XYRA'S POV
Dahil sa letseng arranged marriage na ito ay nag-away kami ni Mike. Si Mike ang pinakamamahal kong boyfriend, 1 and a half year na kami at nag-away kami nang malaman niyang ipapakasal na ako sa ibang lalaki.
Ngayon kung anu-ano tuloy ang nasasabi ko tungkol sa pamilyang Samonte. Tapos nalaman kong Lawrence pala ang pangalan ng pakakasalan ko, mukha siyang inosente. From his blue eyes, maayos na pagkakasuklay ng buhok, makinis din ang mukha niya, may nunal din siya sa bandang ibaba ng kaliwa niyang mata, at natural pinkish lips, kung memake-upan mo siya at wig mukha na siyang babae. And most of all, he looks so decent. Enough checking him out. Hindi ako masiyadong kumbinsido na goodboy talaga siya, I mean kahit na he looks so innocent may kasabihan nga na 'looks can be deceiving' malay niyo may kulo siyang itinatago.
Nagwalk-out ako pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon sa kaniya. Pumunta ako sa garden ng restaurant na ito.
Tumingin ako sa langit, ang daming stars, ang ganda.
*swoooosssshhhh*
Brr, ang lamig. Nagulat ako ng may yumakap sa akin, pagtingin ko ay si Lawrence pala iyon--wait diba dapat ipapatong niya sa akin ang coat niya? At diba dapat ay tinatanggal ko na ang kamay niya sakin? Pero on second thought wag na pala, I feel so comfortable and safe in his arms.
"Bakit ka nandito mamaya magkasakit ka." malambing ang boses niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Nakakainis kasi ang mga pagmumukha niyo." Lies!
"Ganun ba?" kumalas siya ng pagkakayakap sa akin.
Ewan ko ba pero feeling ko namiss ko na kaagad ang yakap niya kahit isang segundo pa lang ang nakakalipas.
Lilingon sana ako sa kaniya nang may naramdaman akong pinatong siya sakin, yung coat niya. Lumingon ako sa kaniya.
"Para hindi ka lamigin." tapos ay ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.
"Why are you doing this?" kunot noong tanong ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat. "Ayaw ko magkasakit ang future wife ko." tapos ngumiti ulit siya ng sobrang tamis.
"Stop that." umiwas ako ng tingin.
"Stop what?" kunot noong tanong niya sakin.
"Stop smiling so sweet like that." I said
"Oh, I'm sorry. Nasanay na kasi akong ganito ngumiti." napakamot siya sa kaniyang batok.
"A-ah hindi ok lang. Pasensiya na." i looked away from him.
"Gusto mo bang pumasok na? Malamig na dito sa labas, magkasakit ka pa." tapos ngumiti ulit siya. Argh!!! Bakit ba ang cute ng ngiti niya?!
"Sige, nilalamig na rin kasi ako." palusot ko lang yun.
Pumasok na kaming dalawa. Pag pasok namin ay naabutan namin sila mommy at daddy na nag-uusap kasama ung papa at mama ni Lawrence.
"Oh ayan na pala kayo." sabi ng dad ko.
"Pasensiya na po sa inasta ko kanina." nakayuko ako habang nagso-sorry.
"Naku ija. Okay lang yun. Naiintindihan naman kita eh." ngumiti siya sakin. Ang mama ni Lawrence. "Ganiyan din ako eh, noong una hindi ko pa mahal itong lalaking ito..." tinuro niya niya yung papa ni Lawrence. "...pero sa huli nanakaw na niya yung puso ko." parang kinikilig siya.
Ngumisi si papa. "Gwapo ako eh." nagpogi sign pa siya pagkatapos ay kumindat pa kay mama.
Nagulat ako ng biglang may humaplos sa buhok sa likuran.
Nang tumingin ako ay nakita ko si Lawrence. Ni hindi ko manlang naramdaman na nasa likod ko na pala siya!
"And about sa kasal..." biglang akong sumeryoso sa sinabi ni mommy. "...pasensiya na anak pero wala ng magagawa para iurong ang kasal." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy.
"But! Alam mo naman mommy na may boyfriend na ako! Mahal ko siya at may balak na kaming magpakasal!" the last part was a lie. Pero totoo yung part na mahal namin ang isa't isa.
"Xyra, I know but dati pa namin napag-usapan ito at magkakaroon tayo ng malaking problema kapag hindi natuloy ang kasal." sabi ni mommy.
Binalingan ko si Lawrence na tahimik lang na nakikinig samin.
"Pumayag ka ba sa kasal na 'to?" tumango na siya. Lalo akong nainis.
"Why? Hindi naman natin mahal ang isa't isa ha?!" nakaka-inis!!!
"Uhmmm, I love my parents. At bilang isang masunuring anak, kailangan kong gawin ang mga sinasabi nila. Kahit ang pakasalan ka." hindi siya makatingin sa mata ko.
"We need to talk privately." hinila ko siya pabalik sa labas.
Nang makarating na kami sa labas ay binitawan ko siya at hinarap.
"Alam mo ba na kung nagpakasal ka sakin ay pwedeng mawala sayo ang kalayaan mo?" tanong ko sa kaniya.
Tumango siya "Yes, I know. Pero wala akong magagawa kailangan kong sundin ang utos nila."
I want to scream! God ano na lang sasabihin sakin ng boyfriend ko!
"But..." napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya. "Y-you can uhmm be with your boyfriend. Tapos pag may balak na talaga kayong magpa-kasal we can always separate." hmmm
"It's like hitting two birds in one stone. Matutupad na natin ang hiling nila mama at papa, magkakasama pa kami ni Mike!" napangiti ako
"Correct." he said
"Okay halikana pasok na tayo." hinila ko ulit siya papasok. "Pero sa atin na lang yun. Maliwanag?" kailangang maging sikreto ang naisip namin. Baka hindi nila magustuhan.
"Maliwanag." ewan ko. Parang malungkot siya. Pero hindi ko na lang pinansin.
Nadatnan namin sila mama na nag-uusap.
"Tapos na ba kayo mag-usap?"- mommy. (mama ni Lawrence)
"Opo, payag na po ako." sabi ko.
"Great! One week from now ang kasal!" wtf?! Ang bilis naman?
"At pagkatapos ng kasal, titira kayo sa iisang bahay ni Rence."
What?!
°^°^°^°^°^°^°^°^°
Pasensiya na kung medyo magulo.
Peace✌
BINABASA MO ANG
My Childish Husband
ActionA girl with a nasty repution. A boy who is so sweet and nice. ..... An arranged marriage between these two will awaken the demon inside. Tame it before it's too late.