Thirteen

255 10 4
                                    

ANDREW POV

Trabaho ang pinunta namin rito ni Janna

Pero imbis na yoon ang atupagin ay nakikipag harutan lamang sya.

Nakita ko si  Janna  na nakikipagtawanan sa  lalaking  pangit. Tsss mas  guwapo  pa ako sa kanya!

Magkahawak kamay pa ang dalawa.. tsss...
Tokneneng, pabebe pa sya doon sa  mukha  HIPON na yoon!?

Casanova  talaga... kababaeng tao, ang daming lalaki!

Tinginan ko mula sa malayo ang mukhang hipon na yoon.. tuwang tuwa dahil kinakausap sya ni Janna.
Bagay sya sa dagat! Kasama ang mga kauri nyang lobster!!! 

Kumakain ng ice cream si Janna at medjo may daplis sa labi.

Nakita ko pang pinahiran noong lalaki ang mukha ni Janna  na  lalong nagpakulo sa dugo ko!

Pakiramdam ko sasabok na ako sa galit!

Tumalikod na ako at naglakad papalayo.. 
Mahigpit na  naikuyum  ko ang kamay ko.. 

"Tangina nya!  Gustong gusto kong putulan ng kamay ang  Hipon na yoon ! " 

Nilayasan ko nalamang sila hindi ko matake ang nakikita ko !

Pumunta ako sa buffet at kumuha ng kopita sabay inum..

Sunod sunod kong nilagok ito... 

"Tangina ang sakit! Ang sakit sakit! Bakit ka ba nafall! Bakit!  Tangang tanga mong puso ka! Mamimili ka na nga lamang yoong maling tao pa! " bulong ko habang umiiyak at sinisisi ang puso ko..

Shit! Nakakabakla.

"Bakit ba ang sweet nya sa lahat! Tangina paasa! " bulong ko.
Habang humahagulhol sa iyak...

Nahihirapan narin ang lalamunan ko.

" Andrew , bakit narito ka, Naroon ang ibang staff diba?"  Janna ...

Shit! Speaking of paasa!

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko.

Tanga ko! Bakit ba ako umiiyak.

Nilingon ko sya at ngumiti ng pilit.

" nag papahangin lamang." Malamig kong sabi rito at tilampasan lamang sya.

Nakita kong nasasaktan sya.
Kita ko sa mga mata nya..

Tangina na!

Paasa sya!

Gusto daw nya ako!

Na anu?!

Para saktan!!!

Kaya nya ako gusto!

Ang sakit!

Ang sakit! Sakit!

Lalo na't nahulog ka pero hindi ka naman kayang saluhin!

Napatigil ako sa paglalakad dahil may pumigil saakin...

"Teka, anung minamaktol mo  Andrew?" Takang tanung nito saakin.

"Anung problema?" Tanung pa nya.

Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko..

Tsss, lakas ng loob na kapitan pa ako pagkatapus nyang kapitan yoong pangit na lalaki  kanina!!!!!

Puwes!  Mag arcohol ka muna!!!

Marahas kong hinigit kamay nya para mapabitaw sya saakin.

Buong tapang kong tiningnan sya sa mata.

" alam mo ba ang minamaktol ko ha?! BAKIT BA ANG SWEET MO! ang sweet sweet mo?!" Sigaw ko rito na bahagyang nagulat sya.

"Teka,anung pinagsasabi mo Andrew? " naguguluhan nyang tanung....

"alam mo namang sweet akong tao,  Andrew,  hindi ko na kasalanan yoon." sabi pa nya saakin.

"Tsss... "   tiningnan ko lamang sya ng matalim at nilampasan ulit... pero hinawakan nanaman nya ang braso ko.

Kaya huminto ako at hinarap sya.

"Nagseselos ka ba  Andrew ?" Tanung nya.

"......."

"Tinatanung kita! "Sigaw nya saakin

"Oo! Fuck! Nagseselos ako! Ayokong may ibang umaaligid sayo!" Sigaw ko pa balik...

hindi na katakas sa mga mata ko ang pagkabigla nya at napalitan naman ito ng galit .
"Yan ang problema sayo eh..  puro ka SELOS! SELOS KA NG SELOS!" Sabi pa nya.

Namumuo na ang galit saaking puso..

Oo aaminin ko  seloso ako! Anung magagawa ko...
Natatakot lamang akong maiwan ulit at masaktan...  umasa na mamahalin nya higit pa sa GUSTO lamang nya ako!

"Kasalanan ko bang sweet ako  Andrew ? Kasalanan ko bang maging sweet akong tao..? " puno ng sakit na sabi nya saakin.

Tama na! Sabog na talaga ako sa galit!

"OO! kasalanan! Isang malaking kasalanan!  SWEET KA NGA EH!  sweet ka sa akin! Sweet ka sa iba! sweet ka sa kanila! Sweet ka sa lahat! Bakit ba ang sweet sweet mo?! DESSERT KA BA?! at kung desert ka LETCHEPLAN KA!"  buong sabi ko sakanya ang sakit sakit eh..

Halos labasan na ako ng litid.

Oo lalaki ako .... malakas ako  ..pero sa loob, hindi.. mahina ako lalo na pagdating sa kanya.

Alam kong medjo corny sinabi ko.. but gusto kong ilabas ang sama ng loob ko.
hindi yoong way na alam kong masasaktan sya ng husto... ayokong layuan nya ako.

Nanlilisik at halatang umuusok na ang ilong nya sa galit.
Ang playfull smile kanina ay napalitan ng pokerface..
"Alam mo ang sakit mong magsalita! " sabi nya... seryoso na sya kaya alam kong galit na sya.

"Bakit ikaw! Sweet ka rin naman ah! Alam mo ang pag ibig mo parang panutcha! Panut ka! Agggghhhh"  sigaw nya kaya nagtinginan lahat ng tao sa resort  ...

Nakarinig ako ng tawanan at bulungan..

Shit! Pinahiya nya ako...

Alam kong kanina pa nila kami pinapanuod...

Tinalikuran na nya ako at naglakad papalayo...

May araw ka rin Janna...  makikita mo.

Saka nagtuluy tuluy pumasok sa loob ng cottage kung saan nagkakasiyahan ang mga bisita at business man at woman sa loob.

********

Pinagmamasdan ko lamang si Janna habang nageentertain sa mga Business partner nya...

Kasama doon si Nick na mukhang enjoy na enjoy habang pinapasadahan si Janna ng tingin.

Naikuyum ko ang kamay ko..  ng subrang higpin...

Gagong lalaking ito! Kung wala lang akong utang na loob sa pamilya nito...  matagal ko na syang binugbug.. dahil sa mga kagaguhan nya.

Adopted son lamang ako ng Pamilyang Docil .... tanging ang anak nilang lalaki na si Nick lamang ang hindi ako kinilalang pamilya

Iniwas ko ang tingin ko sa gawi ni Janna ng bigla syang tumayo at lumapit saakin.

To be continue......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Cassanova Queen ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon