo.
dumating na ang ambulance at nagsi-alisan na rin ang mga estudyante.
may napansin akong isa pang estudyanteng babae na tila balisa.
"hoy!" biglang may umakbay sakin.
"ano ba naman yan Carlo!" angal ko sa kanya.
"eh pano kasi, nakatunganga ka jan, bakit? .... may nakita ka na naman?" tanong ni Carlo.
"oo, yung babae kanina, nasa rooftop siya kanina" sabi ko.
"so anong meron dun sa babae?" tanong ni Carlo.
"ang alam ng mga estudyante dito .... ginahasa siya .... pero hindi .... may pumatay sa kanya, ang hindi ko lang alam .... ay yung kung SINO ang pumatay sa kanya" sabi ko.
"pa'no mo nalaman?" tanong ni Carlo.
"sinabi niya" sabi ko.
"huh? pa'no kayo nagkausap kung nasa rooftop siya at nasa ground floor ka?" pagtataka ni Carlo.
"how many times do I need to explain myself? my gosh Carlo" reklamo ko.
"eto naman, as if naman kasing nakakarinig din ako ng ganun kalayo diba? kaya nga nagtataka pa rin ako eh" sabi niya.
"tama na nga, naiirita ko sa'yo" sabi ko.
"sunduin kita mamaya ha" sabi ni Carlo.
"aba dapat lang, ako kaya ang ka-date mo mamaya" sabi ko.
"eh wala na kasing pwedeng pagtyagaan jan eh" sabi niya.
nang-iinis talaga 'tong lalake na 'to.
sinapok ko yung braso niya."grabe! amasona pala ang makaka-date ko" pang-iinis pa niya.
"humanap ka ng ka-date mo!" sabi ko sabay talikod sa kanya at naglakad palayo.
"hoy teka lang! asungot saglit!" tawag niya sa'kin.
pero tila biglang humina ang pandinig ko at tumahimik ang paligid.
