part 2 we met again

11 1 0
                                    

Nagising ako ng 6:30am. Ewan ko ba, bakit ang aga ko nagising? eh semestral break naman. Usual wake up time ko pag breaks is 10:00 am or  10:30 am eh, ginigising pa ako niyan ni mama ah, hindi ako kusa bumabangon sa bed.

10 messages received. 2 missed calls.

Shayne 4:00am : Hey girl! andito ako sa labas ng house nio, jogging na tayo.

Shayne 4:07am: Karel? gising nah oh, akala ko ba sasamahan mo ako mag jog?"

Shayne 4:10am: Bilis nah, gising nah andito kami ng pinsan ko sa tapat ng bahay niyo.

pinsan niya? sino kaya? kilala ko kasi yung ibang mga pinsan niya, eh sa 6 years namin magkasama noh? since 1st year high school magkakilala na kami, 1st year high school kasi ako nung lumipat sila ng bahay malapit sa amin, galing sila ng Cebu.

inopen ko yung ibang msgs. , magkakapareha lang ang laman

Shayne 4:20am: mukhang tulog ka pa. Magkita nlang tayo mamaya sa may Children's park. Itxt mo ako pag gising ka na tapos alis tayo. ok?!

tinext ko siya na gising na ako tapos nag shower, nagbihis at kumain ng oat meal. Kinuha ko sa drawer ko yung yellow plain shirt ko at nag pedal tapos Keds na sneakers. At tinext ko na siya na papunta na ako ng Children's park.

Shayne 7:47am : ok. bilisan mo. wait lang kami sa'yo sa may bench.

kasama niya pa rin siguro yung pinsan niya. Nagpaalam ako kay mama tapos umalis na, walking distance lang naman yung bahay namin sa CP (Children's Park).

Maraming tao ngayon ah... oo nga pala! semestral break, maraming mga estudyante ngayon. Dapat nga mga bata ang andito sa CP, kaso nasanay na ang mga lovebirds na dito mag date. Diba annoying? Dito sila nag dadate eh palaruan to ng mga bata, kaya naman wala nang mga bata na naglalaro dito kasi pinagbabawalan na sila ng parents nila.

Nakita ko si Shayne. Nagwave ako ng kamay sa kanya. Nakita niya kaya nag wave din siya.

Lumapit ako sa kanya.

"Shayne!"

"Girl!" nag smile siya sa akin

"sino kasama mo?" tingin ako ng tingin sa paligid. wala naman kasi siyang katabi sa bench.

"ahh! yung pinsan ko"

"asan na?"

"may binili lang, cute siya girl ah! ipakilala kita"

siguro kamukha niya, kasi maganda si Shayne, maputi, mataas at curly yung hair sa baba. Umupo ako sa tabi niya.

Maya-maya may lalaking nakatayo sa harapan namin. Tumingala ako.

SHOCKED!!!

SIYA? PINSAN NI SHAYNE? AS IN? SIYA? -_______-

"Meet my pinsan girl..." tumayo si Shayne tumabi sa lalaki.

"Blue... and you're Karel, right?" nagsalita si Blue at inabot yung kamay niya

Hindi ako nakipag hand shake, kahit pa pinsan siya ni Shayne.

Nag smile lang ako.

"Oh diba? kilala ka niya girl!" syempre, nagkakilala na kami sa POLEY's kung alam mo lang Shayne.

nag smile lang ako

" Mas cute ka pala sa personal pag naka smile" nag smile si Blue

Ano daw? sa personal? so picture ko lang yung sa POLEY's??? Shunga ba 'tong pinsan ni Shayne?

"hahaha! oo naman, cute talaga itong kaibigan ko noh."

nagguguluhan na ako ha?!

"uhmm.. Ang totoo kasi niyan Karel, nakita ni Blue sa cellphone ko yung selfies mo... andami kaya nun! tapos nagtanong siya kung sino daw yun eh ang cute daw."

"kailan niya pa nakita?"

"actually last week sila dumating dito from Japan"

"kahapon lang tayo nag POLEY's diba?" nakita ko nag smirk si Blue sa tanong ko

"Oo naman, amnesia lang girl?"

Kilala niya na ako, nung nagpakilala siya? SCAM ba yun???

tumawa lang ako.

"ahhh! So matagal na pala akong kilala ni Blue"

"hindi naman masyado girl, last week pa nga eh"

"oh! oo nga pala" nag smile ako kay Blue.

 Umiwas si Blue ng tingin sa akin.

Naglakadlakad kami sa park ng about 30 minutes, habang kinakain namin yung Fries na binili ni Blue kanina. Tapos napagod na ata si Shayne at nagyaya maupo, kaso nakakita ng kakilala. Hindi na ako magtataka, iniiwan niya talaga ako lagi pag nakakakita ng kakilala pero binabalikan niya naman ako, marami kasing  social connections si Shayne.

Pero ngayon, iniwan niya ako kasama itong si Bughaw (Blue). Nakaupo lang kami sa bench.

Awkward Silence.

I break ko na itong silence na ito?

Then

He broke the Silence

"maglakad tayo?"

"ha? eh kalalakad lang natin, hindi ka pa ba pagod?"

"iba yun, kasama natin si Shayne nun. This time, the two of us nalang. Pwede ba?"

"uh, sige"

kaya yun naglakadlakad kami ulit sa park

"So, kilala mo na pala ako nung nagkita tayo sa POLEY's ha?" nag smile siya sa akin.

"oo, narecognized kita agad kahit mas maganda ka pa sa personal... alam ko na ikaw na yun" so ano? kikiligin na ako sa sinabi nya?

"bakit tinanong mo pa name ko?" tumingin siya sa sky.

"gusto ko lang malaman kung yung boses mo kasing ganda mo rin ba"

"as in?" nagulat ako sa sinabi niya syempre, first time ko kaya 'to narinig sa isang lalaki

"atsaka napaka ungentleman ko yata kung hindi tayo pormal na magpakilala sa isa't isa"

oo nga naman?

"uhh.. hindi ka talaga gentleman noh!" napatingin siya sa akin.

"ha? bakit naman?"

"kinuha mo kasi agad number ko, tingin mo sa akin? easy to get?" tumawa siya

"sorry, ganun talaga ako. Sa dinami dami nga ng babae na pinopormahan ko, ikaw lang ang hindi nagbigay ng number sa akin eh."

Ha? ano daw? Pinopormahan? Ako? Sure ba siya? o SUre ako? o assuming lang ako?

"siguro naman, makukuha ko na number mo this time Karel?"

"sinuswerte ka? 2nd day palang natin bilang friends, bilangin ko na rin yung day POLEY's"

"hindi ko parin makukuha number mo?" worry face siya. Ang cute niya tingnan pag worried siya.

"N-O!, dapat matagal pa tayo maging friends" nag smile ako

"ilang days ba dapat tayo magin friends bago ko makuha phone number mo?"

"about... uhmm.. 31 or 30 days! equivalent nun 1 month!" nag smile ako sa kanya.

hindi naman talaga ako ganun ka harsh sa mga gusto makipag friends sa akin noh? SA KANYA LANG.... hahaha, nakakatuwa kasi siya. Tingin ko naman sa kanya eh mabait na tao atsaka matalino.

Cute din siya.

"Ok, I'll find a way nalang" nag smile siya.

Maya-maya dumating si Shayne.

"tara Blue, uwi na tayo... nag text si tita sa akin."

"oh paano Karel? let's meet again ha?" nag smile ulit siya, pacute na smile

"oo Girl, pinapamadali kasi kami eh."

nag smile ako sa kanila "oo sige, bye-bye! uuwi na rin ako"

Chasing our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon