Naiinis ako. Ang aga-aga, ang ingay na agad sa bahay. Paano ba naman kasi yan si Ate Basyang! Magpa-plano pa ng kasal, dito pa sa bahay namin. At bakit ba talaga sa bawat araw na ginawa ng diyos, ngayon pa talaga umulan? Edi ayan. Imbis na sa diretso sila sa mamahaling restaurant sa Quezon Avenue para pag-usapan ang wedding plans, dito pa talaga sila natuloy sa bahay ni Yanit. Nako talaga sinasabi ko, itaga niyo sa bato. Pag ako kinasal na, hindi ko talaga titigilan puntahan yung bahay nila ni Ate Basyang hanggang sa kusang magsilabasan mga tutuli niya kakadaldal ko kung ano gusto ko kulay ng gown ng mga abay, anong theme ng kasal-fairytale ba o cartoons, gaano kalaki ang cake, ang kanta na papatugtugin pag lalakad ako sa altar, at syempre.. ipapagmayabang ko kung gaano ako kaswerte sa mapapangasawa ko.
Pero teka, parang huli na yata ako pagdating sa ganoon. Ilang taon na ulit ako? 26. Alanganing bata, alanganing senior. Hindi pa naman ganoon katanda, pero pagdududahan na kung sakali man mandaya sa jeep at magbayad nang may discount ng "estudyante".
Nagpaiiwanan na yata ako ng panahon. Wag niyo ako pangunahan sa nga linyahan na masyado pa akong bata. Madalas ko rin yan sabihin sa sarili ko noong mga panahon na bata pa talaga ako. Siguro mga 18. Tinigil na rin ang pagkauhaw sa pag-ibig noong tumuntong ako sa pagkadalaga.
Maging mayaman lang, okay na ako. Kahit yun na lang, Lord. Yan ang madalas laman ng dasal ko nang masimulan ko na mamulat sa mundo. Na mahirap ang buhay, hindi kaya ng bulsa ng nanay ko na pag-aralin ako para sa pangarap ko na maging Architect. Hindi rin naman ganoon katalino kahit nag-aral sa science highschool noon. Kumbaga, tamang sipag lang- iba kasi yung tipo na pang-scholarship programs. Kung makaraos ng 85 pataas sa card, kulang na lang magpa-blow out ako sa jollibee sa tuwa. Nawala na sa isip ko ang mga crush, ang mga pag-ibig.
Sabi ko, basta maging mayaman. Para mapatayuan ko si mama ng bahay, makapagpatayo ng Charity para sa mga street children at maka-pundar ng pampagawa ng shelter ng GRACES (isang home for the aged sa likod ng dati naming school), madala ko pamilya ko sa mga lugar na hindi pa nila napupuntahan, maging ninang na hindi tumatakbo sa mga pamingkan niya at lagi nagbibigay tuwing birthday o pasko. Makapagpagawa ng housing project para sa mga pamilyang hindi maka-afford ng pambili ng bahay. Particularly, yung nga nasa squatters at remote area na hindi naabutan ng tulong ng gobyerno madalas. Ang taas ng pangarap diba? Pero mas mataas mahirap ata abutin yung isa kong pangarap. Yung totoo kong pangarap.
Alam mo kung ano? Gusto ko maging Architect. I have always been in awe whenever I see structures, it seems like an art to me. Parang nakakatuwang isipin na balang araw makikita ko ang sarili ko na nagdidisensyo ng mga bahay ng ibang tao at makikita ko kung gaano sila magiging masaya pag nakapasok na sila sa loob noon. It is my hapiness. Seeing someone I can shuddered a home. Even if it's just the feeling and presence itself, I can see myself doing that until I die. Baka nga kahit mamaga ang kamay ko kakagawa ng disenyo na gusto nila, hindi ako mapapagod. Physically, yes. Pero sa puso, hindi. Gusto ko, maging mayaman tapos magawa ko lahat ng nasabi ko na iyon sa pera na kikitain ko sa paganap na propesyon na gusto ko. Tapos, papakasalan ko yung lalake na alam kong ginawa ng Diyos para sa akin. Magiging masaya, magkakaroon ng tatlong anak. Ang pangalan ay - Elijah, Elisse, at Entice. Papalakihin ko sila ng punong puno ng pagmamahal at hindi materyal na bagay. I would teach them how to love things deeply, hindi yung makaraos lang. Gusto maranasan nila lahat ng pinagkaitan ko maranasan nung uhuging paslit pa lamang ako. Hangga't sa darating sa punto na bububo na rin sila ng sarili nilang mga pamilya. At mapapanatag kami ng asawa ko dahil alam namin napalaki namin sila ng maayos.
Mukhang madali, diba? Naka-plano na kasi. Naka-latag na at drawing sa papel. Kulang na lang ng askyon. Aksyon na kay hirap gawin. Kung pangarap lang at walang talino at pera na iiral.
Kaya naiinis ako. Naiinis ako tuwing ganito na nakakarinig ako ng tungkol sa kasal. Nakakapanood ako ng mga tungkol sa kasal. Nasasaksihan ko yung mga kaibigan ko at ibang mga mahal ko sa buhay na kinakasal na. Tapos ako andito lang, kulang na lang mabulok na ang mayuma kakahintay ng kaganapan ng kung sino. Kumbaga sa stage play, ako yung audience. Taga-hintay ng susunod na mangyayari, taga-palakpak, taga-ayos ng trahe de boda, taga-picture, taga-iyak, taga-pakinig.