-Justin's POV-
"Bro! Nakita mo ba si Alex?" pagtatanong ko kay David
"Hindi eh! Baka kasama si Kendal"
"Ahh. Sige salamat"
Hinanap ko sa boung campus si Alex at nakita ko siya sa may garden
"Alex!"
"Oh! Justin anong ginagawa mo dito?"
"Papatulong sana ako sayo eh!"
"Kung about sa Physics yan sorry dude hindi mo ako maasahan jan"
"Hindi to about sa school"
"Eh ano ba?"
Sinabi ko sa kanya ang plano ko at pumayag naman siya
"Sige! basta para kay Kendal"
"Salamat! Pakisabi nalang sa kanila una na ako kukunin ko pa yung mga kailangan ko"
Agad akong tumungo sa parking lot para kunin yung mga kailangan ko.
This is it! I have to make this day the most unforgettable day
-Kendal's POV-
Andito ako ngayon sa classroom namin nakikinig ng kanta sa iPod ko wala naman kasing makausap.
"Guys! Wala daw yung teacher natin kaya pwede na tayong umuwi" announce ng President namin
Yes! Early dismissal kami. Niligpit ko na ang mga gamit ko ng napansin ko na hindi pa pala bumabalik si Alexanda at Justin. Asan na kaya yung dalawa?
Lumabas na ako ng room para hanapin silang dalawa ng nabungo ako ni David
"Aray!"
"Sorry!"
"Okay lang! Bakit kaba tumatakbo at sa hallway pa talaga"
"Nagmamadali kasi ako eh!"
"Bakit?"
"Si Justin kasi..."
"Anong nagyari sa kanya?"
"Kasi..sumama ka nalang"
Tumakbo kami ni David papunta sa...GYM?
"Andito ba siya?"
"Basta pumasok ka nalang"
Pumasok ako sa gym pero wala akong nakitang tao. Pinagloloko ata ako ni David eh!
Lalabas na sana ako nga may biglang bumukas ng pinto. Pumasok ang varsity team na pinangunahan ni David at may dala silang mga bola
Seriously? Pinagtritripan ata ako nga nga to eh
"Akala ko ba andito si Justin wala naman eh! Pinagtritripan mo naman yata ako eh"
Hindi ako sinagot ni David at tumawa lang siya sakin
"Salo!" sabay hagus sakin ng bola
"Ano to?"
"Bola"
"Alam ko! anong gagawin ko dito?"
"Basahin mo!"
Basahin? Inikot ko ang bola at nakita ko na may nakasulat dito
"Pick up line? Anong pakulo to? siguro may kailangan ka sakin no?"
Umiling lang si David kaya napakunot yung noo ko
Sunod sunod na pinasa ng mga kasama niya sa aking ang mga bola nila at natatawa ako dahil puro may pick up line. Ang corny dude!
BINABASA MO ANG
My Sweet Second Love
RomantikWould you really believe that love sweeter the second time around?