Loving Alexander Grape
ChapterOne
Dream of him
It's already 1 o'clock in the morning but Aria still can't sleep. Kanina pa sya pagulong gulong sa kama nya at patingin tingin sa kisame at labas ng bintana. Ang daming tanong ang pumapasok sa utak nya pero mas nangingibabaw ang isang senaryo sa utak nya
It was Alexander and a brunette girl kissing in the middle of the corridor. Kanina pa paulit ulit na nagpe-playback ang senaryong ito sa utak nya, gustong gusto nya nang matulog at busog na busog na ang eyebags nya na siguradong mapupuna ni Mandy
Gumulong na naman sya sa kaliwang side ng kama at niyakap ang malaking unan sa gilid nya. Pinikit nya ang mga mata nya pero si Alexander at ang babaeng yun na naman ang nakikita nya. 'Gahd I hate this feeling. I felt cheated' she thought
Kahit sino naman siguro ay ganyan ang mararamdaman kung yung taong umamin na may gusto sayo ay makikita mo nalang na may kahalikan na kung sino sino. Masakit yun sa ego. Kahit sabihin na natin na wala silang relasyon still pakiramdam nya ay niloloko sya. Aish
Dinilat nya na naman ang mga mata nya dahil umalingasaw na naman ang ringtone ng cellphone nya. 'Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong oras?' tanong ni Aria sa sarili nya. She slid the screen of her phone nang hindi na tinitignan kung sinong tumatawag, tinapat nya sa tenga nya ang cellphone nya "Hello" bati nya
"Aria" sagot ng tao sa kabilang linya. Biglang kinabahan ang dalaga ng marinig ang boses sa kabilang linya. That voice made her body shiver, napalunok sya at napa-upo
"Xander?" patanong nyang sagot kahit na alam nya naman na si Alexander naman talaga ang nasa kabilang linya. Naalala nya na naman yung nakita nya kanina kaya agad nyang pinilig ang ulo nya
"Let's talk" he said. Automatic na napatingin si Aria sa digital clock nya na nakapatong sa side table ng kama, 1:45 am na
"Nang ganitong oras?" kunot noong tanong ng dalaga na naka-indian sit na sa gitna ng kama nya. Lalo tuloy nagising ang diwa nya sa ginawang pagtawag ng binata
"I'm already here" sandaling nag-pause si Alexander "In front of your unit" dugtong nya. Lumaki ang mata ni Aria "What?!" sigaw nya at agad na napatayo. Sinuot nya ang sapin nya sa paa at halos patakbong lumabas ng kwarto nya tsaka dumiretso sa pinto
Sumilip sya sa pip hole ng pinto ng unit nya at nakita nya si Alexander na nakatayo sa harap ng pinto kung saan nakatapat din sa tenga nya ang cellphone nito. Kinakabahang hinawakan ni Aria ang handle ng pinto tsaka tinulak ito
Isang Alexander Grape ang nakatayo sa harap ng pinto ng unit nya at may hawak din na cellphone na nakatapat din sa tenga nito katulad nya. Sabay pa nilang binaba ang cellphone nila at binulsa
"Pasok ka" sabi nya tsaka nya niluwagan ang pinto ng unit nya pero umiling ang binata na kina nuot noo naman ng dalaga. 'Weird, dati nagpupumilit pa syang pumasok sa unit ko'
Nilagay ni Alexander ang magkabilang kamay nya sa bulsa ng pants nya tsaka diretsong tumingin sa mata ni Aria "Pia kissed me..." sabi ni Alexander. Gustong magroll eyes ni Aria sabay sabi'ng 'I know, you idiot'
"...but I don't kissed her back" dugtong ng binata. Parang nawala ang tinik sa dibdib ni Aria, gusto nyang huminga ng malalim pero ayaw nyang ipakita kay Alexander na apektado sya
"Bakit mo sinasabi sakin to?" tanong nya
Sinuklay ng binata ang buhok nya gamit ang mga daliri nya "I want to be honest with you Aria" sabi nya "No secrets, no lies" dugtong nito
Speechless. Walang masabi ang dalaga sa sinabi ng binata, ngayon lang sya nakatagpo ng taong pupunta sakanya ng madaling araw para sabihin na may humalik sakanya. Hindi ka makaka kilala ng ganyang tao araw araw
"Tss. Your spacing out again" si Alexander
Inismidan nya si Alexander "You didn't kiss her back pero hindi mo naman sya pinigilan. Tss" sumbat ni Aria sa binata. Tama! Ilang segundo din yung magkalapat ang labi nila nung Pia'ng yun
He cringe the bridge of his nose "Hard headed lady, tss" tsaka ito lumapit sa dalaga at niyakap ito. Namula na naman ang tenga ni Aria 'Sheez, anong tinira ng lalakeng to?'
Tinapat ni Alexander and bibig nya sa tenga ni Aria "Kaya nga ako nandito para sabihin sayo diba? And you saw us but you didn't stop her. I should be the mad one here" bulong nya
Nanlaki ang mata ng dalaga kaya tinulak nya si Alexander palayo sakanya "You saw me?!" tanong nya ng magkaharap na ulit sila
He chuckle. 'Gahd, so sexy' she thought "I already memorized your presence Aria" he answered then brushed his hair again "And please, wear pajama" sabi nya habang hinahagod ng tingin si Aria
Aria is wearing a black sando and a white short shorts. Agad nya'ng tinakpan ang legs nya na nakalantad "Pervert!" sigaw nya habang pulang pula na ang tenga
He chuckle again "What could I do? You tempt me too much" he answered then laugh. 'Baliktad yata! He tempt me too much din!'sabi ni Aria sa sarili nya
"Whateves! Umuwi kana nga lang!" sigaw nito sakanya tsaka na sana isasara ang pinto pero mabilis na nakalapit sakanya si Alexander at hinalikan sa pisngi "Dream of me" bulong pa nito tsaka na umalis
Naiwan si Aria'ng natulala at hawak ang pisngi nyang hinalikan ni Xander. 'Dream of him daw? Sh*t lang. Hindi na'ko makakatulog nito' sabi nya sa sarili nya
BINABASA MO ANG
Loving Alexander Grape
General FictionIsa sya sa mga lalaking pinagkakaguluhan. kinatitilian at kinababaliwan. Paano nangyaring nainlove sya sa babaeng walang ibang alam kundi bwisitin ang bestfriend nya at dinidiktahan ng nanay nya? Paano nangyari? Book Cover Credit to Ate Riri_Gizibe<3