Experience of Being Maliit #1

88 10 2
                                    

Gusto ko lang i-share itong experience na ito kasi dahil sa height ko, nangyari ito sakin.

Medyo naging proud rin ako na maliit ako dahil dito kasi kung hindi, onti na lang funny memories ko. T__T

So ito na nga...

--FLASHBACK--



Grade 3 ako noon nung nag transfer ako sa ibang school.

First day ko, NALIGAW AKO. T__T

Buti na lang may teacher akong nakasalubong!

"U-Umm... A-Ano po.. M-Ma'am!" Sabi ko.

"Ano iyon hija? Naliligaw ka ba?" Ani niya.

"O-Opo..."

"Sige, hatid na kita sa classroom niyo." Sabi niya ng nakangiti.

"Thank you po!" Ani ko ng may malaking ngiti.

Humawak ako sa kamay niya para hindi ako mawala.

Habang naglalakad kami napunta kami sa isang classroom na may nakasulat na "Kindergarten".

"A-Ay wait po Ma'am! Sa Grade-" Naputol ako sa pagsasalita dahil ipinasok na ako doon sa loob ng classroom.

"Welcome dito sa Kindergarten!" Bati sa akin nung isang teacher.

"A-Ano po kasi..." Nauutal kong sinabi.

"Ano iyon hija?" Tanong niya.

"Grade 3 po ako hindi Kinder."

"AY! Ganoon ba? Pasensya ka na napagkamalan kang Kinder ni Ma'am Sheryl!" Ani niya.

"Ayos lang po iyon. Naliligaw po talaga ako kasi po transferee po ako eh." Sabi ko.

"Ako na lang mag hahatid sa iyo papuntang classroom niyo. Yung tamang classroom mo." Sabi niya habang tumatawa ng papigil.

"Bakit po kayo natawa?" Tanong ko.

"Ehh.. Ano kase... Alam ko na kung bakit ka napunta sa Kinder kahit hindi naman." Sabi niya habang naglalakad kami sa classroom namin.

"Ano po iyon? Bakit po?" Paulit-ulit kong tanong.

"Ano kasi... Wag mo na palang alamin!" Sabi niya.

"Sige na nga po." Sabi ko.

"O siya, andito ka na sa tamang classroom mo. Ingat ka ha?" Sabi niya.

"Salamat po! ^____^" Nagpapasalamat ako habang may malaking ngiti sa kanya.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

A/N: Wala lang. Share ko lang itong experience ko na ito. XD
Habang iniisip ko ito tsaka ginagawa ko ito, tawa ako ng tawa eh! XD

Ang Buhay Ko Bilang Isang Maliit Na NilalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon