Chapter 2

151 7 1
                                    

-Maria Pov-

"Maria, alam kung mahirap ang pinagdaanan mo nong huling semester" bumuntong hininga pa si Mrs. Garcia, bago pinagpatuloy ang sinabi. " Pagsasabihan na kita ngayon pa lang, Pag bumababa ng isang percento ang grado mo, sorry but i need to get you out on your academic scholarship." malungkot nitong sabi.

Yumuko sya." Sorry po ma'am, nagkaroon kasi ng problema sa bahay kaya hindi ako naka pag concentrate sa studies." mahina kung sabi,

" alam ko." awang sabi sa kanya ni Mrs. Garcia.  Mula sa likod ng lamesa nito ay tumayo ito. Tinapik nito ang kanyang braso." wag kang mag alala. Hindi ba't nagawa mo nga iyan noon, kaya dapat kayanin mo yan ngayon."

Tumayo na rin ako. "opo ma'am salamat po, hayaan nyo mag aaral pa ako ng mas mabuti."

"Good, thats the spirit"

Nang makalabas ako sa faculty room kung saan kausap ko si Mrs. Garcia. pa lingon lingon pa ako sa paligid. Ng walang makitang tao. Bigla kung sinabunutan ang buhok ko sabay padyak sa isang paa. Na hindi gumagawa ng ingay.

'eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeehhhhh' sigaw ko sa isip ko

'kainis kainis kainis. napaka bobo mo talaga Maria Anna Gonzales'

Hindi pa ako nakontento sa pag sabunot sa buhok ko, pinok pok ko pa ang ulo ko gamit ang kamay ko. 

'bobo bobo bobo'

Ilang saglit pa at itinigil ko na rin ang ginawa ko. 'Shit sakit tuloy ng ulo ko.' Ano ba naman kasi. Pag bumaba pa ang grades ko seguradong matatanggal ang scholarship ko. TT^TT

Pesting buhay to. Bakit ba kasi ako pinanganak na mahirap. Sana nalang talaga pina ampon na lang ako ni nanay baka may awa pang umampon sa akin na mayaman. Gaya ng ka klasi kong si Madonna na sosyal na sosyal eh ampon naman. Pero mayaman.

Kainis. Pag nalaman ni nanay to siguradong, patitigilin na tlaga ako non at patratrabahoin nalang para may paki na bangan.  Dapat talaga yon ang buhay ko Dalawang taon na ang nakakaraan, pagkatapos kung mag graduate ng high shcool. Isang tindira lang kasi sa palengke ang nanay ko. Ang tatay ko naman nilayasan na kami sa sobrang hirap, hindi na kinaya. Buti nalang nag iisang anak ako. Ewan ko ba kung mabuting sabihin iyon, wala kasi akong karamay.

Kaya lang gusto ko talagang makapagtapos at ibangon ang buhay namin sa hirap gamit ang natapos ko. Kaya sinubukan kung mag try ng scholarship. Alam kong hindi ako matalino. Oo!, hindi ako matalino. Pero sinubukan ko pa rin. Kahit na nangheheram ako ng mga aklat aklat sa kapitbahay namin. Pero sa lahat ng eskwelahang i-napplyan ko, susme me bukod tanging ang NU o Nero University lang ang napasa ko. Na shock ako, grabe. talaga. Oo. super.

Nero University, isa sa pinaka sikat at mayaman na school sa bansa ang nagbubukod tanging exam na pinasaran ko. O.O!

Nong una duda ako. Sabi pa ni nanay na wag ko ng ituloy dahil wala rin kaming pambayad sa mga ibang gastusin o sa mga project. Malamang mahal kaya. Pero ng mabasa ko ang sulat kung saan nag co-confirm na pumasa ako sa scholarship. Nabasa ko don na libre ako sa lahat ng gastosin. Kasama na ang pagkain, project at kung ano ano pang gastos. Kaya naman sinunggaban ko na.

Nameless GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon