Fighting destiny

88 2 0
                                    

Kath's POV

"Ayoko na Miguel. Hindi ko na kaya toh. Tapusin na natin toh.." Kausap ko si Miguel sa phone. Umiiyak na ako. Dahil na din sa gagawin ko at nagawa ko.

Makikipag break ako sa taong nag mahal sakin ng todo at tinanggap ako dahil pinakita ko sakanya ang totoong Kathryn.

At ang rason ay dahil sa nainlove ako sa bestfriend kong si Daniel..

"Pero beh, kakayanin natin toh. Please lang.. wag mo ng gawin toh.." sabi nya. Halatang nanginginig ung boses nya.

Nag karoon ng mahabang katahimikan.

Napa isip ako. Kung bibigyan ko sya ng another chance, hindi sya masasaktan. Pero pano naman ako? 

Sinabihan ako ng bestfriend ko dati na bago ko isipin ang ibang tao, isipin ko muna ang sarili ko.

Yun ang ginagawa ko ngaun. Madaling sabihin, hirap gawin. Bakit ganun? Ano ba tong gulong pinasok ko..

"Miguel, alam kong masakit pero kailangan mo na akong pakawalan. Ayaw na kitang saktan.. Pag pinag patuloy natin toh, lalo lang kitang masasaktan.. Higit pa sa sakit na nararamdaman ko ang mararamdaman mo.. Kaya hanggat maaga pa lang, tapusin na natin toh. Sana intindihin mo ako. Mahal mo ako oo, pero pano naman ako?.."

At pag sabi ko nun..

"Sige fine. Kung dyan ka masaya ok. Pero Kath, alam mong mahal kita. Mahal na mahal.." sabi nya.

Nanikip bigla ang dibdib ko. Ngaun ko lang naramdaman ung sakit.

Tama ba tong ginagawa ko?

Pag katapos ng malawakang pag uusap namin ni Miguel, dumiretso ako sa kama ko. Hindi ko na mapigilang umiyak.

Magdamag na akong naka higa. Nakaka depress.

Ang sakit isipin na nakasakit ako ng taong pumapahalaga sakin..

Pero sana, sa huli, maintindihan nya ako.

Knock Knock!

"Pasok!" Tumayo ako at umayos.

"Mam Kath, nandyan po si sir Dj." sabi ni yaya Melay.

"Ahh sige ate, papasukin nyo po sya dito." sabi ko. Alam kong i look crap. Pero di bale na, maiitindihan nya naman siguro ung situasyon ko ngaun eh.

Bumalik ako sa kama at nag taklob ng kumot.

"Asan na yung mabaho kong bestfriend?" halata sa boses ni Dj na masaya sya at walang ka alam alam sa nangyare.

"Huy baho! Tayo na. May dala akong chocolate tska cheesecake. Nag rent din ako ng movie. Ok na ba ung one more chance?" sabi ni Dj.

"Eh?" un na lang nasabi ko.

"Ikaw talaga! bat di mo sinabi sakin. Sa facebook ko pa nalaman. Naku bes, ayus lang yan! Kilala kita, strong ka!" sabi nya. At pag kasabi nya nun, ito nanaman ung luha ko. Maduga talaga.

"Alam mo bes, kaya ako nandito, para i comfort ka. Hindi para paiyakin ka. Pero kung yan ang gusto mong gawin, sige lang. Hindi kita pinipigilan. Mas maganda na din na ilabas mo yang nararamdaman mo kaysa itago mo diba?" sabi ni Dj.

Hayyyy nako mr padilla. Kung alam mo lang... 

________________________________________________________

Hello readers! Ok ba? kung ok na ok, vote and comment para malaman ko kung itutuloy ko ba ok? :) hahaha!

BTW, im only using Kathniel as my character ok? 

so yun.

hintayin nyo ung cover ;) ginagawa na ni lokalokasilee <3

Fighting destinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon