Pwede kaya?

2 0 0
                                    

"New school new people" nasabi ko na lang noong nasa harapan na ko ng school na papasukan ko. Grade 11 na ko bakit ba naman kasi nauso pa itong K to 12 na eto edi sana diba first year College na ko hay nako naman.

"Attention to all Grade 11 students you may please go to the gymnasium to start the groupings of sections thank you" nasa lobby ako noong narinig ko ito nakapag tour na naman kami before mag start ang school year so alam ko na kung saan ang gymnasium at agad naman ako pumunta dun.

"Hi" bati sa akin ng isang babae namumukhaan ko sya.

"Hi po" bati ko ng nakangiti "diba po sa Internation High School karin galing?" tanong ko.

"ah oo" tipid nyang sagot

"diba po grade 12 ka na?" usisa ko pa sa kanya

"dapat talaga Grade 12 na ko kaso nagpalipat ako ng strand eh" paliwanag nya.

"ah by the way I am Klea...Klea Montemayor" sabay lahad ng kamay ko sa kanya.

"and I am Ynna Smith" pagpapakilala nya.

"Smith, Ynna" tawag nung teacher sa pangalan nya.

"pano ba yan una na ko? See you around Klea nice meeting you" paalam nya sa akin.

Mag isa nanaman ako nakaupo lang ako sa isang tabi habang hinihintay ang pagtawag sa pangalan ko... At pagkatapos nga ng 30 minutes tinawag na ito at agad itinuro sa akin kung saan ako pipila.

Wala na akong oras pa tingnan kung sino sino ang mga kaklase ko dahil init na init na ko guato ko na rin maupo sa classroom at umuwi.

Nasa unahan namin ang teacher namin at sinamahan nya kami papunta sa classroom namin buti na lang sa second floor lang ang hassle kasi kung sa 4th floor baka mamayat na ako nyan.

Pag pasok sa loob kanya kanya na kaming hanap ng upuan at napapunta ako sa second row hayst mas gusto ko sa likod kaso kulang yung chairs kaya maswerte pa ko may naupuan ako.

"Klea!" kalabit sa akin ng kung sino man yun

"Oh? Ay Angel ikaw pala! Uy classmates parin tayo" agad kong sabi sa nangangalabit sa akin na kaklase at kaibigan ko pala last school year.

"oo nga eh biruin mo nga naman" sabi naman nya habang nakangiti.

"Angel sabay na tayo mamaya aa lunch ha?" agad naman syang umoo

Diniscuss lang naman sa amin ni Ma'am yung subjects, subject teachers at yung sched namin pagkatapos nun pinagpakilala nya kami isa isa.

Umubob na lang ako kasi wala akong interest makilala yung mga kaklase ko kasi pag nagdaan naman ang araw makikilala ko rin sila matandain kasi ako lalo na sa pangalan. Narinig ko na yung katabi ko na ang nagpapakilala kaya umayos na ko ng upo kasi ako na ang sunod.

"Ok thank you Miss Mendoza and next?" turo sa akin ni Ma'am kaya agad akong tumayo.

"Hi guys" panimula ko ng nakangiti

"My name is Klea Montemayor,16 years of age and I am hoping that you guys will be nice to me that's all" at agad akong umupo sa upuan ko.

Fast Forward

Canteen

"Klea?" tawag sa akin ni Angel habang kumakain kami.

"Hmm?" tugon ko kasi nga kumakain ako

"Pansin mo? Lahat ng kaklase nating boys ang gwagwapo? May 5 lang ata ang hindi fafa eh" sabi nya ng dirediretsyo

Inubos ko muna ang nasa bibig ko bago magsalita.

"uhm di eh kasi di ko pa naman masyado tinitingnan ang mga kaklase natin.

"mamaya tingnan mo" utos nya sa akin aba ang babaeng to ah

"sige" sabi ko sa kanya na medyo natatawa di parin kasi nagbabago ugali nya.

At pagkatapos nga namin kumain bumalik na kami sa classroom medyo wala pang masyadong tao kasi kumakain at naglilibot pa sila pero mabilis ding dumami ulit ang mga tao dito sa classroom kasi tapos na ang break time.

"Klea tingnan mo bilis"

"oo na oo na tumahimik ka na lang dyan" sabi ko kay Angel and yes too nga nga maraming gwapo tiningnan ko sila isa isa sa first row iisa lang ang nandun na lalaki ang kaibigan ko na yun since bata pa kami magkaibigan kasi magulang namin since bago kami ipanganak.

Sa second row walang boys puro girls lang kami and infairness ha ang gaganda din ng girls kong classmate bababa lalo self esteem ko nito.

Third row yung nasa likod ko is girls bali yung ayos kasi ng upuan namin ay 10 chairs kada row tapos 5 sa kanan 5 sa kaliwa bali may daan sa gitna ang pwesto namin ay sa kanan at dun sa 3rd row ng kaliwa may 5 na boys yung katabi ng daanan Oppa ang koya mo singkit sya na parang Korean at maputi tapos naka braces ang ngipin yung katabi naman nya di gaanong gwapo pero may appeal tas yung katabi pa nila chubby pero gwapo medyo moreno and yung katabi nung chubby uhmm never mind chos may itsura pero di ko bet tas yung dulo naman nila pwede na.

Sa 4th row sa side namin may 4 na babae at 2 lalaki isiniit lang ata yung isang upuan dun kaya 6 sila parehong payat yung dalawang lalaki may itsura kaso hipan mo lang feeling ko mangangalas na tapos sa kabilang side 3 lang ang nakaupo yung nasa likod ni singkit medyo payat matangos ang ilongaputi tapos ang manly nung bigote nya tapos yung katabi nya ang manly ng katawan at gwapo din tas yung katabi pa nilang isa matangkad na payat pero ang gwapo din jusko lord piangpala ata ang classroom na ito.

Sa last row walang hati yung chair dun kasi nasa pader na din naman sila may 4 na boys sa kanan tapos 7 babae ang katabi nila at 7 lalaki sa kaliwa at may 2 beki sa gitna na katapat ng daan.

Infairness ang dami namin at ang gaganda pagmasdan ng boys este nung tanawin sa labas.

Di ko na namalayan ang oras uwian na pala sumabay na ako kay Angel sa pag uwi kasi magkalapit lang naman bahay namin.

Pag uwi ko agad akong umakyat sa kwarto ko para magpalit ng damit at gad umupo ako sa study table ko ang kinuha ang Diary ko.

Dear Diary,

Ang boring kanina sa school pero biglang gumanda ang araw ko noong nakita ko yung isa sa mga kaklase ko ang gwapo nya hihi.

Love Klea

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pwede kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon