Kabanata 1

22 2 4
                                    

Baklang bampira

Ang pamilya ang unang pundasyon ng isang mabuti, mapayapa at maunlad na populasyon. Pamilya rin ang humuhubog sa isang bata ng kabutihang asal kung saan itoy ginagamit niya sa labas upang makipagkapwa-tao. Pamilya rin ang iyong masasandalan sa tuwing may problema kang hindi mo masulosyunan, ang iyong takbuhan kapag ikaw ay nangangailangan. Sila ang iyong kalakasan at kahinaan.

Limang porsiyento laban sa siyam'naputlimang porsiyento ng bata ang hindi pinagkalooban ng ganitong uri ng 'pamilya', at sa kasamaang palad kasama ako sa kakarampot na porsiyentong iyon.

Namulat ako sa mga tiyang ko. Mula pagkabata sa kanila na ako tumira. Ayon sa kanila, namatay ang tatay ko, samantalang ang nanay ko naman ay sumama sa lalaking nakilala lang niya sa bar. Hindi siya puta, sabi ng tiyang waitress daw si nanay, pero sa mga naririnig ko sa mga kapitbahay namin, lalo na kay Ka Lilita, sumama daw siya sa isang mayamang binayaran ang isang gabi niya.

Hindi ko na alam. Maaari naman niya akong puntahan rito kay Tiyang at kuhanin kung talagang naaalala niya pa ako, pero sadyang masalimuot maglaro si tadhana. Buhay ko pa ang napiling pagtripan. Malapit na akong magdalaga pero hindi niya pa ako binibisita o pinapadalhan man lang ng sulat.

"Hoy Isay, wag mong dasalan 'iyang mga damit. Hindi niyan kukusutin ang sarili."

Umuusok ang nguso ni Tiyang Ameri. Nakasupalpal na naman kasi sa kanyang nguso ang umaasong tabako na 'yon. Hindi niya ba alam na akong isang hamak na estudyante na ilang hakbang lang ang layo sa kanya e maaari ng magkakanser?

Second hand smoker ako. Mas malala pa ang sasapitin ko kaysa sa kanya.

Agad na umere ang tumpok ng labahin sa mukha ko ng ibato niya ito.

Aray ha. Sapul ako!

Medyo napatagal pala ang pagtingin ko sa kanyang mukha.

"Wag kang tumunganga diyan. Bilis bilisan mo sa paglalaba at marami akong kustomer. Tulungan mo si Adang tamad dun sa labas."

Si Adang tamad.

Si Adang dapat di gayahin.

Si Adang pakikay lagi.

Lagi niyang inookray ang anak niya sa harap ko pero salungat naman ang ipinapakita niya sa harap ng anak niya.

Mother's love nga naman.

Hay nako.

Inabot ko ang puting T-shirt ni Tiyo at sinimulan ko na ang pagkukusot.

Fourth year college na ako, sa wakas graduating na. Sa pamimilit ni Tiyang BS Management ang kinuha ko. Nais ko sanang magguro pero parang wag na lang.

Tiyang wants, tiyang gets.

Di sana'y siya na lang ang pumasok at nag-aral.

Pero kasi siya ang nagpapaaral sa akin. Pinag aaral niya ako sa isang pribadong paaralan malapit sa Green Hills. LaSalle? Hindi, sa St. Bridgette University.

Isa akong crew sa isang sikat na fast food chain. Hindi ko na hinihingi kay tiyang ang pansarili kong mga gamit kaya napagdesiyonan kong mag working student.

Pagkatapos ng shift ko, sa carinderia naman ako ni tiyang tumutulong.

Hindi naman gaanong komplikado ang schedule ng bawat subjects ko na ipinagpapasalamat ko kay tadhana.

Mabuti at hindi na niya ako pinahirapan pa sa bagay na iyon.

Matapos kong malabahan at maisampay sa likod ang mga damit, dumiretso na ako sa carinderia.

The AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon