It's a Sunday afternoon. The warm breeze made my hair flow to different directions but I didn't mind. Maybe because my attention wasn't in my hair, I don't really care what I'd look like right now. Nakatuon lamang ang tingin ko sa harap kung saan nakikita ko siya. The person I love doesn't seem to mind if my hair's messed up because of the wind. Wala naman siyang pakialam kung maayos ako tingnan o hindi. Alam kong mahal niya parin ako.
Though he doesn't seem to mind how I look, I still managed to arrange my hair. Nilagay ko sa likod ng aking tainga ang ilang takas na buhok. I need to look good in front of him. Kailangan maganda ako sa harap ng lalaking iniibig ko. Ang aking unang minahal at patuloy na mamahalin.
I tightly held the white roses in my hands. Maganda ang pagkakaayos sa mga bulaklak na hawak ko ngayon. Halatang pinaghandaan talaga.
I walked slowly. Hindi ko dapat madaliin ang paglalakad papunta sa kanya. Ang ayaw niya sa lahat ay ang mabilis kong paglalakad.
Madalas siyang magtampo noon dahil pag magkaholding hands kaming naglalakad ay palagi ko siyang nahihila dahil sa bilis kong maglakad, o di kaya'y nahihila niya ako dahil sa bagal niya maglakad.
Natawa ako sa alaalang iyon. Kapag nalaman niya na iyon ang iniisip ko ngayon, malamang ay kumunot na ang noo niya at pangangaralan akong wag mabilis maglakad kapag kasama siya.
Ngayon, sinusunod ko siya. Mabagal akong naglakad papunta sa kanya. Ayokong magmadali. Sa ganda ng suot ko, nanamnamin ko ang sandaling ito. Dapat maganda ako sa harap ng mahal ko.
I still remember the first time I met him.
College ako noong unang makilala ko siya. I was in my 3rd year. Madalas ako noong tumatambay sa malawak na garden dahil may mataas na bahagi ito. Parang isang burol kasi ang porma ng garden ng university namin. Paakyat ito. Bawat hakbang pataas ay iba't ibang halaman at mga bulaklak ang makikita.
Doon sa pinakataas kung saan ako palaging nakatambay, naroon ang mga rosas. May mga pulang rosas at meron namang puti. Pero mas gusto ko ang puti. Hindi ko alam. Siguro dahil malinis lang talaga ito tingnan at mapayapa sa pakiramdam kapag tinitingan.
Hindi ako pwedeng pumitas ng mga bulaklak sa hardin kaya naman ay nalalagi ang pagtambay ko roon para lamang titigan ang kagandahan ng mga bulaklak.
Bihira lamang ang mga taong pumupunta sa hardin. Kung may pumunta man dito ay ang mga agri students lang na mamimitas ng halaman o di kaya ay magtatanim ng panibagong halaman o bulaklak. Madalas ay walang tao rito kaya nasanay ako na ito ang laging pinupuntahan ko. Bukod sa wala masyadong tao, tahimik rin akong nakakapag-aral rito.
Kaya naman laking gulat ko nang isang araw ay may nakita akong isang binata na nakaupo sa hardin.
Natutulog ito at nakasandal sa isang paso na halatang dinala niya pa sa pwestong iyon para lang komportable siyang makatulog doon.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naroon kasi ito sa pwesto ko. Saan ako uupo ngayon? Should I just go? Tutal ay baka wala na ito bukas. Maybe he just needed some place to sleep in. At itong university garden ang naisipan niyang tulugan. Kung sabagay, nakakahiya naman matulog sa library dahil madalas nga sabihing nagiging silid tulugan na raw iyon at maraming staff sa library na ang nagreklamo.
Hindi ko na dapat ito papansinin at tatalikod na sana ako nang bigla siyang magising. Napakurap pa siya nang mukha ko ang tumambad sa kanya at agad nagkusot ng mga mata. Bumangon siya at tinitigan ako.
"Sorry. Nakatulog ako sa pagod. Naagawan tuloy kita ng pwesto." He said while looking sorry. Para bang labag sa batas kung matutulog siya sa pwesto ko, which I didn't mind dahil naiintindihan ko naman.
BINABASA MO ANG
Slow Walk
Short StorySlowly, step by step, I walk towards my love. Highest rank: #114 in Short Story