Chapter 16 - [ A new day ]

29 5 0
                                    

Allen's POV

Magsisinungaling ako pagsinabi kong hindi ako nakakaramdam ng onting takot, onti lang naman. At first nung nalaman ko yun sa mismong papa niya, hindi ko alam ang irereact ko, Elisha? Ruler ng isang Division at may hawak na gang at isa sa may pinakamataas na posisyon sa org? It was really unbelievable, hindi ko padin maalis sa isip ko na... pumapatay ang mga bestfriend ko.

I dont know what to think anymore, kala ko dati biruan lang nila yung mga ganung brutal kaya nakikisakay ako, pero ngayon. Sa Papa niya na mismo nang'galing, isang patunay lang yun na ang mga kilala kong tres'marias ay mga Demonitas, imagine them.. enjoying the blood of their victim, ayoko. Ayoko sa ganun, pero dahil offer naman sakin to at para nadin mabantayan sila, sige. Papayag ako but that doesnt mean, gagawin ko yung mga bagay na yun.

Late na kami nakauwi dahil hinintay pa namin si M.A, ewan ko kung ano pa pinagawa ni Elisha dun dahil nagtagal pa eh.

Anong oras na ba? Putek, hindi ako makatulog, sumakit ulo ko sa mga binasa. Sobrang dami, lahat ng mga Members and even the history, i read all of them. Walang lagpas, i was even stunned kung ano ang mga professional ng mga ka'member ko, yung sinabi ni Sha kanina na apat na other friends nilaa ay yung apat na Leaders pala.

Brooklyn Akira: Leader of the KillerQueens she's a Tactical and Combat skill master.

Caleb Parker : Leader of the Venifious Gang, the bomb specialist.

August Foster : Leader of the Empress Gang he's the silent killer and the most dangerous one, a Sword mastery.

Gabriel Gray : Leader of the Hell Goddesses Siya the shooter more like a sniper type.

And thats the Leaders of the other 4 gang, while me? Uh. I dont even know, saklap tol!

Right now, im looking at the dagger na hinagis ni M.A kanina, it was sharp at may design tong hollow moon na para bang paborito ata na moon ni Elisha, still thinking kung.. gagawin ko pa kaya ang sinabi nila in order na makapasok ako?

I cant kill a person who's innocent yet want to live their life to the fullest and i dont have rights to stop them and take it away from them, thats so selfish and unlike me.

4:30 A.M

Bahala na, magjo'jogging nalang muna ako sa labas, maya maya may pasok na naman kami.

Dahan dahan ang lumabas ng kwarto at sinuot ang aking jacket, pero bago ako bumaba ay sumilip muna ako sa kwarto ni Elisha-- she's sleeping peacefully like an angel, ni hindi mo maiisip na gumagawa siya ng ganoong bagay, even though pa'angas angas lagiat pabadgirl ang dating ay hindi mo inaakala na may gagawin siyang hindi maganda.

Kahit na sabihin niyang malakas siya at kayang kaya sarili niya tipong papalagan at babanatan niya lahat ay-- she still have her weaknesses, tsk. I dont even know why-- i like this girl! Biglaan din kasi kung bakit, i just woke up one day that i have this shtty feelings for her, i really know its wrong--but can i help it? Maling mali! Pero these past few weeks, kating kati talaga mga kamay ko whenever na may gagawing kalokohan sila Alexander sakanila ni M.A, naiinis talaga ako.

Bumaba na ako sa hagdan at lumabas na para magumpisa na magjogging, its been awhile but im still fit.

Nagsimula na ako tumakbo, naglibot libot ako at ng makalabas na ako ng Evergrande vil. Pumunta na ako sa sidewalk, wala pa masyadong tao pero marami ng kotse ang dumadaan.

The Jansens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon