Chapter 5

7 0 0
                                    

Eya's Pov

""Ah, Jim, pasok ka muna sa loob," anyaya ko sa kanya.

"Ahmm, wag na Eya kasi sigurado akong kanina pa kami hinihintay ni ate," tanggi niya sa akin.

"Sige, ikaw bahala," sabi ko sa kanya.

"Bye, Eya," paalam niya. Dinungaw ko ulit si Calvin sa kotse at nag-kiss sa cheek niya.

"Bye, Calvin," sabi ko sa kanya.

"Bye bye, Tita ganda," sabi niya sabay kiss din sa cheek ko.

"Sige na, ingat kayo ni Calvin," sabi ko sa kanya at pumasok na siya sa kotse niya.

Nang umalis na ang sasakyan niya, pumasok na rin ako sa loob. Nadatnan kong masayang nag-uusap sina Daddy at Lolo sa sala.

Nag-kiss lang ako sa kanila bago umakyat sa kwarto ko.

Naghalf-bath lang ako tapos nagbihis pagkatapos ay bumaba na ako para sa dinner namin.

Masaya kaming nagdidinner ng biglang nagtanong si Lolo tungkol sa naghatid sa akin kanina.

"Apo, sino 'yung naghatid sa iyo kanina?" nagtatakang tanong ni Lolo sa akin na nagpatingin kay Mom and Dad.

"Ah, kaibigan ko po 'yung sa Manila, dito din pala sila nagbakasyon sa province," sabi ko kay Lolo na nagpatango sa kanya.

"Sino?" tanong ni Dad sa akin.

"Si Jim po, Dad. Ate niya po kasi dito na nakatira kaya dito sila nagbakasyon," explain ko sa kanila.

'Tas 'yun na ang naging topic namin, sabi nina Mom and Dad, bibisitahin din namin si Jim.

Magkaibigan sina Mom and Dad at ang mommy ni Jim, kaya masaya si Mom na malaman na nandito rin sina Tita Jelai.

Nag-chat kaming magkakaibigan at inaasar nila si Kuya Edward kasi daw nakita nila na may kasama itong girl, kaya pilit nilang pinapaamin si Kuya pero Kuya still denies it.

Natatawa na lang ako sa mga conversations nila, then nagulat ako nang mag-pop up 'yung name ni Tin.

"Eya, can I ask kung saan nga 'yung province ng lola mo?" tanong ni Tin sa akin.

So I replied to her agad.

"Bacolod, Tin. Why?" reply ko sa kanya.

Tas naghintay ako ng reply niya, but hindi na niya na-seen 'yung chat ko, but she's still online. Medyo nagtaka pa ako nung una, nang maalala ko na dito din si Jim nagbakasyon.

Alam na niya kaya na dito nagbakasyon sina Jim?

So I tried to type again and asked her if she knew Jim and his family were also here for their vacation.

"Ah, Tin, dito din pala sina Jim nagbakasyon?"

Nakita kong na-seen niya na 'tas nag-ta-type siya.

"Ah, sabi din nila, dito sila sa province ng husband ni Ate Grace." reply niya sa akin.

Nagpalitan lang kami ng mga text message about kay Jim at sa vacation din namin.

Mag-log out ba sana ako ng biglang nag-chat sa akin si Jim.

Biglang bumilis ang tibok ng puso sa hindi ko malaman na dahilan, siguro dahil first time niya akong chinat through PM.

Kasi nga diba di kami masyadong close kaya hindi kami nag-chat ng PM kung mag-uusap naman ay sa GC lang.

Binuksan ko ang message niya.

"Mamasyal kami ni Calvin bukas, gusto mong sumama?" tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nabasa kong chat niya. Problema ba nitong puso ko?

Agad na nag-type ako ng sagot sa kanya.

"Ah, saan kayo?" Tanong ko din sa kanya at agad na nag-seen siya.

"Sa SM Bacolod sana, may bibilhin lang tas sabay gala na lang din," sabi niya sa akin.

"Tatlo lang tayo ni Calvin?" Tanong ko ulit sa kanya.

Agad din siyang nag-reply na tatlo lang daw kaming pupunta bukas kasi may lakad daw sina Tita at Ate niya.

Ayaw ko sana kaso naisip ko na bibili din pala ako ng mga ibang gamit ko dito kaya sasama na lang ako.

Kinabukasan, maaga akong nagising, 5:00 AM pa lang sobrang ingay na sa labas ng bahay.

Ganito daw talaga pag sa probinsya, actually daw 4:00 AM gising na daw yung mga tao dito para gawin yung mga house chores like 'yung nagwawalis ng bakuran nila. Then 'yung iba, nagpapakain ng mga alaga nilang animals. Medyo iba 'yung life dito sa probinsya kaysa sa Manila.

Sobrang mga masisipag ang mga tao dito kasi ang aga nilang gumising to do their work, unlike sa city minsan tanghali na kung gumising.

Bumaba agad ako pagkatapos kong maligo dahil magpapaalam pa ako kina Mom and Dad na sasama ako kay Jim ngayon.

Pumunta ako sa kitchen at naabutan ko dun si Lola at Mommy na nagluluto ng breakfast.

"Eya, halika ka dito at tulungan mo kaming magluto," sabi ni Lola sa akin at agad din akong lumapit.

Pinaghiwa-hiwalay nila ako ng vegetables then nag-uusap si Mommy at Lola tungkol sa funny moments ni Mommy noong bata pa siya, like 'yung mahilig daw si Mommy maligo sa ilog tas naka-panty lang daw siya.

Tawang-tawa talaga ako doon. Mahilig daw siyang maglaro sa labas ng patentero, luksong-baka at jolins at iba pa. Ako ilan na lang sa mga laro na 'yan ang nalaro ko kasi it's more on gadgets na din kasi ako.

Pero 'yung nakakalungkot is ngayon kasi halos lahat ng bata hindi na alam ang mga larong 'yan, kasi they must preferred to play online games than to play those games.

Ako, if I have a chance, gusto ko rin maglaro ng mga ganyang laro kaso 18 years old na ako para maglaro ng mga ganyang laro.

"Mom, nag-aaya si Jim na pumunta sa mall, pwede po ba akong sumama?" sabi ko kay Mom.

"Sinong kasama niyo?" tanong niya sa akin.

"Yung pamangkin niya po si Calvin, Ma," sagot ko sa kanya.

"Okay, but magpaalam ka muna sa Dad mo," sabi ni Mommy kaya napangiti ako at kiniss siya sa cheeks pati na din si Lola.

Lumabas ako sa kitchen and then hinanap ko si Dad. Naabutan kong nag-kakape sila ni Lolo sa labas.

"Dad, Lo, good morning po," bati ko sa kanila sabay kiss sa cheeks.

"Maayo man ang imo pagtulog, apo?" tanong ni Lolo sa akin.

"Yes po, Lolo, ang sarap po ng tulog ko lalo na po sobrang lamig na po dito na hindi na mo na kailangan ng aircon," sabi ko sa kanya na ikinatawa niya lang.

"Ah, Dad, susunduin ako dito ni Jim mamaya, pupunta kami sa mall po," sabi ko kay Dad.

"Aba apo, boyfriend mo ba yang si Jim?" tanong ni Lolo na ikinapula ng pisngi ko.

"Uyy, hindi Lo, kaibigan ko lang po siya," sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya at tinitingnan ako ng may panunukso.

"Sige basta wag kayong magpapabi, Eya," sabi ni Dad.

Niyakap ko lang sila ni Lolo at umakyat ulit sa kwarto ko para i-text si Jim na sasamana ako sa kanila.

Agad naman nag-reply siya na okay at susunduin na lang din daw niya ako dito.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako at excited, siguro dahil gusto ko nang makita ang cute na cute na si Calvin.

A Letter to Mr. CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon