Simula

376 6 2
                                    

"Kuya please! Tama na!" pagmamakaawa ko sa kapatid ko. Vander is full of his own blood. Sa bawat suntok ng kapatid ko sa kanya ay hindi niya naiiwasan.

"Jaira naman! Pigilan mo si Kuya!" naiiyak kong pagmamakaawa rin sa kapatid ko.

My ex boyfriend- Vander cheated on me. Unfortunately, my siblings saw it. I know Vander cheating on me since then. Alam na alam ko na iyon but I was blinded by my love for him. I know he was having sex with one of my friends, but I chose to keep quiet. We were three years together and I love him very much.

"Kuya!" I shouted again when he kicked Vander. Nagawa pa niya itong duraan.

"Wag kang magpapakita sa aking gago ka at baka mapatay na kita!" he shouted.

We left Vander on the street with his own blood. I wanted to shout at my Kuya but I am tired.

We were about to have a bonding dahil kakauwi lang ni Kuya Pio galing states. Na sa entrance pa lang kami and they already saw Vander making out with someone.

"How stupid of you, Xavia!" Kuya Pio shouted. Umiiyak lang ako sa likod at patuloy silang dalawa ni Jaira ang nagsesermon sa akin. Nagawa ko pang itext ang mga kaibigan namin para tulongan nila si Vander doon.

"Sinabi mo pa, Kuya! I told her how many times about it! Pero hindi magawang iwan ang gagong boyfriend niya!" dagdag ni Jaira.

"I love him so much!" I defended. Siguro ganyan talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao. Kahit nasasaktan at ginagago ka na, papatawarin mo ito. Wala eh, mahal mo eh.

"Fuck, Via! How old are you?! Sixteen?! Seventeen?! You are twenty one years old already. For fuck's sake! Shut up!" Kuya Pio exploded. Kulang na lang ibangga niya ang sasakyan sa sobrang galit niya

Ako ang pinakabata sa aming magpipinsan. All attentions are on me. Kapag wala pa ako sa bahay ng alas diyes at tinatawagan na kaagad ako. They don't want to see me hurt.

Sa sobrang pagod ko sa lahat ng bagay, I chose to sleep. Hindi ko pinansin ang pagtawag nila mommy sa akin. Hindi ko na pinansin ang paulit-ulit na galit ng mga kapatid ko.

Jaira knew it too. Ilang beses na akong sinabihan ng kapatid ko. Simula pa lang ayaw na ni Jaira kay Vander, but I was happy with him. Vander found me boring. Hanggang halikan lang kaming dalawa. Iyon lang ang kaya kong maibigay sa kanya kaya hindi ko rin naman siya masisisi kung nagawa niyang mambabae.

I woke up a bit late. Pagkababa ko ay halos lahat nagtanong kung maayos lang ba ako. Kahit mga katulong sa bahay ay nagtanong.

"Via!" kumunot naman ang noo ko ng nakita ko ang dalawang pinsan ko sa sala. Ate Lovie ran to me and hugged me so tight.

"Maayos ka lang ba? What do you want?" she asked. I shook my head.

Kuya Drake took me from Ate Lovie and hugged me too.

"Mabuti at wala ako doon kagabi. Baka hindi na makalakad ang gagong yun." he said.

"Wag niyo ng ipaalam kay Brett 'to! Baka umuwi ng Manila wala sa oras!" Ate Lovie said.

"You're a bit late, Ate. Tinawagan na ni Kuya Pio si Kuya Brett kagabi." sabi ni Jaira galing kung saan man. May dala itong tray na puno mg pagkain at nilapag sa mesa.

"Eat, Via." she commanded.

"Bakit niyo naman tinawagan si Brett?" Ate Lovie.

"Bakit hindi? Kuya Pio planning to send Via to their island. She needs to unwind and stay away from toxic people!" what?!

"Ansabi mo?" tanong ko sa kapatid ko. She stared at me and shrugged.

"It's for you naman, Xavia. At isa pa, Kuya Brett agreed! Doon ka daw sa bahay nila tumira muna. The ocean will give you peace." parang gusto ko namang batohin ang kapatid ko.

My SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon